CHAPTER 7

4 2 0
                                    

Kenneth's POV

Pagkatapos ng battle ay naisipan ni kuya Bryan na magcelebrate dahil sa pagkapanalo namin. Isang taon na ang nakakalipas ngayon niya ulit naisipan yun. Ngayon ay nandito kami sa isang bar malapit sa pinagdausan ng battle. Nandito din sila Stephanie gusto daw nila makijoin kaya pumayag na lang si kuya. Napansin ko kanina habang kumakanta si kuya tinitignan niya si Stephanie. Hindi ko alam bakit ganun siya kanina. Hindi kaya may nakaraan sila kaya ganun na lang siya tumitig.

So ayun nandito lang ako sa pinakadulo habang pinagmamasdan sila na nagtatawanan. Masaya ako na makita si kuya na tumatawa ng ganito despite all the things na hindi sila okay ni dad dahil mas pinili ni kuya ang pagiging singer. Ako naman sumasama lang ako sa kanya pag may battle at pagraraket sa mga bars. Sa mga ganitong sitwasyon minsan wala sila mom and dad dahil nasa ibang bansa sila for their businesses. Kaya minsan mga maids lang ang kasama ko. Hindi din nila alam na sumasama ako kay kuya kaya sa tuwing tinatawagan nila ako sinasabi ko na lang na nasa isang show ako nanood kasama friends ko kaya maingay.

Marami na rin silang nainom kaya naman hinayaan ko na lang sila sa kaingayan nila. Samantalang ako nasa gilid umiinom habang pinagmamasdan sila. May lumapit naman sa akin na isang babae at sa tingin ko lasing na rin ito.

“Hi baby boy” lasing na saad niya at tumabi sa akin.

“Hello” saad ko naman at uminom ulit.

“Can I join?” tanong niya.

“Sure” saad ko.

Kumuha siya ng isang upuan sa kabila tsaka nilagay sa tabi ko tapos nakiupo ito sabay tingin sa akin. Tinignan ko naman siya at napansin kong lasing na lasing na ito.

“You look so cute and adorable” saad niya in husky voice.

Nakaramdam naman ako ng konting hiya sa aking sarili dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may magsasabi ng ganun sa akin. Kaya ang ginawa ko natawa na lang ng konti at siya naman ay tumawa na rin.

“Thank you” nasambit ko na lang at nagsimulang  makipagkwentuhan.

Makalipas ang tatlong oras ay napansin kong tulog na silang lahat dahil sa kalasingan nila maliban lang kay Stephanie na akala ko lasing hindi pala. Naisipan ko naman siyang lapitan total tulog na rin itong babaeng nasa tabi ko.

“Hi Steph” saad ko at naupo isang bakante sa harap niya.

“Hello.. akala ko lasing ka hindi pala” sabi naman niya tsaka tumingin sa akin.

“Akala ko din lasing ka hindi rin pala” saad ko naman.

“Konti lang naman ininom ko kase baka maamoy ako ni mommy na lasing baka hindi na ako payagan sa susunod” saad niya pa sabay tingin sa kanila.

“Kita mo sila tulog na dahil sa kalasingan” dagdag niya pa.

“Ganyan na talaga sila Steph lalo na si kuya. Hayok sa alak yan.. sa aming magkapatid siya yung mahilig maglasing” saad ko naman sabay pinagmasdan si kuya.

“Eh yung babae na yun.. kilala mo ba?” saad niya sabay tingin sa babae.

“Ah hindi ko yan kilala. Actually siya ang lumapit sa akin kanina at nakijoin sa akin” sabi ko naman at sabay inom.

“Kaya pala.. kanina ko pa kayo pinagmamasdan.. parang ang landi ng babae na 'yun tsaka 'yung damitan parang ano pornstar” saad naman niya.

“Hahahahaha” tawa ko naman tsaka tinignan siya.

“Ano naman tinatawanan mo dyan” saad niya ulit.

“Natawa lang ako sa sinabi mo sa babae hahaha.. pero tama ka naman para siyang pornstar talaga. Naiirita nga ako sa kanya kanina dahil dikit siya ng dikit” saad ko naman tsaka kumuha ng pulutan nila tapos kinain.

Nagkwentuhan lang kami ni Steph ng ilang bagay at makalipas ang ilang oras ay naisipan na namin sila iuwi sa condo ni kuya dahil malapit lang naman dito ang condo niya.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon