CHAPTER 3

4 3 0
                                    

Still Bryan's POV

Habang pinagmamasdan ko ang picture niya ay siya namang dating ni Kenneth kasama ang first love ko. Naging istatwa naman ako nang makita ko siya dahil tatlong buwan na hindi ko siya nakita. At isa lang ang masasabi ko mas lalo siyang gumanda. Kaya naman bumaling ang tingin ko sa kapatid ko.

“Ah, kuya si Stephanie pala classmate ko. Siya yung sinasabi ko na one of my fan” pakilala naman ni Kenneth kay Steph.

“Oh, hi Stephanie” bati ko naman sa kanya.

“Pwede ba kaming makisabay?” saad naman ni Steph.

“Sure? Why not” sabi ko naman sa kanya.

Naupo naman sila sa harapan ko kasama si Ken. Pinagmasdan ko naman si Steph at masasabi kong gaya parin siya sa dati na mahinhin at sweet. Nakakatunaw parin ang kanyang mga ngiti at aaminin ko hindi parin nagbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Kahit na nakipaghiwalay siya hindi ko siya kinalimutan. Alam ko chickboy ako pero sa lahat ng babae na nakilala ko sa kanya ko nakita yung wala sa iba.

“Ah, kuya bibili muna ako ng lunch natin” sabi naman ni Ken.

“Samahan na kita, Ken” pa anyaya naman ni Steph.

“Huwag na Steph. Dito ka na lang kasama si kuya” saad naman ng kapatid ko sabay alis.

Ako naman ay pinagmamasdan parin siya. Actually, magka age sila ng kapatid ko. Hindi ko alam na mas matanda pa pala ako sa kanya ng dalawang taon. Siguro that time kaya niya ako iniwan kase ayaw sa akin ng daddy niya. Alam kase ng daddy niya na play boy ako kaya ganun na lang magprotekta ang daddy niya. Actually nilihim namin yung relasyon namin sa publiko para hindi malaman ng daddy niya. 18 palang siya noong naging kami at naging masaya naman kami. Siya yung dahilan bakit ako nagbago. Hindi na ako tulad ng dati na play boy at maraming babae

FLASHBACK

“Bryan, I'm breaking up you with you” sabi niya tsaka yumuko.

“Ano? Bakit?” saad ko naman dahil nabigla ako sa sinabi niya.

“Aalis ako papuntang States. Doon ko ipagpapatuloy ang studies ko.. at nalaman ni daddy na ikaw ang boyfriend ko. Kase nalaman niyang play boy ka at maraming babae. Hindi ko alam paano nila nalaman at hindi ko naman sinabi sa kanila yung relasyon natin kase napakaoverprotective ni daddy sa akin” sabi naman niya at unti-unting naglalandasan ang luha niya.

“Ayoko, Steph. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Please, please huwag mong gawin sa akin ito” pagmamakaawa ko sa kanya.

Lumuhod na ako sa harap niya sabay hawak sa kamay nito at sabay kaming umiyak. Hindi ko kayang umalis siya dahil hindi ko kakayanin yun.

“Bryan, please huwag mo na akong pahirapan. Mahal kita pero papalayain na kita kase ayokong saktan ka ni daddy. Kaya please bitiwan mo na ako” umiiyak na sabi sabay bitaw sa kamay ko.

“Hindi ko kakayanin, Steph. Ayokoo” pagpupumilit ko habang yakap-yakap ko ang binti niya.

Ngunit siya ay pumapalag pa rin. Tumayo naman ako at niyakap siya ngunit pinipigilan niya ako hanggang sa nakawala siya sa aking bisig at sinundan na lamang ng tingin.

“STEPHANIE!!!” sigaw ko habang umiiyak hanggang sa unti-unti nang lumilisan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong naistatwa sa nangyayari habang pinagmamasdan ang taong mahal ko na umaalis na.

END OF FLASHBACK

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon