CHAPTER 29

1 2 0
                                    

Ken's POV

Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin ang aking yumaong kasintahan dito sa Baguio. Bumalik ako dito para kausapin siya kahit ilang sandali lang.

Pagkarating ko sa kanyang puntod ay agad ko naman nilagay ang bulaklak na paborito niya. Pagkatapos ay nagsindi ako ng kandila at naupo ng ilang sandali.

"Ang ganda talaga ng tanawin" saad ko habang nakatanaw sa paligid.

Tinignan ko naman ang lapida niya at hinaplos ito.

"Hay" buntong-hininga ko bago magsalita.

"Alam mo ba Nicole kung bakit ako nandito ngayon?" saad ko sa lapida niya.

"Nandito ako para magpasalamat sa lahat ng memories na binuo natin sa loob ng isang taon.. wala ka man sa mundo namin ngayon pero 'yung mga pinagsamahan natin ay isang magandang ala-ala na lang na babaunin ko sa aking isip at sa aking puso.. mga ala-alang nagpaligaya sa ating dalawa simula noong nakilala kita hanggang sa naging tayo.. pero Nicole.. makalipas ang ilang taon at buwan na hindi kita nakasama... may nakilala akong isang babae na hindi ko aakalain na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Alam ko mahirap tanggapin na hindi na kita kapiling pero sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon na magmahal ulit. Sana palayain mo na ako sa piling mo.. sana maging masaya ka ngayon sa tahanan ni Lord.. Nicole, mahal kita pero papalayain na kita hindi dahil gusto ko maghanap ng iba kundi gusto ko makalimutan kita at maging masaya ulit. Sana matanggap mo ang lahat ng sinabi ko... kung nandito ka man ngayon sana naman magparamdam ka kahit saglit lang.. gusto ko lang maramdaman 'yung presensya mo bago ako umalis.." mahabang lintanya ko sa kanya.

Isang malakas na hangin naman ang aking naramdaman habang papalapit sa akin at ngayon ay nakaramdam na ako ng lamig sa aking katawan dahil alam ko niyayakap niya na ako ngayon mula dito sa aking likod habang nakaupo at nakapikit ang aking mga mata.

Ilang sandali pa ay bumulong siya sa aking tenga.

"Salamat sa lahat aking mahal, pinapalaya na kita" bulong niya sa aking tenga pagkatapos ay naglaho na siya.

Muli naman ako umiyak ng sinabi niya iyon sa akin. It means pinalaya niya na ako ng tuluyan sa piling niya.

"Salamat, Nicole" saad ko sa lapida niya habang umiiyak sabay haplos.

Makalipas ang ilang sandali ay naisipan ko na tumayo at nagpahid ng aking luha. At sa wakas ay tinignan ko muli ang kanyang lapida bago naisipan umalis.

Stephanie's POV

Ilang minuto na kami naghahanap kay Ken pero hindi pa rin namin siya mahanap-hanap. Hindi din namin alam kung saan siya nagpunta. Kanina ko pa siya kinokontak ngunit can not be reached ito kaya naman bigla ako nainis.

"Bwisit" napamura na lang ako sa inis.

"Hey girl, relax ka lang okay? Mahahanap din natin si Ken" pagkakalma naman sa akin ni Janice sabay hawak sa aking likod.

"What if itrace natin siya baka sakaling nakaopen ang GPS ng phone niya" suggest naman ni Joyce.

Muli ko naman inopen ang phone ko at trinay na itrack siya ng GPS ko at ilang sandali pa ay nakita ko na kung nasaan siya.

"Nakita ko na siya" saad ko naman sabay tingin sa kanila.

"Nasaan siya?" tanong naman ni Ricky habang nagdridrive siya.

"Nasa Baguio siya" saad ko naman siya.

"Anong ginagawa niya doon?" tanong naman ni Janice.

"Hindi ba kagagaling lang natin doon last week. Bakit bumalik siya?" saad din ni Joyce.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila kase hindi ko din alam bakit nandoon siya at muli naman ako napaisip nang may naalala ako na sinabi niya noon sa akin.

FLASHBACK

"Nakapunta na ako dito dati kasama girlfriend ko" pagpapatuloy niya.

"Ma-may girlfriend ka?" sabi ko naman dahil ngayon ko lang alam na may girlfriend pala siya.

Naupo naman ako sa tabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Oo pero matagal na yun past years ago" saad naman niya pagkatapos ay nagbuntong-hininga.

END OF FLASHBACK

Bumalik naman ako sa realidad nang magsalita si Ricky.

"Steph, saan siya sa Baguio?" tanong naman niya habang nakatingin sa mirror ng kotse niya.

"A-ahh na-nasa Mines View Park siya" saad ko naman sabay tingin kay Ricky.

"Malayo pa ang i-byabyahe natin papunta doon.. baka aabot tayo ng ilang oras marating natin yun" saad naman ni Ricky.

Muli naman kami natahimik at napabuntong-hininga na lang ako.

Ken's POV

Nandito ako ngayon sa Mines View Park, tinatanaw ang kagandahan ng lugar na ito. Dito ko kase naisipan pumunta pagkatapos ko pumunta sa Burnham Park.

"Hay... ang ganda talaga ng tanawin.. nakakagaan sa pakiramdam" saad ko sa aking sarili.

Tumingin-tingin naman ako sa aking paligid marami namang tao dito iba-iba ang kanilang ginagawa. May nagdadate, nagkwekwentuhan, nagkukuhanan ng pictures at naglalakad.
Bigla naman pumasok sa aking isip ang last tour namin dito last week. 

"Hay" buntong-hininga ko sabay labas ng aking cellphone at nag open ng IG ko.

May nakita naman akong larawan na umagaw sa aking atensyon. Ang larawan na ito ay kuha namin ng dati kong nobya dito sa park na ito.

"Ilang taon na pala nandito pa pala mga pictures natin" saad ko naman sa larawan.

Ilang sandali pa ay naisipan ko na ito idelete para makalimutan ko na ang aming memories ni Nicole dito sa Baguio. Lahat ng larawan namin na pinost ko dito sa IG ko ay unti-unti ko na binubura dahil gusto ko magkaroon ng panibagong memories kasama ang iba. Pagkatapos ko madelete lahat ay in unfollow ko na siya sa IG. Pagkatapos ay umalis na ako sa park at nagbyahe ulit papuntang restaurant para kumain.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon