CHAPTER 23

2 2 0
                                    

Stephanie's POV

Pagkagising namin lahat kanina ay nag-announced si sir Reyes na magtour kami sa Burnham Park at ngayon nga ay aming tinatahak papunta doon. Ilang minuto lang ay nakarating na kami at nagsimulang magsibabaan. Tumungo naman ako malapit sa may ilog at nagsimulang magselfie-selfie. Napansin ko din na kumukuha ng litrato ang aking mga classmates. Sa hindi naman kalayuan napansin kong nakatayo lang si Ken malapit sa may ilog kaya naman naisipan ko na lapitan siya.

“Hi Ken” sabi ko naman nang makarating ako sa pwesto niya.

“Ang ganda pala dito” pagpapatuloy ko pa at tumungin sa ilog.

“Alam ko..” saad naman niya sabay upo sa damuhan.

“Nakapunta na ako dito dati kasama girlfriend ko” pagpapatuloy niya.

“Ma-may girlfriend ka?” sabi ko naman dahil ngayon ko lang alam na may girlfriend pala siya.

Naupo naman ako sa tabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Oo pero matagal na yun past years ago” saad naman niya pagkatapos ay nagbuntong-hininga.

“Paano kayo nagbreak ng girlfriend mo?” tanong ko naman sa kanya.

“Actually hindi kami nagbreak.. she died because of her complication in heart. Mahirap tanggapin 'yung nangyari pero wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang 'yung nangyari sa kanya” sabi naman niya sabay tingin sa malayo.

“Hmm, ngayon mahal mo pa ba siya?” tanong ko ulit.

Tumingin naman siya sa akin at magsasalita pa sana siya ngunit tinawag na kaming lahat ni sir Reyes kaya naman tumayo na siya at tinulungan din akong makatayo.

Hindi ko alam bakit ganun yung pakiramdam ko kanina noong sinabi niya na namatay 'yung girlfriend niya dahil sa sakit sa puso tapos hindi pa sila totally break up pero namatay siya. Muli naman ako nabahala doon kase sa tingin ko parang may nararamdaman na ako para sa kanya.

Nang makarating kami sa kanila ay nagsabi ulit si sir Reyes ng aming gagawin. Magkakaroon daw kami ng tree planting dito sa park. Actually hindi naman ito sementado at iilan lang puno. Kaya naman nagsimula na kaming magtanim ng ilang trees.

Habang ako ay nagtatanim hinahayaan ko lang sila Janice at Joyce na nag-uusap bigla kase akong nawalan ng gana makipag-usap sa iba.

“Hoy girl bakit naman ang tahimik mo ngayon” sabi naman ni Janice sabay hakot ng lupa para sa hole ng puno.

“Wala lang ako sa mood makipag-usap sa inyo” saad ko naman pagkatapos ay tumayo na ako kase tapos na.

Tumayo din sila at nagtungo kami sa wash area.

“Bakit naman girl.. may problema ka ba? Kanina nakita ka namin kasama si Ken. May nangyari ba?” tanong naman niya ulit.

“Haayyy” buntong-hininga ko naman tsaka tumingin sa kanilang dalawa pagkatapos ay umalis na ako papunta ulit sa park.

Nakita ko na naman ulit si Ken kasama ang classmates namin na nakikipagtawanan. Ngayon ko lang nakita na tumawa siya kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.

“Ehem! Iba na 'yan girl” pang-aasar naman nila Janice at Joyce sa likod ko.

“Kaya pala wala ka sa mood kanina dahil hindi mo kasama si Ken at ngayon nakangiti ka habang nakikita mo siya.. ano 'yan girl in love ka na ba kay Ken?” tanong naman ni Joyce.

“Ano ba kayo.. nakita ko lang siya na tumatawa kasama mga classmates natin dahil minsan hindi natin siya nakita na nakangiti hindi ba?” saad ko naman sa kanila.

“Your right naman girl.. pero sa tuwing nakakasama mo si Ken naggloglooming ka. So ang nasa isip namin ni Joyce is what if you like Ken” sabi naman ni Janice sabay upo.

Naupo naman ako sa tabi niya at pinagmasdan ang aming mga classmates pati na rin si Ken at ang buong paligid.

Tama sila pagkasama ko si Ken naggloglooming ako at masaya ako kase napapalapit na ang loob ko sa kanya. Ngunit hindi ko maiiwasan 'yung sinabi niya kanina. What if hindi niya pa nakakalimutan 'yung past relationship niya.

“Hay.. alam niyo kung bakit ako tahimik kanina habang nagtatanim tayo.. bigla kong inisip ko 'yung sinabi ni Ken na hindi pa sila totally break ng girlfriend niya” sabi ko naman sa kanila habang nakatingin kay Ken sa malayo.

“Ano?!” sabay naman na sabi nilang dalawa.

“Si Ken may girlfriend?” gulat na sabi Joyce.

“Oo pero patay na dahil may sakit daw sa puso sabi niya” saad ko naman sa kanila.

“Hala, nakakagulat naman si Ken. Akala ko iba siya sa kuya niya hindi pala pero magkaiba sila ng ugali” sabi naman ni Janice.

“So natanong mo na ba kung mahal niya pa 'yung babae?” tanong ulit ni Janice.

“Ayun sana tatanungin ko kaso tinawag na tayo ni sir Reyes kaya hindi siya agad nakasagot” sabi ko naman sabay tingin ulit kay Ken sa malayo.

“Nakakaloka girl” sabi naman ni Joyce saka tumayo papunta sa ibang students.

Sumunod din si Janice kaya ako na lang mag-isa dito nakaupo habang nag-aayos ng aking sarili. Hindi ko din namalayan na lumapit pala si Ken sa kinaroroonan ko at pagakatapos ay umayos din ako ng upo so bali magkatabi kami dito at muli naman kami dinalaw ng katahimikan.

“Ahm, 'yung pala tanong mo kanina kung mahal ko pa siya..” saad niya sabay tumingin sa akin.

“Hindi na.. kase unti-unti ko na siyang kinakalimutan. Not that totally pero hindi ko na siya mahal.. kase wala na siya dito sa mundo” saad niya pa pagkatapos ay tumingin sa malayo.

Tinignan ko naman siya at this time sabay na kaming nagkatinginan. I feel like something fluttered inside me and hindi ko maiwasan na alisin ang tingin ko sa kanya. Ilang segundo kami nagkatitigan at ngayon ay ako na ang umiwas.

“Uhm, magccr lang ako” sabi ko at tumungo sa comfort room.

Naiwan naman siya mag-isa doon na nakaupo at sa tingin ko nakatingin pa rin siya sa akin habang papaalis ako.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon