PROLOGUE

11 4 0
                                    

Someone's POV

Music is my favorite hobby. Since 5 years old palang ako, nakahiligan ko na ang music. Natatandaan ko pa noon, sinira ni daddy ang laruan kong guitar dahil ayaw niya nang may naririnig itong tugtog tapos sinira niya din yung music player ng kuya ko dahil ayaw na ayaw niya ng maingay at gusto niya paglaki namin ni kuya ay maging sikat na businessman gaya niya. Ngunit sumaway kami dahil ito ang hobby  namin ng kuya ko. Actually dalawa lang kaming magkapatid ni kuya kaya naman madalas nakikita ko siyang nag guiguitar at kumakanta noong bata ako. Kaya simula bata palang ako ay siya na naging idolo ko. Habang lumalaki kami ng kuya ko kami na lang lagi ang magkasama at gumagawa ng sarili naming lyrics at version hanggang sa lagi na kaming kinukuha sa mga events tulad ng party, clubs or bars, tv shows, at iba pa. Sumasali din kami sa mga paligsahan at battle of the band ni kuya. Itong pagiging guitarista namin ni kuya ay ginagawa na namin itong pansamantalang kabuhayan at raket na rin. Naisipan kase ng kuya ko na huwag na kami maghingi ng pera kay daddy at mommy ng pang allowance namin sa school dahil alam namin na ayaw ni daddy na makita kaming humahawak ng guitara dahil gusto niya magpokus kami sa pag aaral para maging matalino at hindi maging bulakbol ang magiging buhay namin ng kuya ko in the future. Isa pa, para daw ipasok kami sa kompanya niya dalawa kami ni kuya pagkatapos ng aming pag aaral. Ngunit  dahil sa katigasan ng ulo namin ni kuya ay lihim pa rin kaming umaalis ng bahay gabi gabi pagtulog na sila ni mommy para lang rumaket. Yan lang muna ang maibabahagi ko sa ngayon dahil papasok muna ako para mag aral.

Siya nga pala, ako pala si Kenneth Shin. 19 years old, single, pogi, mabait, palabiro, seryoso, at higit sa lahat mapagmahal. Ang daddy ko ay isang sikat na  businessman lalo na sa ibang bansa dahil si daddy ay isang half chinese. Si mommy naman ay isang businesswoman din sa kanyang salon. Pareho sila ni daddy mahilig sa business ang hindi nila alam business na din namin ni kuya ang pagtugtug at pagkanta o di ba wala pa rin nagbago. Yun nga lang gusto nila maging sikat kami gaya nila sa larangan ng  industriya hindi sa musika.

So, ayun guys nakilala niyo na ako. Kaya naman magpapaalam na muna ako kase nasa school na ako tsaka malapit na rin ako sa aming classroom. Habang ako ay naglalakad patungo sa aking classroom ay may isang babae akong nakabangga dahil nakayuko lang ito at nahulog ang kanyang dalang mga libro. Kaya naman agad ko siyang tinulungan.

"Ay, sorry miss... hindi ko sinasadya" saad ko habang kinukuha yung books niya.

"No, it's okay..." ngiting sambit niya sa akin.

Pagkatapos ko pinulot yung books niya ay tumayo na kami pareho at binigay ko na sa kanya yung books niya.

"Kenneth, but you can call me Ken for short" sambit ko naman sabay abot ng kamay sa kanya.

"I'm Alexandra also. Sandra for short" sambit naman niya sabay shakehands.

Pagkatapos nun ay binitawan ko na ang kamay niya at umalis na siya. Ako naman ay papasok na din sa aking classroom.

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon