CHAPTER 31

1 2 0
                                    

Bryan's POV

Nandito pa rin ako sa counter umiinom mag isa at bigla naman bumalik sa aking isip 'yung babae kanina na si Kylie. Masasabi kong maganda siya at mistisya. Hindi ko siya naalala agad kanina kase ngayon lang siya nagpakilala.

Ngunit hindi ko alam kung bakit may nangyari pala sa amin noon. Hindi ko lubos akalain na magagawa ko yun at sa random girl pa. Siguro dahil sa kalasingan kaya nagawa namin yung bagay na yun at masasabi kong aksidente lang yun.

Pero ang pinagtataka ko hindi kaya siya yung laging nagpapadala ng unknown messages sa akin. Kinuha ko naman yung telepono ko sa bulsa at agad na tinignan 'yung old messages na sinend niya sa akin. Ilang sandali pa ay totoo nga siya 'yung nagmemessage sa akin dahil sabi niya kanina nagkita kami sa Baguio. So nandoon siya bago kami dumating at sino naman kaya 'yung kasama niya na sinasabi niya. Hayst napaka mysterious naman ng babae na 'yun.

Nilagok ko naman ang aking baso na may alak at nagbasa pa ng nagbasa nang aming convo nang may makita akong isang video. Ang video na ito ay 'yung video na kumakalat noon. Pinanood ko naman ito at blurrd ito kaya hindi makita kung sino 'yung gumawa ng scandal pero bakit sinend niya sa akin ito? May kinalaman ba ito sa akin? O sa amin?

Muli naman ako napatigil at inalala lahat ngunit hindi ko talaga maalala basta ang sabi niya may nangyari sa amin at alam kong isang pagkamamali lang iyon.

"Argh" saad ko dahil sa inis.

Sinearch ko naman ang pangalan niya sa IG at agad ko siyang minessage.

"Pwede ba tayong magkita bukas?" message ko naman sa kanya.

Naghintay naman ako ng ilang oras sa reply niya ngunit wala akong natanggap baka natulog na iyon. Trinay ko naman tawagan siya sa cp number na ginagamit niya sa akin ngunit can not be reached. Kaya naman inopen ko ulit ang IG ko at wala pa rin siyang message.

Naisipan ko naman siyang i-stalk ang account niya ngunit ni isang picture wala siyang upload maliban lang yung nasa profile niya. Napaka mysterious niya talaga pero may itsura siya. Kaya wala na ako magagawa pa kundi maghintay na lang sa reply niya at nagpatuloy sa pag-iinom.

About naman sa paghahanap kay Ken. Hinayaan ko na lang sila na hanapin siya total nandoon naman si Stephanie. Alam ko naman gusto niya si Ken kahit hindi niya sabihin 'yun sa akin. Pero mahal ko siya hanggang ngayon hindi pa rin nawala 'yung pagmamahal ko sa kanya. Siya yung tipo ng babae na gusto ko makasama habangbuhay.

Mahalaga si Stephanie para sa akin dahil iba siya sa lahat ng babae na nakilala ko. Siya 'yung tipo ng babae na minahal ko ng sobra kaya simula noong bumalik siya umaasa ako na mamahalin niya ulit ako pero nagkamali ako kase iba na pala gusto niya.

Makalipas ang ilang oras ay nagpasya na akong umalis ng bar at umuwi sa aking condo.

Stephanie's POV

Sa wakas ay nakarating din kami ng Baguio. Naumagahan na kami ng dating dito. Ilang sandali pa ay gumising na rin ang aming kasamahan.

"Nandito na ba tayo?" tanong naman ni Janice habang kinukuskos ang mata niya.

"Nandito na nga tayo girl.. nakikita ko na ang kagandahan muli ng Baguio" saad naman ni Joyce habang nakatingin sa labas.

"Pre.. uy pre.." panggigising naman ni Vince kay Ricky.

"Um.. uhm.. nandito na ba tayo?" saad naman niya sabay ayos ng upo at damit.

"Oo pre" saad naman muli ni Vince.

"Kaya pala ramdam ko na 'yung lamig" saad ni Ricky sabay haplos sa kanyang braso habang nakatingin sa labas.

"Tara na labas na tayo" saad ko naman sa kanila.

"Tara na! Tara na!" saad naman ni Joyce at binuksan na ang pinto ng kotse.

Lumabas naman kaming lahat at pumunta naman kami sa isang food chain para kumain dahil ilang oras hindi kami kumain.

Nang makarating kami dito ay naghanap kami ng mapwepwestuhan at napili namin ang pinakadulo malapit sa counter.

"Dito ba kayo nagpunta noong naganap ang school tour activity?" bigla naman na tanong ni Ricky.

"Ah oo dito nga.. kayo saan kayo nagtour?" saad naman ni Janice.

"Dito din pero nadestino kami sa Benguet" saad naman ni Vince habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos kami. Ilang minuto lang ay nagsimula na kaming hanapin si Ken kung saan-saan.

Nagpunta kami sa mga bar, parks, streets, at mall. Ngunit hindi namin siya mahanap kaya naman nagtambay muna kami sa isang park malapit sa mall.

"Hayy.. nakakapagod naman" saad ni Ricky habang nagpupunas ng pawis niya.

"Nasaan na ba kase si Ken... tignan mo nga ulit sa GPS mo girl" pag-uutos naman ni Janice sa akin.

Tinignan ko naman muli ang aking GPS ngunit nawala ito. Ibig sabihin naka off ang kanyang telepono kaya hindi namin siya malocate.

"Wala eh.. naka off ang cellphone niya" malungkot naman na saad ko.

"Nasaan na kaya siya, sana okay lang siya" saad ko naman sa aking isip habang nakatingin sa malayo.

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan muna namin manatili dito baka kase dito siya maglakad just in case. Kaya naman ang ginawa namin ay naupo lang kami at nilibot namin ang aming paningin sa paligid. Samantala, sila Janice at Joyce naman ay busy sa kanilang cellphone.

"What if.. maglakad na lang tayo ulit baka sakaling makita natin siya" suggest naman ni Ricky.

"Oo nga naman Stephanie para hindi masayang 'yung oras natin kakahintay kay Ken" saad din ni Vince.

"Sige.. tara na" saad ko naman sabay tayo.

Nagsimula kami maglakad muli dito sa park habang nililibot ang aming paningin sa palagid nang dumako ang aking paningin sa isang taong nakaupo sa isang bench malapit sa street habang nakapokus ang kanyang tingin sa kanyang cellphone.

Malakas ang aking pakiramdam na nakita ko na si Ken dahil nakita ko ang kanyang suot na jacket at scarf dahil iyon ang ginamit niya noong nagbyahe kami.

"Si Ken na yata 'yun" bulong ko naman pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan niya.

"Hoy, Steph!" rinig ko na sigaw ni Janice habang tumatakbo ako.

"Stephh!!" sigaw din ng tatlo sabay takbo.

Sumunod naman sila sa akin hanggang sa nakarating kami sa kinaroroonan niya. Pagkarating namin doon ay naglakad na kami habang hinihingal pagkatapos ay tinawag ko siya.

"Ken!" tawag ko sa kanya at nagulat naman ako nung tumingin na siya.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon