Sabrina
Aish. Antagal naman sumagot neto!!
***ring....ring... ring...***
**tooot...***(call waiting)
Tsk! tinatawagan ko ang abogado ko para itanong ang update dun sa annulment namin ni Gian. Ayan. May callwaiting ako.
"Mommy?"
"Anak! Kamusta ka na?" Si Mommy on the other line.
"Im fine ma. I mean I am good. Very."
"Good to hear that anak. Mukhang masaya ka yata? Kamusta si Bryan?"
Di pa pala alam nila mommh ang nangyari samin. She was with dad in the US para sa business. Lagi kasi siya sumasama kay daddy.
"Ahm, mom wala na kami. We settled everything between us. We realized that were not meant for each other."
"What? After all that you've done to yourself and to other people saka mo na realized na hindi kayo para sa isa't isa? Anak naman!"
Hays, another explaining to do.. -____-
"Mom, I made mistakes. I admit. This time I am making it right. Okay na kami ni Bryan. We have forgiven each other. In fact he will settle everything with Ellisa. Babalikan na niya asawa niya. Inaayos ko na gusot ko this time ma."
"I am glad to hear that anak. Hays, nanghihinayang lang ako sa mga bagay na nasayang." I heard sadness and disappointment on my mom's voice. Pero wala e. Nangyari na.
"I know mom. Ang tanga ko. Pero this time, aayusin ko na lahat ng mali ko."
"Tama yan anak. E si Gian ano plano mo?"
"Yun nga ma e. Nililigawan ko ngayon si Gian!"
"Whaaaaat?? nililigawan?? HAHAHAHAHAHAHAHA. "
T____T aasarin na naman ako ni Mommy neto.
"Sinong nililigawan honey?" I heard dad asked on the other line..
Ayan. Tandem na sila.
"Hello princess?"
"Yes dad?"
"Totoo bang ikaw ang nanliligaw kay Jerome ngayon?"
"Eee.. Daddy.. Di naman sa ganon. Ano lang.. Ahmmm.. nag sosorry lang.."
"HAHAHAHA. mana ka sa mommy mo anak! hahaha. Siya din nanligaw sakin noon! Nako binibigyan ako ng bulaklak araw araw niyan."
"Hahahaha. Talaga dad?"
"Oo. HAHAHA. Anyway anak. Uuwi kami jan next week. Kkwento ko sayo pano nanligaw mommy mo. Tuturuan din kita kung pano mapasagot ang lalaki. Hahaha aray--- tama na honey.. Totoo naman kasi.. "
"HAHAHAHA. sige dad. See you soon. I miss you both."
"Aray-- Oo anak. Aray ko! kinukorot ako ng Mommy mo! Anak si Mommy to.. Uuwi kami jan.. I miss you. Bye. "
"Bye Mom"
"Anak, ingat ka jan. Bye na. Gagawa pa kami ng kapatid ng mommy m-- aray! Bye ana---" si daddy.
Hays, ang sweet nila talaga. nakaka inggit. Ang kulit parin nila. hahaha.
Bigla ko naisip yung mga bagay na ginawa ko kay Gian noon.
Flashback..
"Kain ka na Hon." Ang kulit talaga ng lalaking 'to. Nakakainis.
Tinignan ko lang siya ng masama. Kumuha ako ng tubig sa fridge saka umalis. Hindi na ako kumain. Sa labas nalang. Ayoko makita mukha ng Gian na yan!
Nakita kong malungkot siya pero di niya pinahalata.
"Ah, sige ingaat ka nalang Hon. Wag ka papagutom ah. I love you."
Hindi ko pinansin sinabi niya at dumeretso nalang sa kotse. Papasok na ako. Madami pa aoong gagawin ngayon.
Pagka out ko sa trabaho naisipan kong tawagan sila Yanna at Kevin para yayain mga bar. Agad naman sila sumama.
I dance, I flirt with guys, make out with them pero hanggang doon lang yun. I drink and get drunk. Kaya naisipan ko na umuwi. I still can drive. Kasi pag hindi sina Yanna naghahatid sakin e.
I got home feeling dizzy and sleepy at the same time. Nasusuka ako.
Pumasok ako sa banyo and there nilabas ko lahat. Kadiri. Nahihilo na ako.
"Sab? ARe you okay? Jan ka lang. Pupunasan kita."
Halos makatulog na ako sa banyo pero naramdaman ko binuhat ako ni Gian.
"Bakit?? Bakit mo nagawa sakin to Bryan?"
"Shhh. Si Gian to."
"Gian? Hahaha gago! isa ka pa! Umalis ka sa buhay ko. Di kita kailangan. Di kita mahal."
Di ko narinig na sumagot siya. Pinaupo niya ako at pinunasan. Pinainom niya ako ng mainit na sabaw bago ako matulog kaya medyo umayos pakiramdam ko.
Kinabukasan nagising akong medyo masakit ulo ko. Bumaba ako para kumain and there I saw him with his annoying smiley face. Bakit ba lage masaya tong lalaki nato?
And again breakfast is serve.
"You want coffee?" He asked.
"I want you to shut your mouth. Yun lang!"
He gestured sorry. At kumain na lang. Nakakaasar tong lalaki na to. Ang laki laki ng katawan. Ang tangkad. Gwapo din naman. Oo gwapo siya. He is like a demi-God. Bakit nagtitiis siya sa isang tulad ko? Tsk! Bahala na nga siya. Magsasawa din naman yan e.
Everyday ganon lang ritual namin. Aalis akong maaga kasi ayoko makasalubong si Gian, pero mas maaga siya magising simula nun, he prepares breakfast pero di ko kinakain. I always go home late at night and most of the time drunk. But he is there. Ang kulit.
"Hays, bakit kasi ang tagal kong naging tanga Gian." Those are just some few simple things that he did for me. Oo simple kasi minsan may mga crazy and special things siyang ginagawa mapansin lang.
"I miss you Gian." I said to myself.
"Sana pwede pa ulit tayo."
Tsk. Bakit di sumasagot tong abogado ko. Asar. Puntahan ko nalang to sa opisina niya bukas!

BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romance"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...