CHAPTER 18

1 2 0
                                    

Ken's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Stephanie dahil susunduin ko siya. Ginagawa ko ito kase gusto ko at kaibigan ko siya at closed kami sa isa't isa.

Pagdating ko dito sa bahay nila ay minessage ko na siya na nandito na ako sa labas nila. Ilang sandali pa ay dumating na siya at lumabas naman ako para tulungan na ilagay sa backseat ang mga gamit niya.

“Thank you” nakangiting saad niya naman pagkatapos ay pumunta sa tabi ng driver seat.

Bumalik na rin ako sa harap at tinungo ang school dahil doon kami magkikita-kita lahat kung saan kami magtotour. Ilang oras ay nakarating na kami sa school. Napansin kong lahat sila ay nandoon na kaya naman lumapit na kami sa kanila.

“So lahat kayo ay nandito na... bale isang sasakyan ang gagamitin natin. Our school provide a one bus per department at lahat ng may sasakyan ay maiiwan dito sa school. May guard naman na magbabantay kaya huwag kayong mag-alala” saad naman ni sir Reyes sa amin.

“Doon sa may bandang kanan sa pangawalang bus 'yun ang sasakyan natin.. ngayon pumunta na kayo doon. Your secretary will check your attendance kapag nakapasok na kayo lahat sa bus, understand?” dagdag pa niya.

“YES SIR!” saad naming lahat at nagsimula nang lumakad papunta doon sa bus.

Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa bus. Nang makarating na kami ay napansin ko sa karantula na papuntang Baguio ito kaya naman bigla akong napatigil dahil may naalala ako sa lugar na ito. Tinapik naman ni Steph ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.

“Hey, okay ka lang? Bigla ka kaseng napatigil” saad naman niya.

“Ah wala... may naalala lang ako” sabi ko naman at pagkatapos ay pumasok na kami sa bus.

Naghanap ako ng mauupuan kung saan ako komportable at napili ko ang pinakadulo. Naupo naman ako at hindi ko inaasahan na uupo din sa tabi ko si Steph. Tinignan ko lang siya sabay nagsuot ng headset. Ilang sandali pa ay dumating na ang aming prof at nagsimula nang umandar ang bus paalis ng school.

Habang nagbyabyahe kami ay napansin kong inaantok si Steph kaya naman pinahiga ko siya dito sa aking balikat para naman hindi siya mauntog. Ang aliwalas ng mukha niya pagtulog. Kaya naman hindi ko maiwasan na titigan siya.

Ngunit may naramdan ako sa aking puso, iba ang tibok nito bumibilis parang hindi na normal para bang na iinlove na ako sa kanya pero ayoko munang magmahal ngayon dahil ayokong maulit 'yung nangyari sa past relationship ko at Steph is my friend. Nakita ko naman na bumagsak ang isang hibla ng buhok niya at agad ko naman itong inayos. Pagkatapos ay hinayaan ko na lang siya matulog sa aking balikat. Ako naman ay umidlip din muna dahil malayo pa ang aming byahe.

Author's POV

Pagkatapos ng tatlong oras ay tumigil muna ang bus dahil nila dahil need ng ilang students na umihi at bumili ng kanilang kakainin. Napamulat naman sila Ken at Steph dahil sa pagtigil nito at umalingawngaw ang ingay ng mga kasamahan nila. Nagulat naman si Steph dahil hindi niya inaakala na sinandag niya ang kanyang ulo sa balikat ni Ken kaya bigla niya itong inalis.

“Oh bakit” saad ni Ken sabay tingin kay Steph.

“Bakit nakasandag 'yung ulo ko sa balikat mo?” tanong naman ni Steph.

“Muntik na kaseng mahulog kaya sinalo ko tsaka wala naman malisya 'yun” saad muli ni Ken pagkatapos ay nauna ng bumaba.

Sumunod din si Steph at pinuntahan ang kanyang dalawang kaibigan.

“Oh girl, himala hindi mo kasama si Ken” saad ni Janice sabay inom ng juice.

“Nauna siyang lumabas, hindi ko na alam saan nagtungo” saad naman ni Steph.

“Alam mo girl.. bagay kayo ni Ken, di ba Joyce?” tanong naman ni Janice.

“Oo nga girl, mas mabait pa siya kaysa sa kapatid niya” saad naman ni Joyce.

“Kaya go ka na girl.. bahala ka baka maunahan ka pa ng iba” pag-encourage naman ni Janice sabay ngumiti.

“Hay ewan ko sa inyo” irap naman ni Steph.

Bumalik siya sa bus at nakinig na lang ng music.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon