COLET's POV
Matapos naming mag-usap ni Mikha ay ipinagpatuloy namin ang pag-aayos sa aming mga gamit at sinimulan ang pagbuo ng tent.
"HALA! MAY ICE CREAAAAMM!" Excited na sigaw ni Aiah na ikinalingon naman ni Mikha.
"Mukhang hindi yata Ice Cream ang matutunaw, Mikhs." Ngumingising pang-aasar ko sa kaniya na siyang agad niyang ikinasama ng tingin sa akin. "Whatever, Col."
"HOY, JHO! KUTCHARA KO 'YAAAN!" Pagmamaktol ni Stacey. Nagsisimula na naman sila.
"HOY KA RIN! DINILAAN KO NA 'TO NO! KUHA KA NA LANG NG BAGO!" Mataray na sagot naman ni Jhoanna kaya napailing na lang kami ni Mikha habang nakikinig sa kanila. Parang mga bata talaga.
Pagkatapos kong mabuo at maiayos ang aking tent ay lumabas muna ako saglit para puntahan si Chie. Nakatayong naghihintay lang ako sa may gate ng ikalawang building since ang training room namin ay nasa unang building.
"Hi, Baby!" Bati niya sa akin nang makalapit ito saka ako hinalikan sa pisngi. "Kumain ka na?" I asked her at tumango naman siya. "Let's walk muna." Pagyaya niya sa akin kaya sumunod naman ako.
Kinuha niya ang braso ko saka pinaakbay iyon sa kaniya kaya habang naglalakad kami ay nakaakbay ako sa kaniya.
Buti na lang, walang mga students sa labas dahil abala sa Sky Gym o hindi kaya'y nasa kani-kanilang mga club at classroom.
Medyo dumidilim na rin. "Chie." At nag-angat siya ng tingin sa akin. "I've already talked with our manager, pero hindi talaga ako pinayagan. Sorry." I looked down at huminto kami sa paglalakad. "It's fine, Baby, I understand naman." Kinurot niya ang pisngi ko kaya we smiled at each other.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at umupo sa may soccer field, nagkamustahan saglit and after 30 minutes ay bumalik na rin kami sa mga kaniya-kaniyang room namin.
Pagkabalik ko ulit sa training room ay biglang nakaramdam ako ng kakaiba, parang biglang lumamig at sumeryoso ang paligid. Iginala ko ang aking paningin sa loob at abala pa rin ang ibang girls habang ang iba naman ay nagpapahingang nakaupo na lang sa sahig.
"Wala na bang kurtina? Para sana sa higaan natin kasi sobrang lami ng sahig." Pagsasalita bigla ni Jhoanna. Ako naman ay dumiretso kay Gwen na kumakain ng ice cream. "Patikim nga, My Love." Sabi ko at ngumiti naman siya nang malapad, saka ako nakisalo.
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...