A/N: Ayan na!!! SPG naba susunod dito? hmmm. Pag naka 30 votes ang chapter na 'to at 10 comments hindi ko na e pa-private ang next UD. Or mas gusto niyo naka private? Kayo rin, pag ganun kailangan niyo pa ako e follow para mabasa ang UD. Hehehehe. Kaya ba yun 30 votes at 10 comments?
______________________________________________________
CHAPTER 20
BRYAN'S POV
"Hon, gusto mo ba kumain? Ipaghahanda kita?"
"Hindi ako gutom. Matutulog na ako." Maikling sagot ko kay Ellisa.
"S-sige. Pupuntahan ko nalang si Zi"
Malungkot na sabi ni Ellisa at saka umalis para puntahan ang anak namin.
"Hays..bakit ba mapaglaro ang tadhana?"
Umakyat ako sa itaas sa humiga sa kama ng kwarto namin. Matagal na kaming nagsasama ni Ellisa pero hindi ko masabing mahal ko siya.
May anak na kami at kasal pero si Sabrina parin ang hinahanap ng puso ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung nagkausap kami ni Sabrina. Ang sakit. Nawala na ang kislap sa mga mata niya na lagi kung nakikita sa tuwing tinitignan niya ako.
Hindi ko naman ginustong saktan siya e. Pero siguro nga wala na talagang pag- asa para sa aming dalawa. May asawa na siya.
Simula palang alam ko ng si Gian Romualdez ang asawa niya kaya ko kinuha ang conatruction company nila para sa pagpapatayo ng hotel ko. Well, not to mention na magaling talaga si Gian.
*flashback*
"Pa, mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwan. Wala naman kaming kinalaman sa naging alitan niyo ni Tito Rommel."
"Wag mo siyang tawaging tito! Ayokong pakasalan mo ang babaing yun!"
"Pa.. Mahal ko siya."
"Mamili ka! Alam mo kong anong kaya kong gawin Bryan. Hindi kita pinalaki para maging suwail na anak. Kaya kong patumbahin ang pamilya nila."
"Ganun ka na ba kasama pa? Kaya mong pumatay para lang masunod ang gusto mo? Ano bang kasalanan nila sayo at ganyan ka kagalit ha?"
Napataas na ang boses ko at tuluyan na kaming nagkasagutan ni Papa.
"Wala kang alam! Kaya wag mo akong pangunahan sa mga plano ko. Oo kaya kong patumbahin ang pamilya ng babae mo!"
"Hindi ko siya babae pa. Mahal ko siya. Magpapakasal na kami."
Nakita kong naningkit ang mga mata ni papa. Galit na talaga siya.
"Ang ama ng babaeng minamahal mo ngayon ay ang lalaking umagaw ng lahat sa akin."
Nagulat ako ng biglang mag kwento si Papa. Kinalma ko ang aking sarili at sinubukan makinig.
BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romance"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...
