Chapter 40

4.2K 62 8
                                        

Gian POV

"Bakit bigla nalang umalis si Maam Sabrina iho?" Tanong sakin ni Manang na lumabas mula sa kusina.

"Ahm, may importanteng lakad daw siya manang e."

"Huh? Impossible naman yata yun. Ilang araw niyang pinaghandaan to e. Siya pa nga nag ayos neto lahat kanina kasama mga kaibigan niya."

"Ho? Ilang araw? Saka para saan naman ho itong hinahanda niya?"
Gulat kong tanong kina manang.

"E kasi iho si Maam Sabrina ho yung nagpapadala sa inyo ng mga regalo araw - araw. Ngayon sana niya balak magtapat sa inyo."

What???? si Sabrina yung nagpapadala sakin ng mga regalo??

Pero bakit? Aish! Antanga ko!!!

Kelangan ko siyang puntahan sa kanila.

Sabrina

"Tahan na bestie. Im sure may makikilala ka pang iba." Pag aalo sakin ni Kevin.

"Tsk! So ano? Ganon na lang? Di mo na ipaglalaban? Iiyak ka nalang? Diba dapat bawiin mo siya? Gawin mo rin yung ginagawa mo kay Bryan at Ellisa!" Irotableng sabi ni Yanna

"Pano ko gagawin yun? Una palang kasalanan ko na! Saka wala na akong karapatan sa kanya. Hiwalay na kami diba? Bakit? Kasi ako yung nakipaghiwalay!"

"Oh e yun naman pala e. Ano iniiyak iyak mo jan! Move on!!" Sabi ni Yana.

"Oo. Mag momove on ako! Kevin deretso mo sa airport!"

"Huh? Abay bakeeet? Nakakaloka. Agad agad!"

"Mag momove on ako!"

"Magpapasagasa ka sa eroplano? Bonga yan sis. Sosyal! To the airport!!"

"Gaga! Aalis ako papuntang singapore."

"Ay sosyal parin. Magmomove on lang sa singapore pa talaga. Yaman!!!!"

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon