CHAPTER 14

1 2 0
                                    

Bryan's POV

Paglabas ko ng guidace office ay tinignan naman ako ng masama nitong bubwit na ito tsaka lumapit muli sa akin.

“Hindi pa tayo tapos” galit na sabi niya sabay tulak sa akin.

Nag smirk naman ako at tinignan naman siya ng masama.

“Sinong tinatakot mo boy” sarcastic na saad ko sa kanya at binangga siya sabay lakad.

Habang naglalakad ako paalis, muli ko naman narinig ang kanyang sinabi kaya napatigil ako.

“HOY! HINDI PA TAYO TAPOS! MAY ARAW KA RIN SA AKIN!” sigaw niya naman.

“Aba, may gana pa siyang takutin ako. Akala mo naman matatakot ako sa kanya, tsk” saad ko naman sa aking sarili at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Nakarating naman ako dito aming tambayan. Muli ko naman naalala 'yung nangyari kaninang umaga sa ginawa ko kay Stephanie. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun naging sabik lang ako na yakapin at halikan siya kaya ko nagawa 'yun sa kanya. Hindi rin niya ako pinansin kanina sa canteen noong sabay kami bumili ng pagkain. Alam ko naman na umiiwas siya sa akin dahil sa nangyari kanina at pinagsisihan ko naman 'yun.

Tinignan ko naman ang aking relo and it's already 1 pm it's mean busy na lahat sa kanya-kanyang classes. Naupo naman ako dito sabay nahiga dahil tinatamad na akong pumasok ulit. Nakakatamad makinig paulit ulit lang naman sinasabi ng prof namin at saka inaantok ako kapag siya 'yung nagdidiscuss sa amin.

Makalipas ang isang kalahating oras ay nagising na ako at tinignan ang oras ulit at pasado alas dos na ng hapon.

Naisipan ko naman pumunta sa music studio para magrehearsal sa kakantahin ko mamayang gabi sa isang bar. Naisipan ko kase muna rumaket ng mag-isa para kumita naman kahit isang gabi lang.

“Umm...” panimula ko sabay galaw ng string ng guitar at nagsimula nang kumanta.

“You and I
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide
So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes"”

Habang kinakanta ko ito, bumabalik sa aking isipan 'yung past namin ni Steph. Simula noong una kaming nagkita sa daan, nagkatitigan, naging magkaibigan, at hanggang sa sinagot niya ako.

Pumasok rin sa aking isipan 'yung una naming date as a couple, ang saya saya namin that time we've been playing, watching, eating and seeing the sunset together.

Lahat 'yun bumabalik sa akin at hindi ko naman namamalayan na may tumulo na luha sa aking mata. Ang ganda kase ng pahiwatig ng kanta sa akin parang natatamaan ako.

“Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm”

Lahat 'yun namimiss ko ngunit ngayon madami na nagbago. Hindi ko mapigilan ang aking luhang naglandasan kanina. Namimiss ko 'yung dating kami na masaya pa kahit kami lang 'yung nakakaalam sa relasyon namin. Muli naman ako napatigil sabay punas ng luha at pinagpatuloy ang pagkanta.

“Without you, I'm just a sad song...” kanta ko sa huling chorus.

Dumating naman ang aking tropa na si Ricky at Vince.

“Hays bro, nandito ka lang pala.. kanina ka pa namin hinahanap” saad naman ni Vince.

“Bro, umiyak ka ba?” sambit naman ni Ricky.

“Hindi bro.. napuwing lang ako” pagdadahilan ko naman tsaka tumayo at isinantabi ang guitar.

“Bakit nga pala hindi ka pumasok sa first class natin” sabi naman ni Ricky.

“Ayokong pumsok tinatamad akong makinig kaya natulog ako kanina” saad ko naman tapos naupo.

“Balita ko may magaganap na activities next week plus my tour sabi ni Mrs. Santos. Tapos madami pang bawal dalhin” sabi ni Ricky.

“Pero, seryoso bro... bakit ka umiyak” sambit niya muli sabay upo.

“Wala lang, naalala ko lang 'yung past namin ni Steph kanina habang nagrerehearse ako” saad ko naman sabay tingin sa malayo.

“Bro, matagal na 'yun.. past is past bro.. tsaka alam ko hindi na siya babalik sayo kase mas closed na sila ng kapatid mo” saad ni Ricky sabay hawak sa balikat ko.

Bigla ko naman naalala kanina 'yung nangyari doon sa tambayan. Nakita ko kung paano ipinagtanggol ni Ken si Steph. Kung sakali man magkagusto si Steph kay Ken hindi ko alam kung anong gagawin ko o magagawa ko kapag nangyari 'yun.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon