Sabrina's POV
Sa loob ng halos limang taon pinilit kong kalimutan ang nakaraan. Sabi nga nila move on and leave the past behind. Tama nga naman yun. Time heals all pain pero siguro hindi pa dumarating ang tamang oras para sakin upang makalimutan ang lahat ng sakit na naidulot ng nakaraan. Gusto ko man kalimutan lahat pero pilit binanalik ng tadhana ang nakaraan.
Sabi nga ni shakespear 'feel the pain till it pains no more.' I did. Tinanggap ko lahat ng sakit kaya siguro naging manhid ako. Well, its the new me and I love it. No feelings no pain.
Papasok ako ngayon sa opisina ni dad dahil ngayon ang first day ng training ko bilang CEO ng companya namin.
"Good morning maam" bati ng isang empleyado sakin na hindi ko naman alam ang pangalan.
Dinaanan ko lang siya at pumunta agad sa office ni Dad. Boring na naman 'to. I don't need this training dahil I know how to run the company and I know dad knows about it. Gusto niya lang naman akong bantayan habang andito ako e. Kahit nag asawa na ako lagi parin nila akong kinukumusta at kung anu-ano pang paraan para makapag bonding kami family.
We are close. Ako lang kasi ang nag iisang anak kaya ganun kami ka attached sa isa't- isa.
"Sabrina my baby have a seat." Bati ni dad sakin sabay halik sa pisngi ko.
"Do I have to do this dad?" Sabi ko
"We've talked about this Sabrina. Konti nalang naman ang dapat mong malaman since may alam kana tungkol sa business natin. I will send you the report of the company's status and other important documents na dapat mo lang e-review and pirmahan." Sabi ni dad.
"How can I say no. You have pass the responsibility to me already." Bored kong sagot.
"I hope you understand anak. Ikaw lang maasahan ko." He said with a sad tone.
"Okay, I understand dad." -___- ano pa nga ba?
"By the way, gusto ng mommy mo na tumuloy muna sa bahay niyo ni Gian until our flight since matatagalan kami bago makabalik sa Pilipinas so she decided to spend time with you dahil na miss ka raw niya."
"What? Dad naman. Pwede naman na ako nalang pumunta sa bahay natin. Kung gusto I'll stay there." Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi ni dad. Tss. Ang dami talaga kalokohan nila mommy.
"What difference it makes Sabrina? Besides your mom wants to see how are you going with Gian"
Kaya naman pala e. Makiki chismiss lang sa pagsasama namin ni Gian. Aish kainis. Malalaman nila mommy na hindi kami nagsasama ni Gian sa isang kwarto. Tss. Problema na naman 'to.
"Tss. Aren't you staying with us also?" Tanong ko kay dad.
"I'd love to baby kaso marami akong aasikasuhin bago ang alis namin kaya yung mommy mo nalang at dadalaw nalang ako. I'll stay in my pent house. Mas malapit kasi sa office yun."
"Pero dad hindi ko rin naman maasikaso si Mommy kasi nga may work ako dito. Tapos busy rin si Gian."
"Dont worry baby. I know you know how to handle the business well kaya hindi kailangan araw araw nasa office ka. Kailangan mo lang mag report pag may board meeting o importanteng cliente aasikasuhin. I'll send you your schedule tomorrow. I'm still here. Kaya spend time with your mom baby. I know she misses you. And you'll be busy when I leave. Mahabang sabi ni dad.
"Okay, pero dad stop calling me baby. Matanda na ako para sa tawag na yan. Nakakasuka pakinggan. At isa pa baka mapagkamalan kang sugar daddy ko."

BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romance"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...