CHAPTER 21

2 2 0
                                    

Bryan's POV

Makalipas ang tatlong oras ay nagising ako at naupo. Tinignan ko naman sila Ricky at Vince na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin silang natutulog. Kinuha ko naman ang aking cellphone sa may desktop at isang unknown message ang aking na received.

Bigla naman ako napatingin sa malayo at inisip kung sino itong laging nagpapadala ng message sa akin. Madalas kaseng nagmemessage ito sa akin pero hinahayaan ko lang. Ilang sandali ay binalik ko na ang tingin ko sa aking cellphone at binasa ko naman.

“Hey, darling. I'm here now at Baguio. One of my friend told that you are here so I want to see you cause I miss you” iyan ang nakalagay sa message niya.

Nang mabasa ko ito ay nandito daw siya sa Baguio at gusto niya akong makita ngunit hindi ko naman siya kilala kaya hinayaan ko ulit.

Muli naman ako napaisip kung sino ang taong ito at bakit niya ako kilala.

“Hays..” saad ko naman sabay gulo sa aking ulo at naisipan ko naman lumabas muna ng hotel.

Unknown's POV

Nandito ako ngayon sa aking apartment nang may nagsabi sa akin na nandito sa Baguio si Bryan kasama ang buong class niya kaya naman naisipan ko siyang imessage dahil miss na miss ko na siya sobra simula noong iniwan niya ako sa isang bar kung saan ko siya nakilala.

FLASHBACK

Pagkatapos ng promotion ko sa company ay naisipan kong pumunta sa bar para icelebrate dahil isa na akong Marketing Manager sa company na pinagtatrabahuan ko.

Pagkarating ko dito sa bar ay nag-order na ako ng maiinom at solo ko ang buong table. Habang umiinom ako nakinig naman ako sa isang taong kumakanta sa harap. 'Yung kanta niya nakakalungkot pakiramdam ko broken ito kaya iyon ang kinanta niya.

Pinagmasdan ko naman siya habang kumakanta. Mukhang nahulog na agad ang aking puso sa kanya dahil kakaiba ang dating niya sa akin. Maputi siya, matangkad, mapula ang labi, matikas, at chinito.

Hindi ko lubos inalis ang aking tingin sa kanya hanggang sa natapos ito kumanta. Uminom naman ako ng uminom nang makita ko siyang paparating sa aking pwesto at nginitian ko naman siya ngunit di ako pinansin. Napakasnobbero naman ng lalaki na ito.

“Hey!” tawag ko naman sa kanya.

Tumingin naman siya at nilapitan ko tsaka niyayang makipag-inuman sa akin.

“Pwede mo ba akong samahan uminom?” malanding saad ko naman tsaka hiniwakan ang dibdib nito.

“No thanks miss.. I have to go” saad nito saka tatangkang aalis.

“Hep! Hep!" pagpigil ko naman sa kanya tsaka pumunta sa harap nito.

“Sige na pleaseee” pagmamakaawa ko.

Sana pumayag siya na samahan ako. Natahimik naman siya ng ilang sandali tsaka nag-isip at sa huli ay pumayag din.

“Sige na nga.. but in one condition.. ayokong maglasing dahil may class pa ako bukas” saad naman niya.

“Sige su-sure” saad ko din tsaka kami bumalik sa aking table.

“Cheers!” saad ko naman tsaka kami sabay uminom.

Uminom pa kami ng uminom hanggang sa umayaw na siya.

“Ayoko na!” medyo lasing na sambit niya tsaka nagtangkang tatayo ngunit pinigilan ko siya.

“Hep! Inom pa!” saad ko ulit tsaka binigyan ng drink.

“Sabi ko naman hindi ba.. na hindi ako pwede malasing dahil may class ako bukas. Bakit ang kulit mo?” reklamo niya.

“Heto na nga! Last shot na ito tapos pwede ka na umalis, okay?” saad ko naman.

Dinamihan ko naman ang drinks niya at binigay ko sa kanya ito pagkatapos ay ininom niya lahat.

“Ah! Whooo!” saad naman niya sabay tayo ngunit tumayo din ako para harangin siya.

Hindi ko naman naiwasan na hawakan ang kanyang dibdib sabay tingin sa kanya ng malagkit hanggang sa bumaba ang aking hawak sa kanyang abs. Kaya naman bigla akong napangiti sa kanya. Siya naman ay balewala lang 'yung ginagawa ko sa kanya. Lasing na ako sa puntong 'yun dahil madami na rin akong nainom.

Muli naman kaming napatitig sa isa't isa pagkatapos ay unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Pakiramdam ko hahalikan niya ako kaya ganoon na lamang ang ginagawa niya ngunit bago mangyari 'yun ay pinigilan ko siya.

“Hep, may alam akong pwede nating pumuntahan” saad ko naman sabay hila ng kamay nito.

Dinala ko siya sa isang room dito sa bar dahil alam kong ito ang pwede namin puntahan. Nang makapasok kami ay hiniga ko siya ngunit hinila naman niya ako kaya napadikit ako sa kanyang katawan. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso at napatingin kami sa isa't isa.

“I love you” saad naman niya.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon