CHAPTER 45 - END

7.6K 99 11
                                        

AN:

NEMESIS

  What if you suddenly bumped to the one? What if your peaceful life turned upside down. You woke up one day and the only person you love no longer feels the same way. Pano kong makalimutan niya ang kayo. Ang ikaw. Ang siya. Pano kong paglayuin kayo ng panahon. Pano kong pagtagpuin muli ang iyong landas sa ibang pagkakataon? Pano kong ang lalaking dapat sayo ikakasal ay ikakasal na pala sa iba? Babawiin mo ba ang dapat ay sayo? Oh tuluyan mo ng bibitawan ang pag ibig na matagal ng natapos? Sundan ang storya ng buhay pag Ibig ni Alex kung paano siya nasawi, nawasak at nasaktan sa pag-ibig. Pano siya bumangon at lumaban. Hanggang saan kaya sila dadalhin ng panahon. Tuluyan bang maghihilom ang sugat ng nakaraan?  

****Abangan niyo po ang susunod kong storya. Nemesis po titile niya. Search niyo nalang po sa profile ko if di niyo makita.  Sana patuloy niyo pong supportahan ang MCHW at ang iba ko pang obra. Alam ko hindi ako magaling na writter and I am not even a pro pero ganon paman salamat at binabasa niyo parin. SALAMAT PO TALAGA AT GODBLESS sa inyo!! MORE POWERS!!

PS: wag din po mag expect ng mabilis na update kasi po sobrang busy ko po talaga. Pampalipas oras lang po itong pag susulat ko. 

==============================================================================

Gian POV

Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Akala ko hindi na darating ang panahon para sa aming dalawa ni Sabrina. Pero eto kami ngayon magkasama. Tapos na ang bakasyon naming dalawa at kelangan na naming umuwi ng Pilipinas. I am planning to propose when we get back there. Tinawagan ko na rin sila Mommy and Sabrina's parents. They were very happy for the both of us. Sa wakas na ayos din ang gusot namin mag asawa. 

We are preparing our things at papunta na kami sa airport. Pero hindi ako mag popropose sa airport no. hahaha lakas maka Jhonlloyd nun. 

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."  Sabi ni father. Agad ko naman itinaas ang bello na tumatakip sa mukha ng asawa ko. I saw her teary eyed. I kiss her tears away and kiss her on the lips.

"I love you till death do us part"

"I love you too."  She said as a reply.

"Oh Aliyah apo bakit ka umiiyak?"

Tanong ko sa aking 8 taong gulang na apo. Siya ang anak ng panganay namin ni Sabrina.

"E kasi Lolo, ang ganda ng love story niyo ni Lola. Sana ganyan din maging love story ko."

napatawa ako sa sinabi ng apo ko. Ang bata bata pa pero love na agad iniisip. Hay nako.

I am 56 years old. Pero gwapo parin. Si Sabrina din. Sa mga taon ng aming pagsasama naging masaya kami. Biniyayaan kami ng tatlong mga anak. Yung panganay namin na si Alexandra ay may sarili ng pamilya at eto nga ang apo ko na si Aliyah. Ang sumunod ay si Gian Joshua na malapit ng ikasal. At ang panghuli ay si Gianna Sabrina na nasa pang huling taon na sa college.

"Oh mahal ko bakit umiiyak tong si Aliyah? anong ginawa mo sa kanya?"

Sulpot ni Sabrina na may dalang meryenda.

"Lola, Grandpa is telling me your love story. "

pagsusumbong niya sa asawa ko.

"Hahahaha dont worry baby, you will also have your own loves tory someday when you get big" sabi niya sa apo namin. Sa kanya pala natuto ang bata ng mga love na yan e. Ang bata pa ng apo ko no para sa bagay na yan!

"Oy Sabrina! kung anu ano tinuturo mo sa apo ko! Bata pa yan para sa love na yan!"

"Hoy din sayo! pake mo! saka dun din naman pupunta yun. Maghahanap parin ng forever tong apo ko!" sagot naman niya

"Anong apo mo? Apo ko yan!"

"Hindi no! Apo ko to!"

"Hindi! Apo ko yan!"

"Mom, Dad.. Are you fighting again? Apo niyo po parehas si Aliyah kaya wag niyo na po siya pag awayan."

Ganyan lang naman ang takbo ng buhay namin ni Sabrina. Makulit parin siya. Sa loob ng ilang taon ng aming pagsasama masasabi kong hindi sa lahat ng oras ay puro saya lang. Hindi naman kasi maiiwasan na magkaroon kami ng away mag asawa. Lalo na at napaka selosa pala ni Sabrina. At maypagka amazona din.

Naalala ko nag away kami kasi nakalimutan ako ang anniversary namin dahil sa sobrang busy ko nun sa trabaho. Kaya pagdating ko sa bahay sinalubong ako ng isang matigas na flower vase. Natamaan ako sa noo kaya dumugo ito.

Hindi man lang siya nag sorry. Ni gamotin ang sugat ko di niya ginawa kaya si Manang ang gumamot sakin.

Nag away kami nun at natulog sa magkabilang kwarto.

Kaya kinain ako ang pride ko at nagsorry. Dun ko din nalaman na buntis pala siya. Balak niya pala ako e surprise sa anniversary namin.

Mas lalo ako nahirapan nung nag buntis na si Sabrina sa panganay namin. Ang dami niyang hinihingi na pagkain na di ko alam saan ko mabibili kaya ang nangyari e yung assistant ko dito sa bahay ko pinatira kasi nagpapasama ako sa kanya sa tuwing may e rerequest si Sab na pagkain. 

At ang pinakamalala e yung gusto niyang kumain ng palaka soup. Yung sa mga japanese na pagkain na medyo buhay pa ang palaka na nasa sabaw.

Di ko alam kung bibilhan ko ba siya ng ganon. Kasi naiisip ko palang nasusuka na ako.

Kaya hindi ko siya pinagbiyan. Galit siya sakin pero naayos din naman.

Ngayon, andito kami sa bahay para e celebrate ang wedding anniversary namin ni Sabrina. Kasama ang aking tatlong anak at isang apo na si Aliyah.

Hanggang dito nalang po ang aking kwento.

Ako si Gian Romualdez. Parang mmk lang. Hahahaha

The end!
----
Salamat po ng marami sa nagbasa at walang sawa sumubaybay sa kwento ni Gian at Sabrina. Abangan po ninyo ang aking iba pang obra. Hays. Sana ako din makahanap na ng forever. Hahahaha. Salamat po. Sana nagustuhan niyo. Kung hindi man ayos lang. hahaha

MY COLD HEARTED WIFEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon