Chapter 43

4.4K 54 5
                                        

Sabrina POV


Ang sakit na ng paa ko. Kanina pa ako naglalakad. Namili kasi ako ng mga abobot at namasyal saglit pati kumain din. Pauwi na ako sa hotel medyo gabi nadin kasi. Bumili din ako ng mga chichirya at kung anu anong mga finger foods. hehehehe. 


Nakarating na ako ako sa tapat ng kwarto ko. Pag pihit ko ng pinto naramdaman kong medyo malamig ang sahig. Naiwan ko bang bukas ang aircon? pero pinatay ko naman lahat bago ako umalis kanina e. Nakita kong naka on ang lampshade sa bedside. Hmmmm. Pinatay ko talaga lahat bago ako umalis e. Lumabas ako ulit ng room para tignan kong tamang room ba napasokan ko. 


Tama naman number ah? hala di kaya may magnanakaw dito? Sa Singapore hotel mismo? well, di natin alam sa hirap ba naman ng buhay ngayon. Saka hindi mo naman maiiwasan na may mga tao talagang nagnanakaw. Kinuha ako ang flower vase na nasa center table para ihampas sa sino mang lapastangan na pumasok sa kwarto ko. 


Yung sofa sana balak kong buhatin at ihampas kaso wag nalang mabigat pala. Dahan dahan akong lumapit sa kama ko. May taong nakahiga doon. Hindi ko makita mukha niya kasi madilim pati nakatakip yung braso niya sa mga mata niya.


Naglakad ako ng dahan dahan at iniwasan kung gumawa ng ingay. Nakita kong walang pang itaas na suot ang lalaking nakahiga sa kama ko. Shiiitttt.. hahampasin ko pa ba to? Parang mas gusto kong gapangin e. hehehe


Narining kong tinatawag ako ng mga asb niya at kumakaway ito sakin. etchos lang. Piste! namamanyak na ako. Tulog na tulog ang lalaking nasa kama ko. Binitawan ko ang hawak kong vase. 


Nakita kong naka boxer shorts lang siya. Ay juice colored. Eto pa ang reward niyo sa pag hingi ko ng tawad sa mga taong nasaktan ko. Bonga kayo Lord, kayo na! Ang serep telege.


Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa abs niya. Wag kayong mag isip ng masama dahil hahawakan ko lang yung abs niya para maramdaman kong humihnga paba siya.


Pero parang mas bet ko hawakan yung floppy bird niya. hehehehe. Check ko lang kong may pulso pa ba. May pulso kaya yun? hmmm.. check ko nga.


Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa bird niya. Nanginginig pa ang mga ito. Halatang na excite. Chosera. Ayan na...... 

konti nalang....

maabot ko na ang pangarap na bituin....


"Anong ginagawa mo?"


"Ay ibon!"


nagulat ako ng bigla magsalita ang lapastangan na pumasok sa kwarto ko. Sheeetttt. Nagising pa! Nakakahiya. Hindi ko siya tinignan dahil ayoko makita niya mukha ko. 


"Minamanyak mo ba ako?" Tanong niya ulit. His voice sounds familiar. 


Pag angat ko ng mukha ko nakita ko si Gian.


Shit! 


"W-what are you doing here?"


MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon