CHAPTER 32

1 2 0
                                    

Still Stephanie's POV

"Ken!" tawag ko sa kanya at nagulat naman ako nung tumingin na siya.

"Ako ba tinatawag niyong Ken?" tanong naman ng isang ginoo na nakaupo sabay turo sa kanyang sarili.

"Ahm sorry po sir.. ang akala po namin is ikaw yung kaibigan namin na si Ken dahil magkasame kayo ng suot" paghingi ko ng sorry sa isang ginoo.

"Ah okay sige" saad naman ng ginoo.

"Sorry po ulit pasensyana po" saad din ni Janice.

Wala na nga kami nagawa pa kundi humingi na lang ng sorry sa taong yun kase pinagkamalan namin na siya si Ken. Hayst nakakahiya naman yun.

Tumalikod na kami lahat at maglalakad pa sana kami nang biglang lumitaw si Ken sa harap namin kaya naman nagulat ako.

Ken's POV

Nandito ako ngayon sa park malapit sa mall nagmamasid sa paligid nang may umagaw sa aking pansin. May nakita akong isang grupo sa hindi kalayuan sa akin para bang may hinahanap sila or may hinihintay sila dahil sa curiosity ko nilapitan ko sila at nang makalapit ako sa kanila ay doon ko narealize na sila Steph pala yun kasama ang dalawang kaibigan ni kuya Bryan pero bakit wala si kuya sa kanila. Kaya naman agad ako nagtago sa isang puno malapit sa kanila habang pinagmamasdan sila.

Habang pinagmamasdan ko sila, bigla naman pumasok sa aking isip kung bakit nandito sila sa Baguio at napansin kong naka school uniform pa sila.

"Hindi kaya hinanap nila ako?" tanong ko naman sa aking sarili.

Makalipas ang ilang sandali pa ay tumayo na silang lahat at nagsimula silang maglakad ulit. Kaya naman nagtago pa ako para hindi nila ako makita hanggang sa tumigil sila sa kinaroroonan ko.

Naisipan ko naman sila tignan ng konti at agad ko naman napansin si Steph dahil may tinitignan siya at ganun din ang iba nililibot nila ang kanilang paningin sa paligid. Confirm nga ako ang hinahanap nila dahil narinig ko ang aking pangalan mula sa kanila nang makarating sila sa isang taong nakaupo doon sa kinauupuan ko kanina.

Agad naman ako lumipat ng ibang puno para marinig ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko aakalain na kahit isang araw lang ako nawala hinanap na nila ako. Ganun ba talaga pag importante ka sa isang tao.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ako sa puno na pinagtataguan ko at pumunta sa likod nila habang kinakausap yung isang lalake na kahawig ng suot ko. Pagkatapos ay tumalikod na sila at bigla naman nagulat sa akin si Steph.

"K-Ken?" saad niya naman.

Tinignan ko lang siya pati mga kasama niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Nandito kami para hanapin ka Ken" saad naman ni Janice.

"Nag-aalala kase kuya Bryan mo sayo kaya naisipan namin na hanapin ka kase hindi ka pumasok ng school" saad naman ni Ricky.

"Ano bang ginawa mo dito?" tanong naman ni Joyce sa akin.

Hindi naman ako agad nakasagot at nagbuntong-hininga na lang ako.

"Uhm.. nandito ako kase may kinausap akong isang tao na malapit sa akin" saad ko naman sa kanila pagkatapos ay tinignan ko naman si Steph.

Iba ang tingin niya sa akin kumbaga gusto niya akong kausapin ngunit natikom siya.

"Yun naman pala eh bakit hindi ka nagpaalam sa kuya mo at sa yaya niyo. Hindi mo ba alam nag-aalala sayo ang kuya mo kahapon" saad naman muli ni Ricky.

"Kung nag-aalala siya sa akin bakit hindi siya sumama sa inyo" saad ko naman sa kanila.

"Hindi namin alam.. hindi namin siya macontact simula noong nagpunta kami dito" saad naman ni Vince.

"Ikaw Steph wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong ko naman sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. Nakita ko naman na nagulat sila sa ginawa ni Steph sa akin at ilang sandali pa ay umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at nagkatinginan kami.

Ngayon ko lang narealize na iba yung nararamdaman ko sa kanya. Iba yung tingin niya sa akin nakakaakit pagmasdan. Bumibilis ang tibok ng aking puso ngayon. Kaya naman napalunok na lang ako at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

"Sorry Ken" biglang saad niya sa akin.

"Sorry kung hindi kita pinansin noong nandito tayo sa Baguio pagkatapos nang friendly date natin" dagdag niya pa.

"Steph.. alam ko ang reason mo kaya mo ako iniiwasan.. hindi mo din ako masisi kung bakit ka umiiwas sa akin.. dahil alam kong..." saad ko naman at agad naman ako napatigil sa pagsasalita.

"Ahh nevermind basta ang mahalaga nahanap niyo ko" saad ko na lang pagkatapos ay binalin ko sa iba ang aking tingin.

Muli naman natahimik ang paligid ng ilang segundo. Pagkatapos ay nagsalita naman si Janice.

"Guys.. total nahanap na natin si Ken baka pwede na tayo umuwi kase nakakahiya sa mga tao naka school uniform pa tayo" nahihiyang saad naman ni Janice habang nakatingin sa mga taong naglalakad.

Pansin ko rin kanina pa yan pero hinayaan ko na lang. Nauna na akong naglakad at sinundan naman nila ako. Habang naglalakad kami ay bigla naman kami nagkatinginan ni Steph pero umiwas din siya.

"Haayyyss" buntong-hininga naman ni Ricky.

"Ano ba yan Ricky ang lakas mo naman magbuntong-hininga" reklamo naman ni Janice kay Ricky.

"Ay sorry sorry hehehe" saad naman ni Ricky.

"Huy.. bakit ang tahimik mo" rinig ko naman na saad ni Janice kay Steph.

"Ah wala lang" saad na lang ni Steph.

"Ahm guys.. kumain na ba kayo?" tanong ko naman sa kanila.

"Hindi pa eh.. bakit ililibre mo ba kami?" agad na saad naman ni Vince.

"Oo sana" saad ko naman sa kanya.

"Ayunn hahaha" tuwang saad ni Vince.

Pumunta naman kami sa isang restaurant at nag order na kami. Ilang minuto lang ay dumating na din at ngayon ay kumakain na kami.

"Ah Steph paabot nga nung sabaw" saad ko naman sa kanya.

Kinuha naman niya ito at sa hindi ko inaasahan nahawakan ko ang kamay niya at biglang may naramdaman akong spark mula sa aking katawan sabay nagkatinginan naman kami.

"Ehem" pag-uubo naman ni Ricky.

Inalis naman ni Steph ang kamay niya at bumalik sa pagkain. Ako naman ay kumuha ng sabaw pagkatapos ay binalik ko rin sa dati. Hindi ko namalayan na nakatingin pala silang lahat sa amin ni Steph.

"Oh anong tingin yan" saad ko sa kanila.

"Something fishy kase Ken" saad naman ni Joyce.

"Ah wala yun Ken.. huwag mo na lang isipin yung sinabi Joyce kumain na lang tayo" saad naman ni Janice at nagsikainan na kami.

Makalipas ang isang oras ay natapos na kami at umalis na sa restaurant. Ngayon ay patungo kami sa kotse ni Ricky dahil uuwi na kami ng Manila.

"Kasya ba tayo dyan Ricky?" tanong naman ni Janice.

"Ilan ba tayo.. anim tayo siguro kasya na yan doon na lang sa harap si Ken tabi ni Vince total maliit lang naman si Vince" saad naman ni Ricky at nagawa pang magbiro.

"Aba gago ka bro ah" saad naman ni Vince.

"Stop.. nagbibiro lang si Ricky" saad naman ni Steph.

Pumasok na kami lahat sa kotse at pinaharurot na ito ni Ricky paalis.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon