CHAPTER 8

2 2 0
                                    

Still Kenneth's POV

“Sir, gumising na po kayo sabi ng mommy niyo” saad ng aming maid na siyang nagpagising sa akin.

Gumising ako na nakadapa at saka tinignan ang maid.

“Nakauwi na pala sila” sabi ko naman.

“Opo sir kanina lang po madaling araw buti nga po hindi niyo sila naabutan kung hindi baka magalit na naman daddy niyo” sabi naman ng maid.

“Anong oras na po ba” tanong ko naman sabay bangon.

“Mag alas otso na po sir” sabi niya naman.

“Bumangon na po kayo dyan kase hinihintay kayo ng mommy at daddy niyo sa baba dahil makikisabay ka daw na makipag breakfast sa kanila” dagdag niya pa.

“Sige po. Susunod na lang ako” saad ko naman at umalis na ang maid sa harap ko.

“Aahhh!” sambit ko naman sabay nag unat unat.

Oo nga pala Sunday ngayon kaya pala nandito sila mommy at daddy. Sabagay sunday lang ang off nila sa work bukas one week na naman sila mawawala.

Bumangon na ako at pumasok sa comfort room para gawin ang daily routine ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at tumungo sa dinning area. Nakita ko sila kumakain na kaya naman lumapit na ako kay mommy para ikiss sa pisngi.

“Good morning mom and dad” sabi ko at naupo sa tabi ni daddy sa kabila.

Nagsimula na rin ako kumain at habang kumakain kami nagsalita naman si daddy.

“How's day son?” tanong ni dad.

“Okay naman dad” sagot ko naman at nagpatuloy sa pagkain.

“Kamusta naman ang kuya mo? Okay lang ba siya?” tanong naman ni mom.

“Yes, mom okay lang si kuya. Nakikita ko siya sa school always” sabi ko naman.

“Pakisabi sa kuya mo.. pwede siya dumalaw dito sa bahay minsan. Miss ko na rin siya, anak” malungkot na saad ni mom.

“Sige po” ngiting sambit ko naman.

Buti pa si mommy kahit tinakwil nila si kuya nakokonsensya pa rin siya. Alam ko naman na miss na miss niya na si kuya dahil umalis siya noon at sinabi ni daddy na huwag na huwag na itong magpapakita. Kaya naman hindi ko makakalimutan 'yung sinabi ni daddy sa kanya.

FLASHBACK

“UMALIS KA DITO SA PAMAMAHAY KO! AYOKO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO! PILIIN MO 'YANG PAGIGING SINGER   MO! AT KAILANMAN HINDING HINDI NA KITA ITUTURING NA ANAK!” galit na sabi ni daddy kay kuya.

Nandito lang ako sa gilid kasama si mommy dahil iyak ito ng iyak nang makitang sinasaktan siya ni daddy. Wala ako noon nagawa para tulungan si kuya at naging duwag ako.

Tumayo siya at tumingin sa akin na may pasa sa bibig nito. Napalunok na lang ako at tumingin kay daddy but this time galit pa rin ang itsura nito.

“Sige!.. mula ngayon wala na akong pamilya dahil tinakwil niyo na ako!... alam niyo simula noong bata kami ni Ken ni minsan hindi niyo kami inisip. Ni minsan hindi niyo kami pinagtuunan ng pansin dahil puro kayo trabaho... tapos ngayon malaki na kami at nasa katinuan na... ipagkakait niyo pa sa amin na gawin ang magpapasaya sa amin. Samantala noong mga bata kami iniiwan niyo kami kasama ang mga maid. Kung tutuusin dapat kayo nandyan sa amin noong kailangan namin kayo.. pero wala! Sarili niyo lang iniisip niyo!” mahabang lintanya ni kuya kay daddy.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni kuya at sa huli ay naisipan na niya itong umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakaalis na ito ng tuluyan.

END OF FLASHBACK

Bumalik naman ako sa realidad nang maalala yun. Hindi ko na tinapos ang aking pagkain at naisipan ko na lang na bumalik sa kwarto at nahiga.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon