CHAPTER 17

1 2 0
                                    

Ken's POV

Nandito kami ngayon sa room for further information na i-instruct sa amin at dumating na rin si sir Reyes.

"So ngayon ang una nating gagawin ay mag tree planting then magcleclean up drive tayo sa labas ng school. So labas na tayong lahat at boys lahat ng plants ilabas niyo" saad ni sir sa amin at lumabas na kaming lahat.

Pagdating namin sa may garden area, nilapag na namin 'yung mga plants at nagsimula na kaming magbungkal. Habang nagbubungkal ako dumating naman si Steph sa kinaroroonan ko at nag-assist na siya na lang magplant ng trees. Kaya naman nagbungkal pa ako ng sampu pagkatapos ay tinulungan ko din siya magplant ng ilang trees pa.

"Ouch! Ah" rinig ko naman na saad ni Steph.

Tinignan ko naman siya at nakita kong may dumapo sa kanyang mata kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari?" saad ko naman sabay naupo sa harap niya.

"Ah wala napuwing lang ako may dumapo kase na lupa sa mata ko kaya na ano ako" saad naman niya at pinipilit na tanggalin yung dumapo sa mata niya.

"Halika tanggalin natin" saad ko naman sabay pinagpag muna 'yung kamay ko tsaka hinawakan ang mata niya.

"Huwag na Ken baka ano na naman masabi ng iba dyan" saad naman niya sabay tumingin sa likuran namin.

"Hayaan mo sila, ang mahalaga matanggal 'yang nasa mata mo" sabi ko pa at hinawakan ang mata nito.

Sinimulan ko nang iblow ang mata niya ng tatlong beses hanggang sa natanggal ito.

"Ano okay na ba?" tanong ko naman nang matanggal ito.

"Ah oo.. salamat Ken" nakangiting sambit niya sabay punas sa mata nito.

Mas maganda pala siya pag nakangiti kanina pa kaya naman napangiti rin ako.

"Anong nginingiti mo dyan" saad niya naman sabay nagsimula ulit magplant.

"Gumaganda ka kase kapag nakangiti" sabi ko naman at pagkatapos ay tumayo na ako at bumalik sa kinaroroonan ko kanina.

Bigla naman siya napatigil sa sinabi ko kaya tumingin sa akin.

llang oras ang nakalipas ay natapos na kami sa pagpaplant ng trees. Pumunta naman kami lahat sa washing room para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay pinuntahan ko sila Steph sa kinaroroonan nila.

"Sa labas tayong lahat" saad naman ni sir Reyes.

Tumungo naman kami doon para maglinis at magpulot ng mga plastic na pinagkainan ng ilang students na tinapon lang. Kaya kami nila ay Steph ay nagpulot na lang.

"Pambihira naman oh.. dito pa talaga sila nagtapon ng mga pinagkainan nila" reklamo naman ni steph sabay pulot ng plastics.

"Oo nga.. hindi nila kayang magtapon ng maayos" saad ko din.

"Asus" sulpot naman nila Janice at Joyce sa likuran namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Steph sa kanila.

"Nandito lang naman kami para magpulot diba Joyce?" saad naman ni Janice kay Joyce sabay pulot ng plastic.

"Oo nga naman.. bakit bawal ba namin kayo istorbohin sa moment niyong dalawa?" saad rin ni Joyce tsaka sila tumawa.

"Hay naku napakaissue niyo" inis naman na saad ni Steph at nagpulot ulit.

Ako naman ay napangiti na lang sa kanilang kabaliwan lalo itong sila Janice at Joyce at bumalik din sa pagpupulot.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon