Chapter 13 - HOUSEBAND

3.4K 64 3
                                    

Chapter 13 - HOUSEBAND

Sabrina's POV

I am bored. Nag file na kasi ako ng immediate resignation sa trabaho ko kaya eto ako ngayon bagot na bagot. Ano ba pwede ko gawin? Tinawagan ko si Yana para yayain mag mall pero busy daw siya pati si Kevin.

"Hon, gusto mo mag beach tayo ngayon?" si Gian. Bigla nalang sumulpot e. Diba may trabaho 'to? Ano na naman trip ng mokong na 'to.

"Ayoko tinatamad ako" Pag sisinungaling ko sa kanya.

Ang totoo gusto ko kaso ayoko kasama siya.

Hahaha. Ang sama ko ba? Ganun talaga. Tss. Hindi naman sa ayoko siya kasama ayoko ko lang talaga magkaroon kami ng quality time. Ayoko umasa siya saken. Ayoko mapalapit kami sa isa't isa.

"Kung ganun manood nalang tayo ng movie dito." Ang kulit talaga ng lalaking 'to.

"Ayoko pa rin. Marami ako gagawin." Pagdadahilan ko.

"Ano naman? E halata namang bored ka."

"Maglilinis ako ng bahay at maglalaba. Pinag day off ko kasi sila Manang." Sabi ko.

Actually inutusan ko sila Manang Ester na mamalengke kaya mamaya pa yun babalik kasi kaka alis lang nila at si Mariel naman pumasok sa skwela, working student kasi yun.

"Edi sige tulungan na kita." Dahil sa makulit si Gian. Ma tripan nga 'to.

"Talaga? *0* sige ikaw mag linis dito sa baba. Tapos ako dun sa itaas." Binigyan ko siya ng ngiting nakaka diabetes dahil sa sobrang tamis.

"Sige pero may kapalit." Ano na naman kaya kalokohan iniisip ng lalaking 'to.

"Ano naman yun?" Hindi ko gusto 'to. For sure iisahan ako nito. Wais rin e.

"Dapat e kiss mo ko." Sabi ko na e. Tss.

"Sige. Pero pagkatapos mo na gawin yun paglilinis." Kala niya huh. Bwahahaha. Maglinis ka dyan Gian. Ginusto mo yan e.

"Okay. Uumpisahan ko na." Masiglang sabi niya. Ngayon lang ako nakakita ng taong pinaglinis ng buong bahay na tuwang tuwa. Baliw. -__-

Umakyat na ako sa taas. Actually sa kwarto ko mismo. Asa naman si Gian na maglilinis ako noh. Tss. Bahala siyang ma pagod. Ayoko ma stress beauty ko. Makaligo na nga lang.

Makalipas ang isang oras at natapos na akong maligo at nakapagbihis na rin. Naisipan kong silipin si Gian mula sa taas.

Nakita kong wala siya t-shirt. Nakatalikod siya mula sa akin kaya kitang kita ko ang pagkalaw ng bawat muscles sa balikat niya. Likod pa lang ulam na e. Masarap siguro yun. Teka nga ano ba 'tong iniisip ko. Talandi ko na yata. Umiling iling ako.

Pawis na pawis si Gian habang naka patong sa silya at nagpapalit ng kurtina. Bigla siyang humarap sa direksyon ko pero hindi niya ako kita kasi nasa taas ako at nakasilip lang ako malapit sa hagdan. Nag punas siya ng pawis sa noo at nag simulang mag walis naman.

Ang ganda ng katawan niya. Perfect yung mga umbok ng muscles. Biceps. May 6 pack abs pa. Palaman nalang kulang e. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Perfect view. Teka pinupuri ko ba siya? Hindi. Nag di- describe lang naman ako dba? Tama.

Bumalik ako sa kwarto ko dahil baka mahalay ko pa siya ng di oras. Joke. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Feeling ko namumula ako. Nag iinit ang pisngi ko. Aish. Ano ba 'to? Bumibilis pati tibok ng puso ko. Tss. Magbabasa nalang ako ng libro. Maaga pa naman.

Pumili ako ng libro mula sa book shelf ng aking kwarto. Nang makapili na, dumapa ako sa kama at nag simulang magbasa. Habang patuloy ako sa pagbabasa ng libro bigla kong naala si Bryan, yung panahon na kami pa at masaya ang aming pagsasama.

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon