CHAPTER 19

2 2 1
                                    

Still Author's POV

Pagkatapos ng tatlong minuto na breaktime nila ay nagpatuloy na sila sa pagbyabyahe dahil malayo pa ang kanilang tatahakin.

Sa kanilang byahe ay umidlip muna si Steph at ang ilang students samantala ang iba naman ay naglalaro at nagsscroll sa fb nila. Ngunit si Ken ay nakatingin lang sa labas ng bintana at dinadamdam ang hangin. Pero sa isang idlap ay muli niya binalikan ang isang nakaraan kung saan doon namatay ang kanyang naging kasintahan sa Baguio.

FLASHBACK

“Mahal, hindi ba sinabi mo lalaban ka para sa future nating dalawa... mahal gawin mo 'yun please... a-ayokong mawala ka sa piling ko mahal” iyak na saad ni Ken habang hinahawakan ang kamay ng kasintahan niya.

Ang kanyang kasintahan ay may sakit itong heart disease. Nagkaroon na siya nito simula pa noong bata siya kaya naman mas lumala pa ito noong dalaga na. Kaya naman simula noong naging sila ni Ken ay naging lumakas ito. Si Ken 'yung dahilan kung bakit lumakas siya dahil sa pag-aalaga nito sa kanya ng ilang buwan. Tumagal ang kanilang relasyon ng isang taon at sa loob ng isang taon ay naging maligaya silang dalawa.

Ngunit makalipas ang limang buwan ay bumalik din ang sakit ng kanyang kasintahan. Dito na mas nahirapan si Ken dahil baka one day iwan siya nito pero hindi siya papayag na mangyari iyon. Kaya palagi siyang nasa tabi nito para alagaan at pagsilbihan para lang hindi siya mawala sa piling niya.

Hindi na din ito pumapasok sa school nila at naisipan na lang tumigil para alagaan ang kanyang girlfriend dahil palala ng palala ang sakit nito. Naaawa na din ang mga magulang ng kasintahan ni Ken dahil sa sitwasyon ng kanilang anak. Ngunit si Ken ay patuloy pa rin lumalaban para lang tumagal pa ang buhay ng kanyang mahal.

Makalipas ang isang linggo ay nakapagdesisyon na ang doctor na hindi na kaya ng katawan ng anak nila 'yung oxygen na nakadikit sa kanyang bibig dahil nahihirapan na rin ito na huminga pa at maging lumakas ulit. Kaya kailangan ng doctor ang perwisyo nila kung sang-ayon ba sila na tanggalin na lang ang nakadikit sa kanya at ang ventilation kung saan dito siya humihigop ng lakas at hangin upang makahinga pa siya ng malalim.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi lubos matanggap ng magulang ng kasintahan ni Ken ang gusto ng doctor at lalong lalo na si Ken dahil kapag nangyari iyon ay mawawala na siya sa piling nila. Kaya naman naisipan ni Ken na bumalik sa loob ng ER kung saan nandoon ang girlfriend niya. Nang makapasok ito ay doon na bumuhos ang kanyang luha. Umiiyak siya na pinagmamasdan ito dahil nakikita na niya na nahihirapan na talaga ito dahil sa sitwasyon niya. Nilapitan naman niya ito at saka hinawakan ang kamay.

END OF FLASHBACK

“Miss na kita...” nasambit na lang niya saka nagpunas ng luha.

Kinuha naman niya ang kanyang cellphone sa kanyang at tinignan ang picture nilang dalawa. Napangiti naman siya ng makita ito dahil naalala niya na ito iyong unang picture nila as a couple noon.

“Kahit wala ka na sa piling ko, Nicole. Ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso ko” bulong niya sa kanyang sarili pagkatapos ay umidlip na ito.

Samantala, sa kabilang dako naman ay patungo rin sila Bryan sa Baguio. Doon rin ang kanilang destination. Hindi niya alam na doon din papunta sila Ken at Steph.

“Ang tagal naman ng byahe na ito” reklamo ng isang kasamahan nila.

“Bro, hindi ba doon kayo dati tumira ng pamilya mo?” tanong naman ni Ricky kay Bryan.

Hindi naman nakapagsalita si Bryan dahil wala ito sa mood dahil namimiss niya si Steph kaya naman tumingin na lang ito sa labas ng bintana.

“Paano nalaman, bro” tanong din ni Vince.

“Syempre nakita ko noon na may picture sila ng pamilya nila” sagot naman ni Ricky.

“Ahh kaya pala.. maganda nga doon kase malamig tsaka magaganda 'yung tanawin” saad naman ulit ni Vince.

“Tsaka isa pa bro... maraming chix doon” saad muli ni Ricky.

“Hays, ingay niyo” reklamo naman ni Bryan tsaka tinignan silang dalawa.

“Alam ko na bro bakit ka bad mood... miss mo si Steph no?” pagbibiro naman ni Ricky sabay nakangiti.

“Huwag mo na itago bro. Miss mo siya kaya ganyan ka bad mood” saad din ni Vince.

“HAHAHAHAHA” sabay nilang tawa kay Bryan.

“Ang rupok mo bro. HAHAHAHA” sambit ni Ricky sabay sila nag apir ni Vince.

“QUIET!” saad naman ng teacher nila dahil narinig niya 'yung ingay.

Tumahimik naman ang dalawa pagkatapos ay tinawanan sila ni Bryan dahil napagalitan sila ng kanilang teacher.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon