AUTHOR's NOTE:
To those who didn't know the song HAPPINESS by: Rex Orange County, you can play the video above. Promise, magugustuhan n'yo 'to.
JHOANNA's POV
"Would you like to come with me to another place?" Bulalas niya agad pagkaupo sa driver seat na siyang ipinagtaka ko naman. "What? Ano 'yon? Introduction pa lang?" Bahagya siyang natawa sa sinabi ko habang kunot-noo naman ako. "Parang gano'n na nga, so ano? Sasama ka o hindi?"
"Okay." Tipid na pagpapakipot ko lang na sagot kahit sa kalooban ko'y gustong-gusto ko naman talaga. Sana nga hindi na matapos pa ang gabing 'to. I just want to stay beside her after many months of longing for her.
She started the engine at hindi na pamilyar sa akin ang dinaanan namin, para bang nasa isang lugar kami na kaming dalawa lang ang may tao. Kahit na maliwanag ang buwan ay nagliliwanag din ang mga poste sa gilid ng kalsada na dinadaanan namin.
After 15 minutes of our travel, I was startled as the roof of her car started to open na siyang ikinalingon ko agad sa kaniya with amusement, lumingon din siya sa'kin, smiling proudly. "Your car is convertible pala? Why you didn't tell us?" Hindi niya ako sinagot bagkus nagkibit-balikat lang siya saka niya ako kinindatan kaya nahampas ko ulit ang kaniyang braso.
Bigla ay pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan dahilan para mapasigaw ako.
"GO SHOUT, JHO!" Kailangan na niyang sumigaw dahil hindi na namin maririnig ang isa't isa sa sobrang bilis ng kaniyang pagmamaneho na halos lumilipad na rin ang aming mga buhok sa lakas ng hangin. Kaya tumayo ako na hindi tinatanggal ang aking seat belt.
"WOOOAAAAAOOOOOOHHHHHH!" Sigaw ko sabay taas ko pa sa dalawa kong kamay. "THIS IS THE BEEEEEESSSTTT! AAAAAAHHHHH!" Sunod-sunod kong sigaw na para bang wala ng bukas.
Umupo ulit ako na hindi na maalis ang aking mga ngiti sa sobrang saya. At nakangiting pinagmamasdan lang pala ako ni Colet saka niya pinahinaan ang kaniyang pagmamaneho. I mouthed 'thank you' with my wide smiles while we were staring at each other. "Anything for you, Jho."
Is this the right time they have been talking about?
Is this the feeling of meeting the right person you want to be with?
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...