Chapter 24
Sabrina's POV
You should've been there
Should've burst through the door
With that "baby I'm right here" smile
And it would've felt like
A million little shining stars had just aligned
And I would've been so happy.Pinatay ko ang punyeta kong walkman, etchos masyadong nang luma yun. Ipad pala dahil sa na embyerna ako sa lyrics nang kanta ni sister Taylor swift. Sister dahil kapatid ko siya chos lang. Hugot kasi ang mga kanta ng lukaret na yan e kaya swiftie fan ako. Dahil sa kanta nyang The Moment I knew naalala ko yung hinayupak na Bryan at ang malandi na Ellisa. Naalala ko yung hindi siya dumating sa kasal namin. I was so happy and excited at the same time nung araw na yun. Nagpaganda pa ako ng todo tapos isnob lang pala ang beauty ko dahil hindi siya sumipot at nagmukha lang akong tanga sa madlang people buti nalang maganda ako.
Tapos ngayon may pa I love you I love you pang nalalaman ang punyemas na Bryan na yan. Kala naman niya kikiligin ako sa pa I love you niya. Baka akala niya na kapag nalaman kong mahal niya pa ako e babalikan ko siya? Chura nya! Ano tingin niya sakin? Easy girl? Pwe.
Pero anyway, nagpapaganda ako ngayon kasi magkikita kami ni Fafa Bryan este Bryan. Dapat magpa ganda ako para malaman niya kung anong nawala sa kanya. Pinagpalit niya ako sa malanding higad na si Ellisa na mukha naman pigsa kaya nga hindi ko maipaliwanag kong ba't marahil ikaw ang laging hinahanap. Gayuma by Abra. Tama na nga ang kwento at akoy gogora na dahil nag text na si Bryan na nasa baba na siya ng building. Nag text lang talaga dahil piso nalang daw ang balance niya. Pulubi kasi. etchos. Baka ako pa mag bayad nang kakainin namin ngayon ah! Naku! Sa lugawan ni Aling Luming ko talaga siya dadalhin.
"You look gorgeous" Sabi ng hayop kong Ex sabay halik sa pisngi ko. Kala naman niya kikiligin ako sa mga papuri at pakiss kiss niyang yan. Hmmmp. E kong sa lips niya ako kiniss baka magustuhan ko pa charot.
"I know." Proud na sabi ko kaya natawa nalang siya. Akala naman niya pupurihin ko siya? di noh! Wala naman kapuripuri sa kanya. Pinagsawaan ko na siya chos.
Dumeretso kami isang restaurant na hindi masyadong marami ang tao. Malaki ito at halata mong mamahalin ang pagkain na siniserve nila. Puro naka formal attire pa ang mga kumakain. Yung iba naka business suit pa. Umupo kami sa dulo na malapit sa glass wall ng restau. Maganda ang lugar. Sana hindi ako ang pagbayarin ni Bryan sa kakainin namin dahil ihahambalos ko talaga sa kanya yung plato.
Nagsimula na kami kumain.
"Ehem. Ahmm. Sabrina tungkol sa mga sinabi ko sayo..ano.."
"It's okay. Wag na natin pag usapan yun."
"Sorry."
"Kumain ka nalang." Sabi ko.
"Ahm, gusto sana kita yayain lumabas after this. Let's drink I know a place."
"Okay" walang ganang sabi ko at tinuloy lang ang pagkain ng biglang tumunog ang phone ko..
Incoming call Gian...
"Excuse me. I have to take this call." Paalam ko kay Bryan
"Sure. Take your time."
Pumunta ako sa parte ng restau na walang masyadong tao dahil malapit ito sa cr.
"Hello"
"Oh? Kailangan mo?" Sagot ko
"Where are you? Susunduin kita sabay tayo mag dinner wife."
"Tapos na ako. I have a meeting with an important client and we had dinner already."
"Ganun ba? Cge, susunduin nalang kita."
"No. I have my car. Magkita nalang tayo sa bahay. Ay wag mo na pala ako hintayin dahil baka matagalan ako sa pag uwi."
"Bakit? May lakad ba kayo ni Yanna?"
"A-ah..o-oo."
"Ok, gusto ko sana magpaalam rin sayo na pupunta-"
"Ok pumunta ka na. Kailangan ko na ibaba 'to nakakahiya sa cliente ko pinag intay ko pa. Bye" pinutol ko na ang tawag dahil alam kong madaldal yang si Gian.
Gian's POV
Clyde calling...
"Oh? Napatawag ka?" sabi ko sa kanya.
"Tol, punta ka dito sa bar. Andito tropa. Birthday ni Michael."
"Cge hahabol ako pagkatapos ng trabaho ko. Magpapa alam lang ako kay commander"
"Hanep! Cge tol! Kita kits"
It's 8pm at andito pa ako sa opisina. I forgot to call my wife dahil sa sobrang busy ko. Sana hindi pa siya umuwi para ma sundo ko siya.
matawagan na nga lang..
MICHAEL'S POV
Andito kami ngayon ni Clyde at nag iinom sa bar niya. Ang daming chix ngayon. Mag eenjoy ako neto.
"Oh? asan na si Gian?" Tanong ko kay Clyde na busy sa cellphone niya. May textmate siguro 'to.
"Susunod na daw siya." Sagot niya habang nakatingin sa cellphone at nag t-txt parin.
"Mukhang busy ka yata diyan sa katext mo ah? Babae ba yan?" Pang aasar ko sa kanya.
"Gago! Pinsan ko 'to sa side ni Mama. Gusto gumimik at magpalibre sakin ng inom."
"Oh? Edi pa puntahin mo dito. Inom lang pala e. Wag kang kuripot pre."
"Kaya nga sabi ko puntahan niya ako dito kaso ang daming tanong na kung sino ba daw kasama ko. Kulit nga e." Parang naasar na sabi ni Clyde.
"Oh ayan na pala si Loverboy. Zup bro?" Sabi ko ng makita ko si Gian papalapit sa amin.
"Gwapo parin kesa sayo." Mayabang na sabi ni Gian.
"Lol! under ka naman ng misis mo! Hahahaha" balik pang asar ko sa kanya
"Hindi no? Mahal ko lang talaga yun" Sagot ni Gian habang sumesenyas sa waiter para mag order ng inumin.
"Naks naman! Binata ka na tol! Asar ni Clyde.
" Cclllyyyyyyydeeeeee!!!" napalingon kami sa sigaw ng isang babae na galing kung saan..
"HOLY SHIT!" O_______O bulalas ko ng makita ko kung sino siya!
---
♥nikkaii♥

BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romansa"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...