CHAPTER 10

2 2 0
                                    

Bryan's POV

Nandito ako ngayon sa tambayan namin, hinihintay si Steph na dumating dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya kahit ayaw niya na sa akin. Ilang minuto ako naghintay at sa wakas ay dumating na siya. Tumayo ako at agad na nilapitan ngunit agad niya akong sinampal ng walang dahilan.

“Para saan yun?” pagtataka ko naman.

“Hindi ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na ako?!” galit na saad niya sa akin.

“Steph naman alam mo naman mahal kita hindi ba? Kahit layuan mo ako o lubayan mo ako hindi kita titigilan” wika ko sabay hawak sa kamay niya ngunit binitawan niya agad ito.

Agad naman siya tumalikod saka naglakad. Ako naman ay agad na hinila ang braso niya at pinuwersa na hilain saka pinilit na halikan.

“Bryan, ano ba?! Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas niya ngunit hindi ko siya binitiwan.

“Ayoko!” inis na sambit ko saka pinuwersa ko itong halikan.

“Bryan, ayoko! Nasasaktan ako!” pag-alis niya ng kanyang mukha.

“KUYA!” sigaw ni Kenneth at tumakbo naman na lumapit sa amin at pinigilan ako.

“BITIWAN MO SIYA!” sigaw na sambit niya at nilayo si Steph sa akin.

“Wala kang karapatan saktan siya!” sigaw niya muli.

Napansin ko naman si Steph na ngayon ay takot na takot na sa akin dahil sa ginawa ko. Umiiyak siya habang nasa likod ito ni Ken.

“Sorry” 'yun na lang nasabi  ko at kinuha ang bag ko sabay umalis.

Tumigil naman ako sandali nang malampasan ko sila at tumingin sa malayo. Hindi ko alam bakit ko nagawa 'yun sa kanya siguro dahil na obsessed ako. Kaya naman napabuntong-hininga na lang ako at nagsimulang maglakad.

Kenneth's POV

Hindi ko aakalain na babastusin ni kuya si Stephanie. Habang pinagmamasdan ko sila kanina parang may hindi na magandang nangyayari kaya naman ng makita kong nasasaktan na si Steph ay agad na akong tumakbo sa kinaroroonan nila at nilayo si Steph kay kuya.

“KUYA!..... BITIWAN MO SIYA!” sigaw na sambit ko at tuluyan nang nilayo kay kuya.

“Wala kang karapatan para saktan siya!” sigaw ko uli.

“Sorry” 'yun na lang nasambit niya saka kinuha ang bag niya at umalis.

Hinintay ko muna siya makaalis ng tuluyan at sabay inalalayan si Steph na maupo muna sa gilid.

“A-aray” saad naman niya saka naupo.

Nakita ko naman ang braso niya na may pasa dahil sa kagagawan ni kuya sa kanya. Tinignan ko naman siya at naisipan na yakapin siya dahil naawa ako sa kalagayan niya.

Habang nakayakap siya sa akin bumuhos naman ang kanyang luha dahil sa nangyari kanina kaya naman hinaplos ko na lang ang likod niya para tumahan.

“Tama na Steph huwag ka na umiyak.. hindi na yun mauulit” saad ko naman habang nakatingin sa malayo.

Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na si Steph sa pag-iyak at umayos na din siya ng upo sabay pahid ng luha niya.

“Salamat Ken” wika niya sabay tingin sa akin.

Inabutan ko naman siya ng panyo para mapahid niya ng maigi 'yung luha niya.

“Ito gamitin mo muna” saad ko at kinuha naman niya sabay punas.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagpapahid at pagkatapos ay tumingin siya sa akin sabay ngiti ng konti ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon