Chapter 17 - I'm Sorry
Gian's Pov
"May lakad ka yata?" Tanong ko kay Sabrina na nag aayos ng kanyang mga gamit. 9am pa lang at pa alis pa lang ako para sa trabaho.
"Yeah." Maikling sagot niya.
-___- ano ba yan. Minsan na nga lang kami mag usap "yeah" lang sagot niya. Tss.
Wala parin talaga pinagbago relasyon namin.
Hindi kasi kami masyado nakakapag usap ni Sabrina dahil sobrang busy niya o baka ayaw niya lang talaga akong kausap. Kahit kasi sa pagkain hindi siya sumasabay sakin. Nagpapaturo pa naman ako kay manang magluto dahil gusto ko ako mag handa ng pagkain niya kaso lagi siyang nagmamadali sa umaga. T___T Bakit nga ba hindi pa nag merge ang company namin? Simple lang. Ayoko isipin ni Sabrina na kaya ko lang siya pinakasalan dahil sa negosyo at pera kaya hindi ako pumayag na mag merge ang companya ng pamilya namin. Actually yung company ni Dad at nung sa Dad ni Sabrina na si Tito Rommel ang mag kakaroon ng merger at hindi yung sakin. Ayoko kasi maki alam sa business ni Dad. Gusto ko ako mismo mag tayo ng sarili ko. Kapatid kong si Lance ang kasalukuyang nagpapatakbo neto ngayon. Syempre with Dad's supervision.
Hindi ko pala nabangit na may kapatid ako. Si Lance Romualdez. Hindi kami masyado nagkikita nun kasi busy rin. He graduated Business management at Silliman University and took his masters degree at the same school. Search niyo sa internet ang school, maganda siya promise. American School kaya masaya kasi walang rules. Kahit mag two piece ka pumasok pwede. Maraming foreign students kaya ganun. American culture talaga siya. [promote din ng own school. Hehehehe]
"San lakad mo hon? ^___^"
"Sa Subic. Reunion ng batch namin." Yun naman pala e.
"Ahh akala ko kung saan."
Pero teka
O___O
"sa subic?? ang layo nun ah? Kung ganun overnight kayo dun?""Siguro. Hindi ko alam e. Baka umuwi ako kaagad."
"Ah wag ka umuwi kaagad. Kung gusto mo next week ka na umuwi." Sabi ko kay Sab. ^____^
"Ano? At bakit naman?" Mataray na tanong niya.
"K-kasi g-gusto ko mag enjoy ka. Maka pag relax man lang ba. Alam ko stress ka sa trabaho hon kaya kailangan mo ng break."
Sana hindi siya umuwi agad. Hahaha dahil susunod ako dun bukas. Ang galing ko diba? Instant vacation kami. Yoohooo. ^___^
"Ewan ko sayo Gian. Alis na ako nag hihintay na sila Yana."
"Okay honey wag ka mang lalalaki ah."
-____- "tss" Sabrina
^3^ "tsssuppp"
"0___0" Sabrina
*taaakbooo na!!" pagkatapos ko magnakaw ng kiss e dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto ko. Mahirap na masapak. Buti nalang nagmamadali siya kaya hindi na niya ako hinabol kundi bugbog na naman ang gwapo kong mukha.
Tinawagan ko secretary ko na e reschedule lahat ng appointments and meetings ko for tomorrow. Tatapusin ko lahat ng trabaho ko ngayon para wala na akong aalalahanin pa. Tinignan ko muna kong naka alis na si Sab bago lumabas ng kwarto. Hays. 10 am na. Maka pasok na nga sa office.
***
Sabrina's POV
Loko talaga yung Gian na yun! Gusto ko sanang bugbugin kong di lang ako nagmamadali e.
![](https://img.wattpad.com/cover/27800558-288-k14680.jpg)
BINABASA MO ANG
MY COLD HEARTED WIFE
Romansa"Its better to love and get hurt than not to love at all." Eto yung qoutes na pinaniniwalaan ni Jerome Gian Romualdez. Matalino, Mayaman, Gwapo, Mapagmahal na asawa. Lahat ata nasa kanya na pwera nalang ang pagmamahal na inaasam nya sa kanyang asawa...