Chapter 1

94 10 2
                                    

Chapter 1: Carl Silvers

Ingay mula sa pag-iyak ang naririnig ng isang binata habang pilit na sinusubukang imulat ang kaniyang mga mata ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi niya iyon magawa dahil patuloy pa din sa pag-pasok ng ala-ala mula kung kanino ang tumatatak sa kaniyang isipan hindi niya matukoy kung ano ba ang nangyayari.

"Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising." Di na mapigilan ng ina nito na mapaiyak habang nakatingin sa anak na nakaratay sa isang matigas na higaan. "Kung may pera lamang sana tayo upang makapagpapunta ng kahit isang healer mula sa Saint Sect ay siguradong gagaling ang anak natin agad." Di nila kaya ang bayad kung gagawin nila ito dahil ang sect nila ay hindi naman gaanong sikat at kalakas kumpara sa ibang sect.

"Huwag kang mag-alala gagaling din ang anak natin magtiwala ka lang." Kahit na hindi pa sigurado ay tumango na lamang ang babae sa sinabi ng asawa dahil ayun na lang naman ang magagawa nila sa mga oras na ito. "Bumalik na muna tayo sa ating mga trabaho at ano mang oras ay sasapit na nag dilim at siya ding pagsalakay muli ng mga low rank demons." Sa sinabing iyon ng lalake ay di maiwasan ng lahat ang matakot sa maaaring mangyari sa kanila sa gabing ito.

"Ilan na naman kaya sa ating mga disciples ang mawawala? Higit sa isang daan na lamang ang natitira at ang iba ay umalis o namatay na habang ginagawa ang kanilang mga trabaho."

Napayuko na lamang ang mga ito at dahan dahan na lumakad paalis sa kwarto. Naramdaman ng binatang tumahimik ang paligid at ramdam din niya na unti unti ng gumagaan ang pakiramdam niya at sa mga oras na iyon ay nagawa niyang matanggap ang lahat ng alaala ng binatang may ari ng katawan niya.

Alam niya na din kung paanong nangyari sa binata ang bagay na iyon at walang iba kung hindi dahil sa mga demon beast na kilala sa mga masasamang nilalang na walang ibang nais na gawin kung hindi makapanakit ng iba.

Ilang beses sinibukamnng binata na imulat ang kaniyang mga mata ngunit hindi niya magawa sa kabila nito hindi ito nawalan ng pag-asa at muling sinubukan ito at sa kaniyang huling subok ay doon na tuluyan siyang nagtagumpay at doon niya nakita ang isang maliit na kwarto at doon pa lang ay alam niya na kung ano ang nangyayari dahil na rin sa tulong ng ala-ala ng binatang may ari ng katawamg gamit niya.

"Carl Silvers, aaminin ko hindi ko alam kung magagawa kong tulungan ang pamilya mo. Pero sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko ang lahat upang ibangon ang sect na ito na siyang tirahan ng mga na ngangailangan noon." Di niya maiwasan na magulat ng maramdaman na may tumutulong luha sa kaniyang mga mata at kalaunan ay napangiti na lamang siya dahil alam niyang iyon na ang huling sandali ng may ari ng katawan. Hinintay lamang nito ang kaniyang sasabihin bago tuluyang lisanin ang mundo ng mga buhay.

"Sa earth wala nito ngunit may mga bagay na maaari kong gamitin na maaaring makatulong sa kanila-akin." Dahan dahan niyang sinubukan tumayo at sa makailang ulit ay hindi siya nabigo at agad na lumabas ng kwarto ngunit hindi ito mabilis dahil bawat hakabang niya ay makailang ulit siyang humihinto dahil sa wala pang lakas ang katawan dahil sa mga araw na nakahiga lamang siya.

"Sect Master, bumubukas na ang lagusan." Lahat ay napatingin sa lagusan kung saan doon nila nasaksihan ang isang bagay na hidni nila akalaing makikita nila. "P-paanong nangyari ito? Wala tayong laban sa mga ito, Sect Master." Ito na lamang ang nasabi ng binatang si Jay dahil sa nasaksihang mga demon beast na lumabas.

"Ito ang kauna-unahang beses na nangyari ang bagay na ito. Paanong lahat sila ay foundation Realm?." Di rin maiwasan ng sect master na magulat dahil bukod sa kaniya ay wala ng ibang na sa foundation realm. Napatingin siya sa mga kasama na may pag-aalangan sa mga mata ngunit wala ni isa sa mga ito ang humakbang paalis para tumakbo at iligtas ang sarili. "Sa aking hudyat,tayo ay magsisismula wala tayong ililigtas ni isang buhay sa mga ito. Ano man ang mangyari huwag niyong kakalimutan na tumakbo kung ang buhay niyo ay na sa panganib." Tumango ang mga ito sa sinabi ng sect master bago sila nagsipaghanda. "Shadow Guardian, sugod!!."

Shadow Sect Where stories live. Discover now