CHAPTER 35

2 2 0
                                    

Ken's POV

Nandito na ako sa bahay at nasa kwarto ako ngayon. Hindi mawala sa aking isip ang nangyari kanina na hinalikan ko si Steph. Hindi ko talaga napigilan yun siguro dahil sa kasabikan kaya ko nagawa yun.

Naisipan ko naman na tawagan si kuya para kamustahin siya. Ngunit can not be reached kaya tinext ko na lang siya. Makalipas ang ilang minuto ay nagreply na siya at ako na lang daw pupunta sa address na sinabi niya kaya naman agad na akong nagpunta doon.

Nang makarating ako dito sa bar na sinabi niya ay hinanap ko naman siya. Naglakad ako habang nililibot ko ang aking paningin. At sa wakas ay nahanap ko rin siya dahil nasa counter siya umiinom mag-isa.

"Bakit dito mo naisipan na makipagkita sa akin kuya" bungad ko naman sa kanya pagkatapos ay naupo ako sa tabi niya.

"Kamusta ka naman kuya" dagdag ko pa habang tinitignan siya.

Tahimik lang ito habang umiinom siguro kanina pa ito nandito. Ngayon ko lang siya nakita na umiinom ng ganitong aga. Siguro may problema siya kaya naisipan niya maglasing.

"May problema ka ba kuya?" tanong ko naman sa kanya.

Bigla naman siya tumigil sa pag-inom at tinignan ako ng ilang sandali.

"Meron... ang hirap ipaliwanag.. hindi ko alam ang aking gagawin" saad naman niya.

Ako naman ay kumirot ang aking noo at biglang napaisip.

"Ano bang problema mo kuya bakit parang ang hirap intindihin?" tanong ko muli.

"Nagkaanak ako Ken sa ibang babae" biglang saad naman niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita.

"A-ano?!" saad ko na lang.

"Pa-paano nangyari yun? Kilala mo ba yung nabuntis mo?" gulat na tanong ko sa kanya habang siya ay inom parin ng inom.

"Oo kilala ko siya.. nagkakilala kami dito sa bar na ito. Dito may nangyari sa amin" saad niya naman.

Hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni kuya ngayon napakaexplosibo lahat.

"Alam na ba ito ni Steph?" saad ko naman.

"Hindi pa.. hindi ko pa nasasabi pero hahayaan ko na lang siya... dahil alam ko ikaw ang gusto niya" saad niya naman habang nakatingin sa akin.

Natikom naman ang bibig ko doon sa sinabi niya dahil parang totoo naman at gusto ko din si Steph.

"So tinanggap mo na ba yung bata?" tanong ko naman sa kanya para maiba naman yung topic.

"Oo syempre anak ko yun at bibigyan ko yun ng suporta" saad naman ni kuya.

Kung sabagay mas okay na rin yun kay kuya para makapagpokus siya sa anak niya.

"Pero kuya may sasabihin pala ako sayo..." panimula ko naman.

"Sa totoo niyan mahal ko si Steph... late ko rin na realize yun kase nasa isip ko noon si Nicole at naging manhid ako sa feelings ni Steph para sa akin" lintanya ko naman sa kanya.

Tinignan naman niya ako at pagkatapos ay tumingin sa harap ng bar tender.

"Tama nga ako.. tama lahat ng hinala ko sa kanya" saad niya sabay tingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin kuya?" tanong ko naman sa kanya.

"Noon palang.. alam ko na gusto ka niya at gusto mo rin siya.. kaya nga ako gumagawa ng paraan para bumalik siya sa akin pero ayaw na niya talaga sa akin" saad naman niya pagkatapos ay uminom ulit.

"Kase alam kong bagay kayong dalawa simula palang noong una.. minahal ko siya higit sa buhay ko Ken.. binigay ko lahat sa kanya pero dahil sa daddy niya pinaghiwalay kami" saad niya naman habang naiiyak na.

"Pero dahil sabi mo gusto mo siya at gusto ka niya.. ipapaubaya ko na siya sayo.. alagaan mo siya.. mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa kanya" dagdag niya pa sabay hawak sa aking balikat.

Alam ko nasasaktan si kuya ngayon dahil sinabi ko sa kanya ang totoo pero mas natuwa ako noong hindi siya nagalit sa akin at pinaubaya ako kay Steph.

"Pangako kuya aalagaan ko si Steph, mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya" saad ko naman sabay hawak sa braso niya.

Nagpist bomb naman kaming dalawa sign namin dalawa ito pag nagkakabati na kaming dalawa.

Kylie's POV

Nandito ako ngayon sa cafe malapit sa condo ko. Naisipan ko naman na kausapin si Steph para makahingi ng tawad sa chinat ko sa kanya noon. Kagabi naisipan ko siyang ichat at nagpakilala naman ako pero okay naman siya mukhang mabait dahil hindi niya ako pinagsalitaan ng masama.

Makalipas ng ilang sandali ay dumating na siya. Hinanap naman niya ako at ako naman ay kumaway para manotice ako. Agad naman siya lumapit sa kinaroroonan ko at naupo sa harap ko.

"Ako nga pala si Kylie.. ako yung nagchat sayo kagabi na humingi ng sorry" saad ko naman sabay abot ng kamay ko.

"Stephanie" saad naman niya sabay shakehands.

"Uhm.. gusto mo ba mag order?" tanong ko naman sa kanya.

"No thanks hindi naman ako magtatagal" saad niya naman.

"Ahh okay sige" nasaad ko na lang.

Tumahimik naman kami ng ilang sandali bago ako nagsalita.

"Uhmm.. kaya pala kita gusto makausap kase gusto kong formal na humingi na sorry sa sinabi ko sayo noon sa sinabi  ko sayo sa IG mo.. ako pala yung nagmessage sayo noon.. ako yung unknown na nagmessage sayo kaya gusto ko humingi ng sorry doon" saad ko naman sabay baba ng aking ulo.

"Alam ko ang sinasabi mo pero sino yung tinutukoy mo na mahal mo?" tanong naman niya sa akin.

"Ahh.. ahh.. si Bryan" saad ko naman sa kanya.

"Si Bryan?" bigla namang tanong niya sa akin.

"Uhmm" nodded ko naman.

"Kaya pala ganun ka makapagsalita sa akin noon sa chat dahil gusto mo pala si Bryan" saad naman niya sabay ayos ng upo.

"Para sabihin ko sayo miss Kylie.. naging ex ko siya at matagal nang wala kami kahit gusto niya akong balikan pero hindi na ako pumayag dahil may iba na akong nagugustuhan" lintanya naman niya sa akin.

Napatingin na lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun sa akin. Alam ko naman na ex niya si Bryan kaya hindi na ako magugulat doon.

"Alam mo miss Kylie kung gusto mo si Bryan.. go for him.. alam ko naman na magugustuhan ka niya kase mga gaya mo ang tipo niya" saad niya pa sa akin.

"Kung mahal mo siya.. gawin mo lahat para mahalin ka pabalik.. hindi naman siya mahirap mahalin.. kaya ang masasabi ko lang ay ipapaubaya ko na sayo si Bryan dahil hindi ko na siya mahal dahil may iba na akong gusto" dagdag niya pa sabay hawak sa aking kamay.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at ngumiti din siya sa akin. Tama nga sila mabait nga siya.

"Thank you, Stephanie" pasasalamat ko na lang sa kanya pagkatapos ay tumayo ako at pumunta sa harap niya at niyakap siya.

Pagkatapos ng yakapan namin ay nagpaalam na siyang umalis dahil may aasikasuhin pa daw siya kaya hinayaan ko na lang siya na makaalis ng tuluyan.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon