Chapter 34
Gian
"Oi Tokmol, may regalo para sayo." Sabi sakin ni Rachel habang may inaabot na isang box sakin.
"Ano yan?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Abay malay ko! Baka bomba yan. Nakapangalan sayo e"
"Pag sakin nakapangalan bomba agad?"
"Buksan mo na kaya??! Dami pa satsat e."
Binuksan ko laman ng box at nakita ko ang isa na namang box. Kaya binuksan ko ulit at box parin ang laman. -_______-7 ano bang regalo to? Bakit puro box??
"Ano na? Paliit ng paliit regalo mo ah?? Hahahaha" sabat ni Rachel habang tatawa tawang pinapanood akong buksan ang box.
"Tumahimik ka nga. Baka diamond laman neto o do kaya winning ticket sa lotto"
"Bwahahaha ang yaman yaman mo pero yan pa iniisip mo! Seriously??"
"Tsk!" Inirapan ko siya habang patuloy na binubuksan ang box na walang katapusan.
Paliit ito nga paliit hanggang sa isang maliit na box nalang natira.
Pagbukas ko may nakita akong isang maliit na papel. -_____- Oo papel. Akala ko kung ano e. Potcha!
"Real treasure are found in the deepest part of the earth. Bago mo makita ang diamante kailangan mo itong hukayin at paghirapan. Gaya ng pagmamahal ko sayo. Paghihirapan ko makuha ko lang matamis mong Oo. Huhukayin ko puso mo at ibabaon ko puso ko dahil sayong sayo lang ako." Yan ang nakasulat sa papel. Sino kaya nagpadala neto.
Tinignan ko yung box kung may pangalan na pero wala akong makita sa halip may nakita akon isang susi. Oo susi na literal. Pero mahaba siya na susi. Yung lumang style na susi na nasa antique shops mo lang makukuha. May letter din eto.
"Buksan mo ang puso mo ng maka pasok ako. Gamitin mo ang susi ng puso ko.
mahal ka,
19
Napangiti ako sa nabasa ko. Ang sweet naman niya pero bigla sumagi mukha ni Sabrina sakin. Di kaya siya 'to? Kung siya nga kikiligin talaga ako. Pero impossible.
Sabrina
" Hoy, ngiti ngiti ka jan?" Tanong sakin ni Yanna. Andito kasi kami sa coffee shop. Inaya ko siya para mag coffee dahil kukwento ko sa kanya ang nangyari. Andito din si Kevin kaya kompleto kaming 3 ngayon.
"Wala lang. Bawal ba?"
"Tss. For sure may ginawa na namang kalokohan yan! Splook mo na te!" Sabat ni Kevin. Minsan talaga asar tong si bakla e.
"Nililigawan ko si Gian" ^______^
muntik ng maibuga ni Yanna ang iniinom niya frappe sa akin.
O______O Yanna
-______- Kevin
"Oh? diba nasabi ko na sa inyo yan??"
"Eh kasi naman, hindi ko expect na ganyan talaga gagawin mo. As in ikaw ang manliligaw?" Gulat parin na tanong ni Yanna
"Ayan, dami pa kasi arte. Kung una palang minahal mo na si fafa Gian edi hindi ka magkakandarapa ngayon kakahabol!" Sabi ni Kevin.
Totoo din naman yun. Pero di na mahalaga yun. Importante maitama ko mali ko diba?
"Oh? Ano ginawa mo? May ginawa ka na ba?" Si Yanna

BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romance"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...