CHAPTER 23

3.3K 45 0
                                        

CHAPTER 23

Gian's POV

Simula nung umuwi kami ni Sabrina parang mas lalo niya ako iniiwasan. Nagsisisi ba siya sa nangyari samen? Bipolar naman kasi yung babae na yun e. Ewan ko ba. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Hays. Bumalik na naman siya sa pagiging tigre. -________- hays bahala na nga. Mission: Amuhin ang tigre!!!

Sabrina

Andito ako ngayon sa office ni Daddy dahil ako parin ang kasalukuyang namamahala nito dahil hindi parin bumabalik si Dad. Dapat kasi tagala nag merge na tong kompanya nila dad at ni papa e. Dami kasi nilang alam.

"Maam tawag nyo daw po ako?" Si Elisa.
Nagtatrabaho siya sakin bilang secretary ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Sorry po maam!" Sabi niya saka tumalikod at tumungo sa pinto.

"Oh san ka pupunta?"

"Lalabas po ako para kumatok bago pumasok." Sabi niya

"Ako ba e ginagago mo? Ano to joke time? Huh Elisa?" Inis na sabi ko sa kanya. Nyeta to ah. Ginawa pa akong tanga!

"Sorry po maam"

"Wala ka bang ibang alam kundi ang mag sorry?" Malamig na sabi ko sa kanya.

Nakatungo lang siya at hindi umiimik.

"Sabagay, sa katulad mo naman na desperada at mang aagaw e talagang ganyan. Paawa e noh? Well anyway, may ipapagawa ako sayo."

"Ano po yun maam?"

"Nagmamadali ka ba? Nagsasalita pa nga ako diba?"

"Sor--"

"Magsalita ka pa nang sorry at gugupitin ko yang dila mo!"

Umiling nalang siya bilang sagot. Hahahaha takot naman pala e. Dapat lang!

"Good. Gusto ko e set mo ako ng meeting kay Mr. Garcia. Bryan Garcia."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hahahahaha. May pa gulat gulat effect din tong mang aagaw na to e. Mas ka gulat gulat kaya yung ginawa niyang kataksilan sakin.

"Oh? Ano na? Nganga ka lang jan? Sabi ko diba e set mo ako ng meeting sa ASAWA mo na EX ko na INAGAW mo!! Kailangan ko pa bang dagdagan ng maraming adjective at verb para makuha mo kung sino tinutukoy ko??"

"P-pero B-bakit?" Nauutal na tanong niya.

"Anong bakit? Wala kang pakiaalam kong gusto kong magpaset ng meeting kahit kanino. Dalian mo, e schedule mo ako ng meeting sa kanya. Gusto ko mamayang gabi. Mag d-diner kami."

"P-pero maam, busy siya ngayon. Sabi niya sa akin gagabihin siya ng uwi dahil may meeting siya sa isang bagong cliente niya."

Sarap talaga hambalusin ng babaeng 'to e. Pinapamukha pa talaga sakin na asawa niya si Bryan. Pwes!

"Gusto mo ba ako nang tumawag sa kanya ng malaman mong kayang iwanan ni Bryan ang lahat para sa akin?"

Hindi siya umimik at nakatingin lang sa kin. Muntanga talaga tong babae na 'to e.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial ng number ni Bryan. Putcha. Ako nag utos ako gumawa ah! Di bale.

*ring....ring...ring...*

"Hello Sab, napatawag ka?" Sabi ni Bryan sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang saya at excitement. Hahahahaha this is going to be fun.

"Hello Bryan? Busy ka ba?" Sabi ko in malandi tone. Hahahaha Sexy tone nalang pala.

"Okay lang, medyo busy pero bakit mo natanong?"

"Gusto ko sana mag dinner tayo e. Maysasabihin ako sayo. Tungkol dun sa napag usapan natin nung huli tayong nagkita." Tinignan ko si Elisa. Nakita kong nasasaktan siya at nagulat. Hahahaha hindi pala niya alam yung nangyaring confrontation sa pagitan namin ni Bryan dun sa resort. Si Elisa parang maiiyak na e. Sige lang Elisa. Ipaparamdam ko sayo ang sakit na ginawa mo sakin.

"If okay lang sayo. Pero kung bu--"

"Yeah sure. I'll pick you up at your office by 7pm?"

Putol ni Bryan sa sasabihin ko. Hahahaha

"Sure. 7pm it is. Bye."

"Bye. See you. Ingat ka." Saka binaba ang tawag.

Tinignan ko si Elisa ng nakakaloko.

"Ano ba schedule ko ngayon?" Tanong ko kay Elisa na tahimik parin

"A-ah, may lunch meeting po kayo sa investors ng 11:30 - 2pm kasama po yung marketing head na si Mr. Alonzo, tapos 3 - 5 pm po may presentation po with the board regarding sa monthly sales ng companya."

"Okay. Yun lang ba?"

"Opo maam"

"Okay. Umalis ka na sa harap ko bago pa masira araw ko dahil sa panget mong mukha."

Mag eenjoy pala ako sa companya habang wala si Daddy. Humanda ka sakin Elisa. Simula na ng pagpapahirap ko sayo.

-----------------------------------------------------------------

Yan lang muna mga friendster. :) Busy talaga ako kaya medyo matagal bago ako makakapag update. But I will do my best para makapag update ako. Salamat talaga sa readers kahit hindi masyado marami salamat parin. :) Alam ko hindi ako magaling magsulat. First time ko po to. Hindi din ako matalino kaya wag po mag expect. Wala po akong time mag research ng mga info kaya lahat ng nakasulat dito e base on my stock knowledge lang. Hehehehe. Again, thanks po. :)

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon