Chapter 25
Yanna's POV
I am bored.. waaaaaaahhh.. mamatay ako sa boredom neto. Wala naman kasi si Kevin dahil nasa US siya ngayon. Kainis talaga ang baklang yun. Si Sabrina naman, ayun busy busyhan ang gaga. Kainis wala ako ma aya gumala.
Nag s-scroll ako sa mga contacts ko hanggang sa nakita ko ang pangalan na pinsan kong ulaga na si Clyde. May ari siya ng bar. Ma text ko nga 'to. Pupuntahan ko siya sa bar niya.
Naligo na ako para maka pag ayos. Kailangan kong makahanap ng pag lilibangan ngayon dahil bored na ako sa aking life.
Natapos akong maligo nang makitang kong may reply si clyde na birthday daw ng isa sa kaibigan niya kaya may konting celebration. Okay lang daw na pumunta ako. Bigla naman akong na excite dahil panigurado maraming boys dun ngayon. Mga gwapo pa naman mga barkada niyang si Clyde. Tinanong ko siya kong sino mga andun. Ang hayuf sinabihan lang akong wala akong kakilala kaya bilisan ko na raw bago pa mag bago isip niya.
Naglagay ako ng konting make up. Ayoko ko kasi ng makapal na make up. Gusto ko parang natural lang. Nag suot ako ng dress na medyo fit para kita yung hubog ng katawan ko. Tignan ko lang kong hindi maglaway mga kaibigan niya dun. Gora!
Nakarating ako ng bar at agad tinungo ang VIP ng bar.
"Cllllllyyyyyyydeeeeee" pasigaw kong sabi ng makita ko ang pinsan ko. Na excite lang. Hahahaha. Na miss ko rin kasi ang lokong 'to e. Agad ko siya niyakap.
"Ano ba Yanna wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya sa mga kaibigan ko."
"Sorry naman. Na excite lang e. Pakilala mo naman ako jan sa mga tropapipz mo! "
"Si Michael. Siya may birthday ngayon."
O_____O holy cow. Kaibigan pala niya ang gagong 'to?
"Hi. Nice to meet you." Preskong sabi nung Michael daw saka inabot ang kamay sa akin.
"Its not nice to meet you." Pambabara ko sa kanya. Hmmmp! Ang hangin talaga ng gago.
"Si Gian, kilala mo na siya diba?" Sabi ni Clyde. Nakita ko si Gian na naka kunot ang noo. Parang nagtataka siya kong ba't ako andito. Abay, wag siyang mag inarte. Invited ako noh. ahahaha. Self invite pala.
"Ba't andito ka? Asan si Sabrina?" Tanong ni Gian
"Hanapan ba ako ng taong nawawala? Hindi ko siya kasama noh?! Saka tinext ko siya kaninang umaga sabi niya busy daw siya. " Paliwanang ko kay Gian.
" Pero tinawagan ko siya kanina, sabi niya may lakad daw kayo kaya wag ko na daw siya sunduin."
Patay tayo jan. Hindi ako na inform ni Sabrina. Gaga talagang babaeng yun. San na naman kaya nagpunta yun. Naku!! Ma tutuktukan ko talaga yun sa esophagus. Makikita niya.
"Baka naman busy lang pre. Tawagan mo nalang ulit." Sabi ni Clyde.
"Sige pre. Tatawagan ko nalang muna."
"Small world. We meet again. Di kaya meant to be tayo?" Biglang pagsalita ni Michael mahangin.
"Bakit type mo ako?" Pang aasar ko sa kanya.
"Nagpapatawa ka ba? Baka ikaw? Kaya kaba andito dahil alam mong nandito din ako ngayon?"
"Wag kang ilusyunado. Hindi ko alam na andito ka at hindi ako nagpunta rito para makita ka! Feeling mo naman! Pwe!" Asar na sabi ko sa kanya. Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking 'to e. Masyadong feeling.
Gian's POV
Paulit ulit ko tinatawagan si Sabrina pero walang sagot mula sa kanya. Panay ring lang ng telepono niya. Asan na kaya yun.
Hindi ako mapakali na baka may nangyari ng masama sa kanya. Hindi ko mapapatawad sarili ko pag nagkataon.
"Na kontak mo na ba pre?" Si Clyde
"Walang sumasagot e."
"Baka naman busy lang talaga pre." Si Michael.
"San naman busy yun? 11 pm na."
"Baka umuwi na sa bahay niyo at naka tulog dahil sa pagod." Si Michael ulit.
"Uminom ka nalang muna pre. Okay lang yun si Sab." Si Clyde sabay abot ng basong may alak.
Nakita ko si Yanna na umiinom din at nakikipag harotan sa isang lalaking nakilala niya rin dito sa bar.
"Lets parttyyyyy.. wooohooooo!!"
Sigaw ni Clyde. May mga babae na rin na naka table sa amin.Umiinom lang ako sa gilid habang sila ay nagkakasiyahan sa pag sasayaw. Ayoko rin naman sirain ang gabing 'to dahil birthday ng kaibigan ko kaya mag eenjoy nalang ako. Pero kahit ganun hindi ko magawang lubusang magpakasaya. Mayat- maya kung tinitignan ang cellphone ko kung may text o tawag bang galing kay Sabrina pero wala talaga. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya. Hays, bakit ba hindi pa ako nasanay eh hindi naman talaga tumatawag sakin yung babaeng yun. -_____-
Mag eenjoy nalang muna ako."Cheers!!! Happy birthday pare!!" Sigaw ko sabay taas ng baso at ininum ang laman na alak neto.
"Pare, is that your wife dancing with.. sino ba yang lalaking kasama niya?" Si Michael sabay turo sa direksyon na sinasabi niya.
"Shit! I will kill that bastard!" Naitapon ko ang basong hawak ko habang papunta sa pwesto ni Sabrina kasama ang lalaking hindi ko kilala dahil nakatalikod ito sa direksyon ko. Kitang-kita ko kong pano niya hawakan ang asawa ko. Habang enjoy na enjoy naman itong si Sabrina sa pagsasayaw sa lalaking yun
"Pare, kalma kalang. Wag kang padalos dalos!" Si Michael na nakasunod sa akin habang papalapit ako sa direksyon nila Sabrina. Hindi ko siya pinansin at dali daling hinila paharap ang lalaking kasayaw ni Sabrina at sinutok.
Napatumba siya sa lakas ng pagkakasuntok ko pero nagulat ako ng makita ko kung sino siya. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon. Magka halong galit at sakit.
"What the fuck Gian!! Bakit mo siya sinuntok?" -Sabrina
Binigyan ko ulit ng suntok si Bryan hanggang sa pumutok ang labi niya. Hindi ko pinakinggan ang pag awat ni Sabrina at ng mga kaibigan ko. Hindi man lang lumaban ang hayop na 'to.
"Ano? Magpapagulpi ka nalang ba?"
"Tatanggapin ko lahat ng suntok mo dahil alam ko gago ako. Gago ako dahil iniwan ko si Sabrina noon. Pero ngayon kukunin ko na ulit siya. Kukunin ko ang akin." Bryan
"Gago ka pala e." Saka ko siya sinuntok ulit. Putok ang kilay at maga ang labi niya pero hindi siya lumaban. Pumagitna si Sabrina sa amin kaya natigil ang pag bugbog ko sa kanya.
Hinila ko si Sabrina papuntang parking lot at sinakay sa kotse ko.
"What the hell Gian. Mapapatay mo na si Bryan kanina." Sigaw ni Sabrina sa akin.
"Talagang papatayin ko yung gagong yun!"
"Lets end this Gian."
---
BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romansa"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...