CHAPTER 2

4 3 0
                                    

Bryan's POV

Hi guys, I'm Bryan Shin. 22 years old and 3rd year college student. Brother of Kenneth Shin. I'm a singer and I have my own band. Ang mga kasama ko dito ay si Kenneth and my trops. Ako ang nagdecide na bumuo ng banda dahil naisipan ko na sumali sa mga battle of the bands. Actually I love music since I was 8 years old. I discover my special skill when I see my mom listening music so yun nahiligan ko na. When I was 15 years old, nagsimula na akong sumali sa mga singing contest sa school at sumali sa mga may banda noong 18 years old ako. Ang pagiging singer ko ay hindi ko lang libangan ginagawa ko din itong sideline sa gabi tuwing uuwi galing school. Alam kong mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagiging singer pero kinakaya ko naman. Ayaw ko kase ng daddy ko na habambuhay akong maging singer. Ang gusto niya maging successful gaya niya someday pero hindi ko yun maipapangako kay daddy kahit tinakwil na ako bilang anak niya. 20 years old ako nang tinakwil ako ng daddy namin ni Ken. Si Ken mahilig din sa music gaya ko, sinasama ko siya pag may contest kami tsaka naninirahan siya kasama magulang namin. Hindi naman kami magkasama na magkapatid at least dito sa school nagkikita kami at magkasama. So ngayon hanggang doon lang muna guys ang story ng buhay ko.

So nandito pa rin  kami sa canteen tumatambay at nagkwekwentuhan para naman hindi kami maboring. Umalis na rin si Ken kase may class pa daw siya. Kami naman mamayang hapon pa yung next class namin.

“Bro, balita ko nandito na si Stephanie. Nakita ko siya kanina kasama sina Janice at Joyce” sabi naman ng tropa kong si Ricky.

“Oh, really?...” saad ko naman sabay umayos ng upo.

“I thought nasa States pa siya at doon niya ipagpapatuloy yung studies niya. Bakit ngayon nakauwi na?” dagdag ko naman.

Ang alam ko kase doon siya mag-aaral kase nagpaalam siya noon sa akin. Ayun ang sabi ng daddy niya sa kanya kaya siya nakipaghiwalay sa akin.

“Hindi kaya siya tumuloy?” pagtataka ko naman kay Ricky.

1 month palang ang nakakalipas nang magbreak kami pero ngayon nakauwi na siya ang bilis naman.

“Hindi ko lang alam, bro. Basta nakita ko siya kanina pumasok ng campus” saad niya naman.

Muli naman kami natahimik ng ilang oras tsaka hinintay si Ken para sa lunch break dahil sabi niya sasabay daw siya sa amin. Total wala naman kaming gagawin, nag open naman ako ng fb account ko tsaka sinearch ang fb ni Stephanie tsaka ko inistalk ang mga pictures niya. Wala pa rin pinagbago maganda pa rin siya tulad noong nakilala ko siya. Naalala ko that time muntik na siya masagasahan.

FLASHBACK

“Miss!!” sigaw ko nang makita kong papadaan siya ng highway na may paparating na sasakyan.

Dali-dali ko naman siya tinakbuhan para iligtas siya tsaka kami natumba na sabay sa damuhan.

“Ah!” sabi niya tsaka napahiga sa aking dibdib.

Nagkatitigan naman kami ng ilang sandali. Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng aking puso nang nagkatitigan kami. Something na parang na love at first sight ako sa kanya. Ilang sandali pa ay bigla na siyang umalis sa dibdib ko at tumayo ngunit nasalo ko siya ulit ng muntik na siyang matumba.

“Uhm... th-thank you” utal niyang sabi tsaka inayos ang damit nito.

“Ah, wala yun.. tsaka next time mag-ingat ka” sabi ko naman sa kanya.

“Uhm.. sige, salamat ulit” sabi niya muli tsaka ngumiti sa akin.

“Aaahh, sige una na ako ingat muli” ngiting sabi ko naman sa kanya tsaka umalis na.

END OF FLASHBACK

“Hay” buntong-hininga ko naman.

Nang maalala ko yung una naming pagkikita doon sa highway pagkatapos ay pinagmasdan ko muli ang picture nito.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon