CHAPTER 15: REJECTED 102

1.4K 36 0
                                    

JHOANNA's POV



"Ms. Robles, I'm glad you're here na." Bumalik ako sa aking katinuan nang magsalita ang Principal, and I immediately looked away nang mag-angat ng tingin si Colet sa kinatatayuan ko. "Goodevening, Sir."




He called me kasi may mga letter na kailagan kong papirmahan individualy sa aking mga kaklase. As President ng classroom, it's my responsibility to do it. And, after niya akong kausapin ay lumabas na rin ako.




Yakap-yakap ko ngayon ang 30 pieces na mga papel na nasa loob ng plastic envelope habang naghihintay na dumating si Taneo dahil susunduin niya raw ako.




"Jho, hatid na kita." Colet offered nang makalabas din ito sa gate.



"No, I'm fine here, I'll wait for Taneo." I said habang hindi tumitingin sa kaniya.



Ngunit wala akong narinig na sagot after a few minutes kaya lumingon ako sa kung saan siya nakatayo kanina. She disappeared at tanaw kong naglalakad na ito patungong parking lot.






KAINIS! HINDI MAN LANG AKO PINILIT! KUNG WALA LANG TALAGA AKONG DALA, TINAPONAN KO NA 'TO NG BAG!










45 minutes passed at nararamdaman ko na ang pangangawit sa aking mga paa. "Nasaan ka na ba, Tan?"







A familiar car stopped in front of me, bumukas ang bintana at natatanaw ko si Colet.




Hindi pa pala siya umaalis? I thought...



"Hop in, Jho, it's getting late." 




Kung hindi lang talaga nangangawit  ang mga paa ko at wala akong bitbit, hindi talaga ako sasakay sa kaniya, but I need to kasi ramdam ko na rin ang pagod.

I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now