CHAPTER 12

2 2 0
                                    

Stephanie's POV

Pagkatapos ng aming class discussion ay nagstay pa rin kami dito sa room. Iba-iba ang aming pinagkakaabalahan, may nanonood, naglalaro, natutulog, at nagbabasa. Tinignan ko naman si Ken at busy siya sa paglalaro ng ml. Ilang minuto ay dumating naman si sir Reyes kaya naman umayos na kaming lahat upo at nakinig sa kanya.

“Good day everyone, nandito ako para sabihin na magkakaroon tayo ng tree planting activity and also clean and green up para sa community. Our Dean said that we need to  do this within 2 days starting next week” sabi ni sir Reyes sa amin.

“So any questions for that announcen?” pagpapatuloy pa ni sir.

Tumahimik naman ang buong class at wala sa amin ang nagtanong.

“So sa tingin ko wala naman magtatanong doon sa announcement. So that's for all have a nice day bye” pagpapaalam ni sir at umalis na.

Pagkaalis ni sir Reyes ay muli naman umingay ang buong class. May kanya-kanya naman silang plans sa araw na iyon.

“So, what's your plan next week?”biglang saad naman ni Ken sa tabi ko.

“Wala naman.. maglilinis at magtree planting lang naman gagawin sa 2 days” sabi ko naman.

“Hindi naman 'yun whole day.. half day lang yun. So sa hapon wala na tayong gagawin hindi ba?” saad niya muli.

“Oo, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko sa hapon.. siguro uuwi na lang tapos magpapahinga” nasabi ko na lang sa kanya.

“Attention everyone!” biglang saad ni sir Reyes ng dumating ito ulit.

“Hindi lang pala tree planting and clean and green up ang gagawin next week. After the school activities, we are going to have an school tour for the next day of the week iyon ang sabi ni Dean sa amin so you have 3 days left to prepare you needs for that tour, okay?” dagdag naman ni sir Reyes sa announcement niya kanina.

Nag-ingay naman ang buong class sa tour nagaganapin next next week.

“Quite!” saad muli ni sir.

“So you need to prepare your own bagpacks. Magdala kayo ng mga importanteng mga bagay at iwasan ang mga hindi kanais-nais, maliwanag?” sabi naman ni sir.

“YES SIR!” saad naming lahat.

“And lastly, one week ang school tour natin. So any questions regarding sa announcement?” saad niya pa.

“Sir!” sabi naman ng classmate ko sabay taas kamay.

“Yes, Mr. Collins” saad ni sir.

“Sir, tayo lang ba 'yung magtotour or kasama ibang department?” tanong naman niya.

“Actually all departments magtotour. May kanya kanyang lugar kung saan sila magtotour pero ngayon wala pa silang nasabi kung saan ang destination natin. Ngayon ang isipin niyo muna ay kung ano yung dadalhin niyo para sa tour. Sasabihin ko na lang sa gc natin yung lugar, maliwanag?” saad pa ni sir Reyes sa amin.

“Yes sir” sabi namin ulit pagkatapos ay umalis na siya.

Umalis na ulit si sir Reyes pagkatapos ng sunod niya na announcement. Pagkatapos ay nagsialisan na ang ilang classmates namin para sa lunch break. Lumabas na din kami ni Ken patungo sa canteen. Habang papunta kami doon, napansin ko naman na papalapit sila Janice at Joyce sa direction namin.

“Oh girls, anong ginagawa niyo dito?”tanong ko naman sa kanila.

“Nandito kami para sumabay sa lunch.. so tara na?” pa anyaya ni Janice.

“Tara na gutom na ako” saad din ni Joyce at nauna nang umalis.

Tumungo na nga kami sa canteen ng sabay-sabay.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon