CHAPTER 30

1 2 0
                                    

Stephanie's POV

Nagising naman ako dahil nakaramdaman ako ng panlalamig sa katawan ko. Kaya naman napahawak na lang ako sa aking braso. Tinignan ko naman ang mga kasama ko at ayun tulog pa rin sila maliban lang kay Ricky na gising pa dahil siya yung nagdridrive at nakita ko naman na humihikab siya.

"Aaahhh!" hikab niya sabay tinakpan ang bibig niya.

"Inaantok ka na yata, Ricky" biglang saad ko naman sa kanya dahilan para tumingin siya sa mirror.

"Gising ka na pala, Steph" saad naman niya sabay drive.

"Oo nga eh.. pero okay lang malapit na tayo makarating doon" saad niya habang nagmamaneho.

"Gisingin mo kaya si Vince para siya naman magmaneho" utos ko naman sa kanya.

"Hoy pre" saad niya sabay kalbit sa braso niya.

"Pre.. gising" pagpapatuloy pa niya sabay kalbit.

"Hmm.. hmm" ungol ni Vince.

"Ano ba 'yun.. woah nilalamig ako" saad niya pa sabay ayos ng upo.

"Ay sorry nalakasan ko pala 'yung aircon.. naiinitan kase ako kanina" saad naman ni Ricky.

"Kaya pala ako nakaramdam ng lamig kanina akala ko nasa Baguio na kami" saad ko naman sa aking isip tsaka hinawakan ang aking braso.

"Patayin mo nga pre.. ang lamig eh" reklamo naman ni Vince.

Pinatay naman ni Ricky ang aircon at hininto niya 'yung kotse at nagtanggal ng seat belt.

"Oh bakit ka huminto pre" saad ni Vince.

"Ikaw naman magdrive pre.. kanina pa kase ako inaantok" saad naman ni Ricky.

Pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto at ganun din si Vince. Nagpalitan na sila ng pwesto at ngayon ay okay na at pinagpatuloy na ang aming byahe patungo sa Mines View Park.

Habang nasa byahe ay naisipan ko naman mag open ng IG ko at nakita kong may isang unknown message ang dumating sa akin at binasa ko naman ito.

"Hi gusto ko lang sabihin sayo na layuan mo ang taong mahal ko dahil akin lang siya" pagbabasa ko sa aking isip.

Bigla naman ako napatingin sa harap at nagtaka naman ako kung sino 'yung tinutukoy niya na mahal niya kaya naman nireplyan ko siya.

"Sino ka ba? Bakit mo ako kilala?" reply ko naman sa kanya.

"Hindi mo talaga ako kilala dahil hindi pa ako nagpapakilala" reply niya pa.

"Kung sino ka man.. wala akong alam sa taong mahal mo at hindi kita kilala" reply ko ulit.

"Wow nagpapakainosente ka naman" reply ni unknown girl.

Hindi na ako nakapagreply sa unknown na 'yun kase hindi ko naman siya kilala at isa pa hindi ko kilala kung sino 'yung tinutukoy niya.

Kaya ang ginawa ko na lang ay tinignan ko ang GPS at ngayon ay nawala si Ken doon sa Mines View Park.

"Wala na si Ken sa Mines View Park" saad ko naman kay Vince.

"Ano?" saad naman ni Vince.

"Paano nangyari 'yun?" dagdag niya pa.

"Baka pumunta siya sa ibang lugar" saad ko naman.

"Trace mo ulit" pag uutos naman niya sa akin ni Vince.

Kaya naman trinace ko ulit si Ken at ilang sandali pa ay nahanap ko din siya. Ngayon ay nasa isang restaurant siya sa Baguio.

"Nahanap ko siya ulit.. nasa isang restaurant siya" pagbabalita ko naman kay Vince.

"Sige" saad niya pa at pinahaharut ng mabilis nag kotse ni Ricky.

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon