CHAPTER 6

3 2 0
                                    

Bryan's POV

Ngayong araw na gaganapin ang battle of the band. Nandito kami ngayon sa dressing room para mag-ayos. Ilang oras na lang kase magsisimula na kaya nag-ayos na kami. Bumukas naman ang pinto at niluwa nito si Stephqnie kasama mga kaibigan niya buti naman at pumunta siya. Nilapitan ko naman siya at kinuha 'yung dala niya at isinantabi sa mesa.

“Salamat sa dala mo, Steph” ngiting sabi ko naman.

“Wala 'yun, advance treat ko sa inyo. Sana manalo kayo mamaya” ngiting saad niya din.

“Ah, sana nga manalo kami” sabi ko naman sabay hawak sa batok ko kase natutula ako kanina kase iba yung ngiti niya nakakatunaw.

Bumalik na ako sa harap ng salamin at inayos muli ang aking buhok at damit. Ilang minuto na lang magsisimula na ang battle.

Stephanie's POV

Naupo naman kami dito sa gilid nila Janice at Joyce habang pinagmamasdan ko si Bryan habang nag-aayos gayundin sa kanyang kasamahan. Wala pa rin talaga siyang pinagbago siya pa din yung Bryan na nakilala ko na chix boy. Habang pinagmamasdan ko sila kinausap naman ako ni Janice at Joyce.

“Hey girl, masyado mo naman tinititigan si Bryan. Huwag mong sabihin may feelings ka pa din sa kanya” pagbibiro naman ni Janice sabay inom ng milktea.

“Oo nga kanina ka pa namin tinitignan” saad din ni Joyce.

“Ano ba kayo girls.. syempre hindi lang naman siya 'yung tinitignan ko silang lahat at 'yung feelings-feelings na 'yan, WALA NA” saad ko naman sa kanila pagkatapos ay nagcross arms.

“Sige, sabi mo 'yan ah” saad naman ni Janice ulit.

Pumasok naman ang organizer at sinabing magsisimula na ang show kaya naman nagsilabasan na sila at sumunod naman kami. Umupo kami dito sa pinakagitna para makita namin silang magperform ng maayos.

Nagsimula na ang show at lahat sila ay isa-isang nagperform. May kumanta ng love, rock at opm. Ang susunod na magpeperform ay sila Bryan na.

“Mic test” pagtesting ni Bryan sa microphone.

Nag start sila sa pagtugtog ng instruments at doon na kumanta si Bryan. Pinanood lang namin sila habang nagpeperform hanggang sa natapos sila. Ngunit biglang nagsalita si Bryan sa mga tao.

“Hindi pa tapos ang aming performance may isa pa kaming kanta na matatagos sa inyong mga puso. Isang kanta na para sa mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana” saad niya pagkatapos ay nagsimula ulit sila nagpatugtog.

Kinanta niya 'yung song na hindi tayo pwede by juans. Habang kinakanta niya 'yun tinitignan ko siya at feel na feel niya 'yung kanta hanggang sa natapos niya ito.

“Hindi tayo pwede...” huling kanta niya at tumingin sa akin.

Napuno naman ng hiyawan at palakpakan ang buong studio dahil sa kinanta niya. Tama siya tagos nga sa puso 'yun at parang natamaan ako doon kase pinagtagpo kami ni Bryan pero hindi tinadhana at ramdam ko 'yun kanina.

Pagkatapos ng performance ng lahat ay ngayon na malalaman kung sino ang winner sa kanila. Dumating na ang host at sinabi ang nanalo sa battle.

“And the winner is!!.... THE SCALP BAND!!!” announced naman ng host.

Sobrang tuwang-tuwa naman ang grupo nila Bryan dahil sila ang nanalo ang iba naman ay may matatanggap na consolation prize. Sobrang proud na proud ako sa kanila dahil pinaghandaan talaga nila ang battle.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon