CHAPTER 27

2 2 0
                                    

Ken's POV

Nang makauwi kaming lahat dito sa hotel ay nagderetso na kami sa kanya-kanya naming room.

"Haaayyy" buntong-hininga naman ng kasama ko.

Ako naman ay tahimik na nakahiga sabay patong ng isa kong kamay sa aking ulo sabay tumingin sa kisame at muli ko naman naisip si Steph. Hanggang ngayon pa rin kase iniiwasan niya ako.

Bigla naman ako napaupo at inalala ang mga panahon na okay pa kami.

Mula noong nakilala ko siya at naging closes friend.

FLASHBACK

“Hi. Your name is Ken, right?” sabi ng isang babae kasama ang kanyang dalawang kaibigan.

“Yes, how did you know me?” tanong ko naman.

“Well, I'm your one of your fan. Hindi ba kasama mo yung kuya mo sa banda?” tanong naman niya. 

“Oo, kasama ko si kuya. So, what is your name?” tanong ko din.

“Stephanie but you can called me Steph for short” pakilala niya sabay abot sa akin ng kamay niya for shakehands.

“Nice to meet you, Steph...” saad ko naman sabay shakehands.

“So see you later Ken, bye” sabi niya at umalis na.

END OF FLASHBACK

Noong time na muntik na siya iharass ni kuya Bryan.

FLASHBACK

“KUYA!..... BITIWAN MO SIYA!” sigaw na sambit ko at tuluyan nang nilayo kay kuya.

“Wala kang karapatan para saktan siya!” sigaw ko uli.

END OF FLASHBACK

Noong nagtree planting kami sa school dahil napuwing siya.

FLASHBACK

"Ouch! Ah" rinig ko naman na saad ni Steph.

Tinignan ko naman siya at nakita kong may dumapo sa kanyang mata kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari?" saad ko naman sabay naupo sa harap niya.

"Ah wala napuwing lang ako may dumapo kase na lupa sa mata ko kaya na ano ako" saad naman niya at pinipilit na tanggalin yung dumapo sa mata niya.

"Halika tanggalin natin" saad ko naman sabay pinagpag muna 'yung kamay ko tsaka hinawakan ang mata niya.

"Huwag na Ken baka ano na naman masabi ng iba dyan" saad naman niya sabay tumingin sa likuran namin.

"Hayaan mo sila, ang mahalaga matanggal 'yang nasa mata mo" sabi ko pa at hinawakan ang mata nito.

Sinimulan ko nang iblow ang mata niya ng tatlong beses hanggang sa natanggal ito.

"Ano okay na ba?" tanong ko naman nang matanggal ito.

"Ah oo.. salamat Ken" nakangiting sambit niya sabay punas sa mata nito.

END OF FLASHBACK

Noong nasa byahe kami iba noon 'yung naramdaman ko sa kanya. Bumilis bigla ang aking puso ng mga oras na iyon.

At ngayon naman dito sa Baguio, noong time na nagkatinginan kami sa Burnham Park pagkatapos ng planting.

FLASHBACK

Tinignan ko naman siya at this time sabay na kaming nagkatinginan. I feel like something fluttered inside me and hindi ko maiwasan na alisin ang tingin ko sa kanya. Ilang segundo kami nagkatitigan at ngayon ay ako na ang umiwas.

“Uhm, magccr lang ako” sabi ko at tumungo sa comfort room.

END OF FLASHBACK

Muli naman ako napangiti doon dahil first time namin iyon halos pumula nga pisngi niya noon.

"Hay" buntong-hininga ko at bigla ako napangiti doon.

Ngunit biglang nagbago ang lahat noong nagkaroon kami ng friendly date simula ng nangyari 'yun ay naging cold na siya sa akin.

Kaya naman muli ko binalikan ang lahat ng nangyari sa amin ni Stephanie at pinagtagpo-tagpo lahat ng senaryos sa aking isip. At makalipas ang ilang minuto ay bigla akong napangiti ng walang dahilan.

"Ngayon ay alam ko na kung bakit ka umiiwas sa akin, Steph" saad ko sa aking isip sabay hilamos sa aking mukha. 

"Bro, alam ko nasa isip mo" saad naman ng kasama ko pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

"Iniisip mo siguro si Stephanie" dagdag pa niya.

"Oo bro, hindi kase mawala sa isip ko yung pagiging cold niya sa akin at pag-iiwas" saad ko naman.

"Hindi mo ba napapansin bro. Paano kung gusto ka niya kaya siya umiiwas sayo. Noon pa man bro napapansin ko na malapit kayo sa isa't isa tapos may chemistry pa kaya sabi ng mga classmate natin bagay kayo" lintanya niya pa.

"Talaga ba?" paninigurado ko naman sabay tingin sa kanya.

"Oo naman bro ganun talaga pagmahal ka ng isang tao. Sa mga galaw niya at sa pinapakita niya sayo.. tsaka wala naman masama kung mahalin mo si Stephanie kase single naman siya at single ka kaya may chance na maging kayo" saad niya pa sabay hawak sa aking balikat.

"Kaya kung ako sayo bro umamin ka na kay Stephanie dahil baka maunahan ka pa ng iba" dagdag niya pa sabay alis sa aking kama.

Ako naman ay napatingin sa kanya at umiwas din dahil alam ko ang sinasabi niya. Kaya pala siya umiiwas sa akin kase may something sa kanya.

Tama siya dapat ngayon palang aamin na ako sa nararamdaman ko kay Stephanie baka mahuli pa ako. Sa totoo lang may nararamdaman na rin ako kay Stephanie. Ngunit ayoko muna umamin ngayon baka mabigla siya.

Tumayo naman ako at kinuha ang aking bag para ayusin ang aking mga gamit dahil bukas uuwi na kami at back to normal na naman sa monday.

Pero bago yun nilabas ko muna ang aking cellphone at chinat siya.

"Goodnight" chat ko sa kanya pagkatapos ay tinapon ko sa kama ang aking cellphone.

Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos at ganun din ang aking kasama.

Stephanie's POV

Nakahiga na ako ngayon habang nanonood sa aking cellphone nang makatanggap ako ng chat kay Ken.

"Goodnight" chat niya.

Rereplyan ko sana siya kaso naisip ko na iniiwasan ko pala siya kaya hinayaan ko na lang at nawalan na din ako ng gana manood kaya pinatay ko na aking cellphone at natulog na lang.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon