CHAPTER 28

3 2 0
                                    

Stephanie's POV

After 1 week later....

Nandito na ako sa school kasama ang aking two besties. Nandito kami ngayon sa may covered walk nakaupo habang naghihintay ng next class. Napansin ko kanina hindi pumasok si Ken sa first class namin. Kaya naman nagtaka ako dati hindi naman 'yun umaabsent.

"Huy girl, ang tahimik mo naman" sabi ni Janice sa akin habang naglalagay ng liptint.

"Ah wala.. may iniisip lang ako" saad ko naman sabay buklat ng aking libro.

"Suss.. alam ko si Ken 'yan" saad niya pa sabay lagay ng gamit niya sa kanyang bag.

"Hindi ah" saad ko naman sa kanya.

"Hi Bryan!" bati naman ni Joyce kay Bryan.

"Hi girls" saad niya naman sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman niya sa amin.

"Naghihintay lang kami ng next class" saad ko naman sa kanya.

"Ah ganun ba.. by the way, nakita niyo ba brother ko?" tanong naman niya sa amin.

Tinignan ko naman siya dahil hindi ko din alam kung na saan si Ken ngayon.

"Hindi namin siya nakita" saad naman ni Janice.

"Hindi din siya pumasok sa first class namin" saad din ni Joyce.

"Ikaw Steph.. nakita mo ba si Ken?" tanong naman niya sa akin.

"Aaahh.. hindi eh.. tsaka ang pagkakaalam ko hindi naman 'yun umaabsent ngayon lang" saad ko naman kay Bryan.

"Baka na late lang bro" saad naman ng kasama niya na si Ricky.

"Paano malalate 'yun bro.. lagi naman 'yun nakaset ng alarm niya. Kanina ko pa siya kinokontak hindi naman sumasagot" sabi naman ni Bryan.

Na saan na kaya si Ken ngayon at bakit hindi siya pumasok.

"Sige guys alis na kami" paalam ni Bryan sa amin tsaka sila lumakad paalis.

Samantala kami naman ay tumayo na din at sumabay na umalis dahil may class pa kami. Nang makarating ako dito sa aming department room ay naisipan ko naman na umupo muna pansamantala dito sa kinauupuan ni Ken. Na miss ko 'yung panahon na masaya pa kami na nag-uusap at nagkukulitan bilang magkaibigan.

"Hay" buntong-hininga ko naman sabay open ng cellphone ko habang naghihintay sa aming instructor.

Bryan's POV

"The call is unattend.." tawag ko kay Ken.

"Hayst" inis ko naman na binaba ang aking telepono dahil naka 20 missed calls na ako kay Ken.

"Wala pa rin ba bro" saad naman ni Vince.

"Hindi niya pa rin sinasagot tawag ko sa kanya" saad ko naman sabay namewang.

"Baka naman may nangyari sa bahay niyo kaya hindi siya nakapasok" saad ni Ricky.

Bigla naman ako napaisip sa sinabi ni Ricky. What if meron nga nangyari sa bahay. Bigla ko naman kinontak ang cp number ng aming kasambahay. At sa wakas ay nagring naman ito ng ilang segundo.

"Hello, sino po sila?" saad ng nasa kabilang linya.

"Hello manang, si Bryan po ito" saad ko naman sa kanya.

"Ah sir Bryan ikaw po pala ito, pasensyana kung hindi ko agad kayo nabosesan" saad niya pa.

"Okay lang po 'yun manang.. nga po pala nandyan ba si Ken? Hindi kase siya pumasok" tanong ko naman kay manang.

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon