Chapter 27

3.5K 51 1
                                        

Gian POV

tok..tok.. tok..

"come in"

"Sir, Your meeting will start in 15 minutes. The board room is ready and the board members are there already." Sabi ng secretary ko na si Glenda.

"Okay thanks Glenda, I'll be there in 15 minutes." Sabi ko sa kanya bago niya ako iwan sa opisina.

I worked hard as hell. Halos hindi na ako umuuwi sa bahay. Ayoko ko umuwi dun dahil naaalala ko si Sabrina sa bawat sulok ng bahay namin dati.

Ilang buwan rin akong nagpakalasing, napabaayan ko ang trabaho ko dahil sa mga nangyari pero naisip ko na hindi dapat ako mag pa apekto sa mga nangyayari. Natauhan ako nang malaman kong nanakawan ang kompanya ko at dahil dun muntik malugi ito. Nagpabaya ako sa aking sarili. Naisip ko na may mga taong umaasa sa akin. Ang aking mga empleyado.

Dapat ko na nga sigurong kalimutan si Sabrina. Una palang alam ko na iiwan din naman niya ako dahil simula't sapol iisang lalaki lang ang minahal niya.

Kinausap ko na rin ang magulang ni Sabrina at humingi ako ng tawad. Tuloy parin ang merger ng kompanya namin kahit na wala na kami ng anak niya.

Pinadalhan ako ng annulment papers ni Sabrina at parang dinurog ang puso ko ngatanggap ko ito. Hindi ko pa pinirmahan yun dahil nag babasakali akong magbago ang isip niya pero ilang buwan nang nasa akin ang mga papeles at wala paring nangyayari. Siguro panahon na para pakawalan ko siya.

"Sir, kanina pa po naghihintay ang mga board members sa inyo.."

Nagulat ako ng magsalita ang secretary ko. Mukhang napa lalim ang iniisip ko.

"Dapat kumatok ka bago pumasok."

"Sir, kanina pa po ako kumakatok at nagsasalita rito pero parang hindi niyo naman po ako narinig."

"Sige na, pupunta na ako."
---

Sabrina

"Babe kumain ka na ba??" Si Bryan.

Andito siya sa aparment ko habang inaayos yung pinamili niya at nilalagay sa fridge. Kakarating lang niya galing opisina.

Hindi kami nagsasama sa iisang apartment ni Bryan. Pero minsan dito siya natutulog pero wala pang nagyari sa amin simula nung magkabalikan kami. Si Gian lang naman nakagalaw sakin e.

Naalala ko pang yung unang pagtatalik namin ni Gian. Kinabahan ako ng sobra at hindi ko alam gagawin ko. Gustong tumanginng isip ko pero iba ang pinapakita ng katawan ko.

Aminin ko, masaya ako nung panahon na nangyari yun at hindi ko pinagsisihan na ibigay ko ang katawan ko sa kanya. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko gusto kong maulit yung nangyari. Gusto kong maramdaman yung mga halik niya, yung haplos niya, yung bawat paghinga, pintig ng kanyang puso, ang bawat pag ungol niya sa aking tenga.

Kinikilabotan ako sa aking mga iniisip. Hindi pwede to. Ayoko siyang isipin. Si Bryan ang mahal ko.

"Sabrina, naririnig mo ba sinasabi ko??"

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko si Bryan na medyo naiinis na. Mukhang kanina pa niya ako kinakausap e. Napalalim yata iniisip ko.

"Huh? A-ah. O-oo. I mean hindi pa pala. H-Hindi pa ako kumakain."

"Sabi ko naman sayo wag kang pagutom e. Sige pag luluto kita." Sabi ni Bryan. Alam kong alam niyang wala ako sa mood. Kilalang kila niya kasi ako. Pero hindi na siya nag tanong.

"Okay".. Sabi ko nalang.

Ewan ko pero parang wala akong gana netong mga nakaraang araw. Simula nung nag away kami ni Alyanna. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko ma contact. Gusto ko sana siyang bisitahin sa bahay nila pero alam ko galit parin parin siya sakin.

Tinawagan ko rin si Kevin para makipag usap pero parehas lang sila ng sagot ni Yanna.

Mali ba ako? Bakit ang unfair ng buhay? Gusto ko lang maging masaya. Wala bang nakakaintindi sakin? Nagmahal ng naman ako.

Alam ko tinatawag ako ng iba na kabit. Home wrecker o kung ano ano pa. Marahil tama sila na mas pinili kong maging kabit kaysa bilang maging isang legal na asawa pero hindi nila kaylan man maiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi nila napagdaanan ang pinag daanan ko.

Walang babaeng gustong maging kabit dahil nagmahal lang naman ako o kami saka ako naman nauna e. Ako nga inagawan diba?

" May problema ka ba? Kanina ka pa tulala ah?"

bigla akong natauhan ng marinig kong magsalita si Bryan.

Nakapaghanda narin pala siya sa mesa. Hindi ko man lang namalayan.

"Ay, wala naman. M-may iniisip lang ako. Y-yung tungkol sa companya."

"Oh? Anong problema ng companya niyo? Do you need help?"

"No, I can handle it. May iniisip lang akong bagong proposal para sa next project namin."

"I see. Anyway, kain ka na dahil buto't bala't nalang natira sayo oh. Hahaha" Sabi ni habang tumatawa pero alam ko naman na hindi abot sa mata niya. Alam kong ramdam niyang may ibang gumugulo sa isip ko.

"Maganda parin naman ako dba??"

Pabebeng sagot ko sa kanya pra gumaan ang atmosphere namin.

"Oo naman. Kahit anong itsura mo maganda ka parin sa mga mata ko."

Natapos kami kumain at masayang nag usap tungkol sa ibat-ibang bagay. Na miss ko yung ganitong moment namin. Naging magaan narin ang ambiance ng paligid.

buzzzz buzzzzzz..

Natahimik kami ni Bryan ng marinig namin ang buzzer.

"May bisita kaba ngayon?" Takang tanong ni Bryan.

"Wala naman."

"Bubuksan ko lang."

Tumango lang ako bilang sagot. Sino naman kaya yun. Wala naman ako inaasahan na bisita. Niligpit ko nalang yung pinagkainan namin ni Bryan.

"Sabrina,You have a visitor." Sabi ni Bryan dahilan para lumingon ako.

"How are you?"

Nanlamig ako ng makita ko siya. Sila. Si Mommy at Daddy. Simula nung mangyari yung hiwalayan namin ni Bryan hindi ko pa sila nakakausap ng personal. Busy kasi sila pareho at wala sa bansa.

"I-Im fine Mom."

"Good evening po. Maam, Sir." Si Bryan.

"Iho, if its okay can we talk to Sabrina?"
Si Mommy. Beastmode yata.

"Pasenya na po maam, Sir. I'll leave now. " Si Bryan.

"Alis muna ako Sab." Sabay halik sa pisngi ko.

---

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon