Chapter 19
Gian's POV
" Mahal parin kita Sabrina."
"Mahal rin kita Bryan."
Paulit ulit ang mga salitang yun sa isip ko. Siya pala ang lalaking minahal ni Sabrina. Sana pala inalam ko ang tungkol sa nakaraan ni Sabrina. Hindi ko ginawa dahil hindi naman mahalaga sakin kung anong nakaraan niya. Gusto ko ako ang kasama niya sa future at gagawa kami ng ala-ala namin na higit pa sa nakaraan niya.
Hindi ko alam ganito pala kasakit ang mag mahal. Gusto kong suntukin yung Bryan na yun. Gago siya. Pero hindi ko magawa. Anong bang karapatan ko? Oo asawa ako ni Sabrina pero anong laban ko sa lalaking minamahal niya. Kahit anong mangyari alam kong pipiliin niya yung Bryan na yun. Sa umpisa palang naman ng pagsasama namin alam ko ng iba ang mahal niya. Asawa ko lang siya sa papel pero hindi ko siya pag-aari.
Naglalakad ako. Hindi ko alam kong san ako pupunta o kung ano man ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Eto na ba ang panahon na isusuko ko siya? Sa taong mahal niya? Ewan. Ang gulo.
Kakalakad ko na punta ako sa bar hindi gaanong malayo sa hotel. Siguro kailangan ko uminom para makalimot sa sakit kahit panandalian lang.
BRYAN'S POV
Mahal ko parin si Sabrina. Ni minsan hindi nawala ang pag mamahal ko sa kanya. Alam kong nagkamali ako. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Andito ako sa resort kung saan ginanap yung reunion nila Sabrina dahil nagkataon na may kikitain akong isang malaking investor. Nasa hotel business din kasi ako at kaibigan ko ang may ari ng hotel na ito na si Vince. Actually mag kasama kami ni Ellisa pumunta dito. Hinatid ko lang siya tapos dumeritso na ako sa venue kung kami mag kikita nung investor.
Hindi ko inaasahang magkikita kami ni Sabrina dito. Hinahanap ko kasi si Ellisa dahil isasabay ko siya pauwi. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya sa kanyang hotel room ng maisipan kong mag libot sa kabuuan ng hotel ng bigla kong makita si Sabrina naka upo sa medyo madilim na parte ng resort malapit sa may dagat.
Masakit sakin na marinig mula sa kanya na kaibigan nalang ang turing niya sa akin. Siguro naka move on na nga siya. Matagal na rin na panahon simula nung huli kami magkausap. Hindi ko naipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi ko siya niloko. Nasaktan ko siya oo pero hindi ko magagawang pagtaksilan siya. Isang pagkakamali ang nangyari noon.
Sana pala pinaglaban ko ang pagmamahalan namin. Naging duwag ako. Pero hindi ako susuko. Babawiin ko siya. Alam ko mahal parin niya ako.
Sabrina's POV
"Oy Bes, nakita mo ba si Gian? Si Yanna
" Huh? Sinong Gian?" Nagtatakang tanong ko kay Yanna. Wala naman kasi akong kilalang Gian sa batch namin e.
"Yung asawa mo! Si Gian"
O____________O
"A-andito s-si G-Gian?"
"Oo, hinahanap ka nga kanina e. Sabi ko andun ka sa beach side. Hindi mo ba nakita? Baka naligaw na yun?"
"Hindi e. Saka baka anjan lang yun."
"Okay, kain ka na!"
Nagsimula na akong kumain kasama nung iba kong mga batchmates. Ang daming pagkain e. Pagkatapos namin kumain lahat naisipan nilang mag bon fire sa tabing dagat. Nag-iinum na din yung ibang mga lalaki. Nag ihaw kami ng marshmallows.
Hindi ko na napansin si Ellisa sabi naman ng iba nauna na raw umuwi at sinundo daw ni Bryan.
Kaya siguro andito yung g@gong Bryan na yun. May pa mahal mahal pang nalalaman. Ewan ko kung bakit pero nung sinabi niya yun iba ang nararamdaman ko. Hindi ko ma explain. Hayaan na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/27800558-288-k14680.jpg)
BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romance"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...