Chapter 39

3.8K 52 5
                                        

Play the multimedia while reading para mas feel. 😊

Sabrina

Kinakabahan ako. Hays. Alas 4 palang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko.

Palakad lakad ako sa loob ng aking kwarto.

Iniisip ko kasi kung ano magiging reaksyon ni Gian habang sinasabi ko sa kanya na mahal ko siya at ako yung nagpapadala sa kanya ng mga regalo.

Hays, tawagan ko nalang si Yanna

"Hello sino to?" antok na sagot ni Yanna sa kabilang linya.

"Anong sino to? Si Sabrina to! Gaga!"

***toot tooot tooot***

anak ng! Binabaan ako ah!

Tsk! ano ba gagawin ko.

uuuugggggh!!

humiga ako ulit sa kama para makapag isip.

Isip Sabrina..

Isip.

Isip

Zzzzzzz

Zzzzzzz

--_____--

Zzzzzzz

Sabrinaaaaaaaaaaaaaa

"ay gwapo!"

"Hoy! Babae! kanina pa kami tumatawag sayo! tulog mantika ka!"  sabi ni Kevin na bihis na bihis.

"What? anong oras na?"

"Pasado ala una na ng hapon day!"

"Anooo?" Dali dali akong napatalon sa kama at kumaripas ng takbo sa banyo. Naligo. Nag bihis.

"Ano tara na!!!"

"Nang ganyan itsura mo?" Sabi ni Kevin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit? Maayos naman ah?"

"At kelan ka pa naging oh so simple umalis ng bahay?"  Sabi ni Yanna

"Ay grabe diya oh? simple lang naman ako lage ah?"

"Yeah. Pero not wearing shirt and shorts. Para kang matutulog bes! Ganyan ba itsura mo haharap kay Gian?" Yanna said

"Oo nga bes, pwede yung maayos naman. Saka halika aayosan kita ng konti. Saka maaga pa. I'm sure nasa work pa si fafa Gian mo."

Inayosan ako ni Kevin. Nilagyan niya lang ako ng konting make up na halos di mo mahahalata sa unang tingin. He even let me change my clothes na sinunod ko naman. Naka dress lang ako ng while saka flat shoes. Very simple lang tignan pero maganda. Well, asided from the fact na maganda talaga ako. Hahahaha

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon