CHAPTER 34

2 2 0
                                    

Stephanie's POV

Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ngayon ni Ken. Hindi agad ako makareact at makagalaw nang hinalikan niya ako. Hindi ko din naman masisi ang sarili ko dahil bigla din ako bumigay at naging marupok dahil nga gusto ko siya.

"Oh my gosh girl" gulat naman na saad ni Janice nang makita kami.

Agad naman kaming lumayo sa isa't isa ni Ken at umayos naman ako ng upo habang nakatingin ako sa baba dahil nahihiya ako kay Janice.

"Yung nakita mo Janice hindi yun isang panaginip o imagination.. totoo yun" saad naman ni Ken kay Janice.

"You mean.. alam mo na Ken?" pagtataka naman ni Janice.

"Oo alam ko na Janice" saad naman ni Ken kay Janice.

Umupo naman si Janice sa tabi ni Ken habang tinitignan ko sila.

"So kung ganun.. kayo na ni Steph?" tanong naman ni Janice kay Ken.

"Actually hindi pa.. hindi ko din napigilan ang sarili ko na halikan siya nabigla din ako sa ginawa ko" saad ni Ken sabay tingin sa akin.

"Akala ko kung kayo na" saad naman ni Janice.

"Pero impreness girl at Ken ang sweet niyo sa part na iyon ayieeee" kinikilig na saad niya sa aming dalawa.

"Ano ka ba naman Janice tumahimik ka nga" saway ko naman sa kanya dahil nakakairita yun.

"Woii" biglang saad naman ni Ricky kasama sila Joyce at Vince.

"Tara na kain na tayo nakakagutom naman yung byahe" paanyaya pa ni Vince sabay buklat ng kanyang styrofoam na laman ng pagkain.

Nagsikain naman kami lahat bago umuwi sa kanya kanya naming bahay.

Bryan's POV

It's been a day since we met Kylie. Gusto ko pa siyang ma meet at mas makilala pa siya. Hindi ko alam bakit naging interesado ako sa kanya simula noong nagkakilala kami sa bar.

Ngayon ay naisipan ko naman siya puntahan sa condo unit niya para yayain na lumabas kami. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin ako sa kanyang condo. Kumatok naman ako sa harap ng pinto nang kanya kwarto at ilang segundo lang ay binuksan na niya ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya.

"Binibisita ka bakit bawal ba" sagot ko naman.

"Hindi naman.. naninibago lang ako kase wala pang dumadalaw sa akin dito ikaw palang" saad naman niya.

"Ah ganun ba sige" saad ko na lang sa kanya.

"Heto nga pala flowers for you" bigay ko naman sa kanya.

"Ano 'to? Para saan?" tanong naman niya.

"Pwede mo ba akong papasukin mo na sa loob" saad ko naman sa kanya.

Niluwagan naman niya ang bukas ng pinto at pumasok naman ako. Pagkapasok ko sa loob ay nilibot ko naman ang aking paningin sa kabuuan. Isa lang masasabi ko napakalinis at napakaayos ng condo niya.

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?" tanong niya ulit sa akin.

"Ahm, yayain sana kitang lumabas.. kumain ganun" saad ko naman.

"Para namang nanliligaw ka na sa ginagawa mo" saad niya pa.

Hindi naman ako agad nakapagsalita at nginitian lang siya.

"Ungaaa.. ungaaa.." iyak ng isang sanggol.

Nang marinig ko yun ay tinignan ko naman siya at siya naman ay agad na pumunta sa sanggol na umiiyak at binuhat ito sabay hele.

"Anak mo?" tanong ko naman sa kanya dahil akala ko single siya.

Hindi naman siya agad nakasagot sa tanong ko at inasikaso na lang ang kanyang anak.

Kylie's POV

Hindi ako makapaniwala nandito si Bryan. Hindi ko alam bakit naisipan niya akong dalawin. Bakit mukha siyang naging interesado sa akin.

"Kylie, anak mo ba yan?" tanong naman niya ulit sa akin.

Aaminin ko na ba sa kanya na siya ang ama ng anak ko? Nabuntis niya ako noong time na nangyari yung sa bar na nagkaroon kami ng one night stand. Alam ko isang beses lang yun pero nabuntis niya agad ako.

FLASHBACK

Nang makauwi ako ng condo ko ay agad naman ako nakaramdam ng panghihilo at pagsusuka. Agad ko naman ito pinaconsult sa doctor at ang sabi niya buntis ako. Kaya alam kong kay Bryan galing itong dinadala ko kase siya lang naman nakagalaw sa akin.

Kaya nagdesisyon akong hanapin siya kase gusto ko siyang makausap para sabihin sa kanya ang totoo ngunit hindi ko siya mahanap kaya tumigil muna ako.

"Hay saan ba kita mahahanap Bryan" saad ko naman sa hangin.

Kaya nagtanong-tanong ako sa mga tao kung kilala nila si Bryan ngunit hindi nila kilala. Kaya noong isang araw ay may nakapagsabi sa akin na nakita niya daw si Bryan at nag-aaral sa isang university.

Agad ko naman pinuntahan ang school na iyon at confirm na nandoon siya kumakanta. Nang makita ko siya ay agad naman ako napangiti sabay hawak sa aking tiyan.

"Nakita ko na ang daddy mo anak" saad ko naman sa aking tiyan.

Makalipas pa ang mga araw, buwan, at taon binuhay ko ng  mag-isa ang aming anak. Binuhay ko siya ng walang ama sa tabi niya. Iniiwan ko siya sa aking tiyahin niyaya ko siya dito sa condo ko para siya mag-alaga muna habang nagwowork ako. Siya din yung kasama ko noong pinagbubuntis ko ang anak namin. Hanggang ngayon siya parin kasama ko pero wala siya ngayon dahil umuwi siya muna sa kanyang pamilya.

END OF FLASHBACK

Bumalik naman ako sa wisyo nang nakalapit na siya sa amin. Tinignan naman niya ang bata at pinagmasdan ito.

"May hawig siya sa akin" saad naman niya sabay tingin sa akin.

"Bryan kase... huwag ka sanang mabibigla sa sabihin ko" saad ko naman sa kanya.

"Ano ba yun?" tanong naman niya.

"Alam mo yung nangyari sa atin noon... nagbunga siya at ito na siya ngayon" saad ko naman sabay hele sa bata.

"So anak ko yan?" gulat na saad niya sa akin.

"Oo.. anak mo siya.. anak nating dalawa" saad ko pa.

Kita ko sa mga mata niya ang gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Okay lang kung hindi mo matanggap ang bata ang mahalaga nakita mo siya at nalaman mo" saad ko pa sa kanya.

"Teka lang Kylie.. hindi naman sa ganun yun.. hindi lang ako makapaniwala na nagkaanak ako sayo" saad naman niya sabay tingin sa bata.

"Alam ko hindi madali tanggapin pero matatanggap ko siya bilang anak ko.. hindi lang ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko sayo dahil napakamisteryoso mo para sa akin" dagdag niya pa.

"So aakuhin mo ba siya bilang anak mo at tatanggapin siya?" tanong ko naman sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot at tinignan niya muna kaming mag-ina.

"Hmm... ano pa bang magagawa ko kundi tanggapin na lang na anak ko yan at gagawin ko ang aking responsibilidad bilang ama niya" saad na lang niya.

"Thank you Bryan" nakangiting saad ko naman sa kanya.

Tinignan naman niya muli ang bata at bumalik muli sa aking tingin.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon