CHAPTER 15

1 2 0
                                    

Kenneth's POV

Nandito kami ulit sa canteen dahil tapos na ang aming class pero maya-maya lang ay uuwi na din kami. Kaya ngayon naisipan muna namin tumambay dito sa canteen para magsnack. Dalawa naman kami ni Steph ang naiwan dito sa table habang hinihintay sila Joyce at Janice kase sila 'yung bumili ng pang snacks namin. Habang hinintay namin sila ay naglalaro naman ako ng ml samantala si Steph ay nanonood naman.

“Ang tagal naman nila.. kanina pa sila doon” sabi naman ni Steph.

“Baka madami lang bumibili kaya matagal sila” saad ko naman habang naglalaro.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig ko naman si Steph na bumulyaw.

“Ano?!” gulat naman na sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

Napatigil naman ako at pinansin siya kase hindi ko alam kung anong meron sa kanyang phone.

“Ano ba 'yan?” tanong ko naman.

Pinakita niya sa akin ang isang picture. Nagulat din ako sa aking nakita at muli kaming nagkatinginan ni Steph.

“Anong meron? Bakit gulat na gulat kayo?” biglang saad naman ni Janice sabay bigay 'yung snack namin.

Hindi naman namin namalayan na dumating na pala sila. Umayos naman ako ng upo sabay bukas ng coke.

“May nakita kase kaming isang picture na kumakalat ngayon kaya nagulat kami” saad ko naman sa kanila.

“Sino kaya nagpost sa scandal na picture na kumakalat sa instagram ngayon” saad naman ni Steph sabay baba ng phone niya.

“Patingin nga” saad naman ni Janice sabay kuha ng phone ni Steph at tinignan ito.

“Omg! Who's this guy at 'yung girl?” saad naman niya pa at  napatingin din si Joyce at ganun din ang kanyang reaction.

“Blurrd naman 'yung mukha ng tao na yun. Sino kaya 'yun?” saad naman ni Joyce sabay inom ng coke.

“Ngayon lang 'yan pinost means baka kagagawa lang nila 'yan or matagal na pero ngayon lang in upload” saad ko naman pagkatapos ay kinain 'yung piatos.

Pinatay naman ni Steph 'yung phone niya tsaka kinain 'yung snack niya. Ilang sandali pa ay nakita ko naman si kuya kasama mga tropa niya. Tumingin lang sila dito sa direction namin. Yayain ko sana kaso naglakad na sila papunta sa counter para bumili pagkatapos ay umalis na din sila.

Bryan's POV

Ang swerte ng kapatid ko may mga kaibigan na siya agad kaso mga babae nga lang. Sabagay mas okay na 'yun para hindi siya maging pasaway gaya ko. Simula noong dumating siya dito umiiwas na ako sa gulo para naman wala siyang masabi sa akin. Alam kase niyang basagulero ako since we when in high school. Pagkatapos ko silang tignan kanina dumeretso na kami sa counter para bumili pagkatapos ay umalis na kami.

Ngayon nandito kami sa tambayan. Naisipan namin na dito muna kami habang maaga pa. Naisipan ko naman na mag open ng IG ko. Bungad naman ang isang malabong litrato at hindi ko alam kung anong meron dito. Pagkatapos ko itong tinignan ay may nagchat naman sa akin dito. Binasa ko naman ito at biglang napaisip.

“Did you know me?” 'yan 'yung nasa chat niya.

“Bro.. bro..” sambit naman ni Vince tsaka niya ako kinabig.

“Ah ah.. ano yun?” saad ko naman.

Nalutang ako sa kakaisip doon sa nagchat sa akin. Hindi ko naman siya kilala at wala akong maalala.

“May sakit ka ba bro?” sabi niya sabay hinawakan 'yung noo ko.

“Wala naman pero bakit lutang ka bro?” sambit niya muli.

“Ah, wala dami ko lang iniisip kaya nalulutang ako” saad ko naman sa kanya pagkatapos ay kinain 'yung nova tas uminom.

“Malalaman ko rin kung sino kang babae ka” saad ko sa aking isip habang tinignan muli ang kanyang chat.

To be continue....

The Shin Brothers : In Love With A Same Girl [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon