Chapter 26 - Breakeven

3.7K 59 1
                                        

Chapter 26

Gian's POV

Tahimik lang si Sabrina sa kotse habang nagmamaneho ako pauwi. Pilit ko rin kinakalma ang aking sarili kahit gustong gusto kong sumbatan siya. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Hindi. Hindi ako papayag na iwan niya ako.

Nakarating kami sa bahay ng hindi parin siya umiimik.

"I'm Sorry" sabi ko. Oo martyr na kung martyr. Tatanggapin ko lahat wag lang niya akong iwan.

"Gian, listen. Ayoko na! Taposin na natin 'to."

"Hindi! Hindi ako papayag. Please wag mo akong iwan." Pilit kong pinipigalan ang pag patak ng aking luha pero talagang gusto nilang kumawala sa mga mata ko. Ayoko man mag mukhang kawawa at mahina na harap ng asawa ko pero hindi ko magawa. Lumuhod ako sa harap niya habang nagmama kaawang wag niya akong iwan.

"Gian please. Tumayo ka diyan. You know I don't deserve you. Mabait ka mapagmahal, maalaga. You have the quality of a best husband pero hindi ako ang babaeng para sayo."

"Sino Sabrina ang babaeng para sa akin? Kulang pa ba? Kulang pa ba lahat ng ginawa ko? Sabihin mo anong gusto mo gagawin ko."

"Gian please, don't make this too hard for me. Alam mo naman na simula palang si Bryan lang. Siya lang ang mahal ko. Someday mahahanap mo rin ang para sayo." She said and walk pass by me. Nakaluhod lang ako habang tinitignan ang pag alis ni Sabrina sa bahay namin.

Bakit? Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Lahat ginawa at binigay ko sa kanya. Siguro nga kulang ako para sa kanya.

Sabrina's POV

Naawa ako kay Gian. Ang sama ko para saktan siya. Hindi ko alam kong tama ba 'tong ginawa ko. Pero ayoko kong umasa siya sa akin. Simula ng iwan ako ni Bryan hindi ko na kilala ang sarili ko. Nawala na ang dating Sabrina. Ayokong maging miserable siya katulad ko.

Uuwi muna ako sa condo ko. Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ko sa bahay namin ni Gian.

---

"Kamusta naman ang sulutera kong bestfriend?"

Si Yanna. Andito siya ngayon sa condo ko. Lagi siyang pumunta dito kasama si Kevin pero ngayon himala yata at mag isa lang siya. Pero ayos na yun kesa naman dalawa silang pinag tutulungan ako.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Masaya ka ba?"

"Oo naman noh? Bakit naman hindi?"

"Bakit nga ba hindi?" Sabi ni Yanna sabay lagay ng isang kamay niya sa ilalim ng baba na parang nag iisip.

"Sabagay, kayo na ulit ng love of your life na si Bryan. Nakuha mo na siya, nakaganti ka na kay Ellisa. Naka sira ka ng pamilya at nakasakit ka ng tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka!"

"Ano bang gusto mong sabihin ha? Ginawa ko lang naman ang alam kong tama. Mali bang ipaglaban ko ang akin?" Napataas na ang boses ko dahil sa sinabi ni Yanna. Ilang beses na ba nila akong pinagmumukhang masama.

"Mali Sabrina! Oo sayo si Bryan noon pero hindi na simula nung nagkaroon sila ng pamilya ni Ellisa."

Sigaw ni Yanna. Ngayon lamang siya nagalit at nagtaas ng boses sa akin.

" Alam ko sinaktan ka niya, nila pero hindi tama na wasakin mo ang pagsasama nilang mag asawa dahil sa sariling interest mo lamang. Maaring pinili ka ni Bryan. Maaring mahal ka rin niya hanggang ngayon pero hindi sapat na dahilan yun para manira ka ng pamilya. Mahal ni Bryan ang pamilya niya. Sumama siya sayo dahil akala niya iniwan siya ni Ellisa at sumama sa ibang lalaki. Akala niya pinagtaksilan siya ni Ellisa. Akala niya mali ang naging desisyon niyang pakasalan si Ellisa. Pero ang totoo, you set her up. You set up Ellisa para ipalabas that he is having an affair with some man just to make Bryan broke up with her. Alam ko naguguluhan lang si Bryan. Akala niya mahal ka pa rin niya nung magkita kayo muli, but I saw him when Ellisa ang their child left him. Si Gian, iniwan mo ang lalaking walang ibang alam kundi ang mahalin ka Sabrina! Si Gian na gabi gabi nakikitang kong lasing sa bar nila Clyde. Si Gian na handang ibigay sayo ang lahat ng walang kapalit pero iniwan mo."

Oo. Tama pinalabas kong niloko ni Elisa si Bryan. Nung minsan na may homecoming party kami sa opisina nilagyan ko ng droga ang alak ni Elisa dahilan para mawala siya sa katinuan. Sakto naman na lumapit sa kanya ang isa kong empleyado na may gusto sa kanya at tinulungan siya dahil sa sobrang kalasingan. Sinabihan ko ang empleyado ko na iuwi na muna niya si Elisa sa kanya dahil hindi na ito makapag drive ng sasakyan. Marami ang nakakita sa pangyayaring yun na naging usap usapan sa opisina. May mga video na kumakalat habang si Elisa ang naunang humalik dun sa empleyado kong lalaki dahil sa tama ng droga. Alam ko walang nangyari sa kanila dahil mabait si Ronnie, hindi ko rin inaasahan na sasang ayon ang kapalaran sa akin. Dahil walang ka hirap hirap na nalaman ni Bryan yun dahil sa video na kumakalat sa loob ng opisina. Dahil sa hiya nag resign si Elisa at umalis. Nalaman ko nalang na nakipag hiwalay si Bryan sa kanya dahilan para kami ay tuluyang magbalikan. 4 na buwan na ang nakalipas ng mangyari ang insedenteng iyon. At 6 na buwan narin kaming hiwalay ni Gian. Nagpa dala ako ng annulment papers sa kanya pero hindi parin niya pinipirmahan. Busy daw siya sa trabaho. Well, as long as hindi na niya ako ginugulo.

"Don't judge me as if ako ang masama dito. Sila ang nag umpisa ng lahat ng ito. I just want to get even"

"Sige, ipagpatuloy mo yan. Sana lang matauhan ka bago pa mahuli ang lahat dahil baka isang araw pag gising mo wala na ang lahat ng taong totoong nagmamahal sayo! Hindi na ikaw ang Sabrinang nakilala ko! Nagbago ka na! Ang tanong ko lang, masaya ka ba? Masaya ka ba sa ganito? Sana lang oo."

Sabi ni Yanna saka tumayo at lumakad papunta sa pinto. Bago pa siya tuluyang lumabas hinawakan ko ang braso niya.

"Yanna.. Wag mo naman akong iwan."

"Walang akong kaibigan na kasing sama mo!" Saka tumalikod

"And about Gian, He has moved on. I think he is happy with his new girl. I've heard he will sign your annulment soon. I hope you'll be happy." Sabi niya bago tuluyang lumakad pa alis ng condo ko.

Hindi ko makalimutan ang lagat ng sinabi ni Yanna. Mali ba ako? Masaya ba ako sa lahat ng ginagawa ko? Si Gian.

Pipirmahan na niya ang annulment..

---

MY COLD HEARTED WIFEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon