Chapter 17: Another Implementation
Agad na nagpatawag ng pagpupulong sila anya matapos makuha ang mga iyon sa mga batang iyon at agad naman na dumating ang mga ito lahat isang oras matapos nilang magapatawag ng pagpupulong. Nagulat pa ang mga ito dahil sa nasaksihang mga napakraming advance golem maging si echo at amy ay nagulat ng mapansin ito ng sila ay dumating at hindi rin nila alam kung bakit sila kasama sa meeting ng sect kahit na magkasunod sila ng mga ito.
"Tungkol saan ang nais ninyong pag-usapan?." Tanomg ni uno na antok na antok pa dahil sobrang aga pa lang ay nabulabog na ang tulog niya ng mga ito. "At ano ang mga bagay na iyon?." Ani pa niya.
"Hayaan ninyong ako ang magsabi mg tungkol sa mga bagay na iyon." Ani ni Kai at agad naman na tumango si uno. "Ang advamce golem na iyon ay ang siyang katatapos lang na gawa ni bea itinuloy niya lang ang naudlot niyang gawa at tinatawag niya ng earth warriors ang mga ito at ang tanging command lang na suaundin nito ay ayon lang sa sasabihin o bilin ni bea na siyang agad na binigyan tayo nito ng pagkakataon upang utusan ang mga ito na para sa sect at kung labag sa sect o sa sarili lamang ay hindi ka nito susundin." Nanlaki ang mga mata ng lahat dahil sa kaniyang sinabi at maging si echo at amy ay nagulat dahil sa sinabi nito, malaking bagay ito para sa kanila ngunit alam nilang hidni maibebenta sa kanila ito.
"Amo pang mga balita ang nais ninyong sabihin sa lahat?." Tanong pa ni uno dahil alam niyang maraming nalaman ang mga ito sa pagpasok palang sa hideout ng mga bata.
"Sa totoo lang may napansin kameng dalawang bagay, una ay ang paglakas ng pangangatawan ng mga royla disciples hindi namin matukoy kung anong klaseng pagsasanay ang ginagawa nila ngunit alam namin na siguadong sobrang hirap nito. Ikalawa ang guardians ng hideout nila ay talagang katakot takot kumpara noon." Di maiwasang kilabitan pa ni luna ng sabihin niya iyon. "At mukhang ngayon ay naghahanda pa ang mga ito sa mas madugong pagsasanay."
"Ano naman amg mga scrolls na iyan?." Agad naman nilang sinabi na lahat ito ay plano na ginawa ng mga ito at sinabi din nila na ipinadala na lang ito dahil hindi na nila alam kung alin sa mga ito ang plano para sa dungeon seeds. "Kung ganoon isa isahin natin buksan ang mga ito at ng mabigay na natin ito sa mga maghahawak ng proyekto na ito." Agad na tumango ang mga ito at agad naman na kumapit ang isang babae at ito ay si Kim ang seckretarya ni uno.
"Sa nakalipas na mga buwan ng aming gawin nag planong ito ay naglibot muna kame hindi lamang dito sa loob ng sect kung hindi rin sa bay ng laveron na pinamumunuan ni Mayor Echo. Sa ilang linggo namin na pagiikot ay napansin namin ang naka tagong baho ng bayan na hindi ko alam kung alam ba ito ng mayor pero isa lang ang alam namin hindi siya kasama o ang kaniyang pamilya sa pangyayaring ito. May mga ilang kalye kameng nakita na puno ng mga mahihirap na nanghihingi sa amin ng pagkain na para bang hindi na sila kumain ng ilang araw." Huminto si kim at tumingin sa mag-asawa na ngauon ay nakayuko at nakakuyom ang kamao. "Sa problemang ito ay hindi lamang ang mayor ang dapat na gumawa ng paraan na ito at ang naisip naming paraan ay ang ipasok sa pangangalaga ng sect ang buong bayan, ito lamang ay kung sasangayunan ng mayor." Agad na napalingon sila muli sa mga ito at kita nila sa mukhan g mga ito ang gulat dahil sa huling narinig na binasa ng nito.
"Walang problema sa akin ang bagay na iyon, kung magagawa nitong mabago ang bayan tulad ng iba ay gagawin ko ang lahat." Seryosong sagot ni echo na agad na ikinangiti ng mga ito.
"At dahil alam namin na papayag ka ay ang mga sumusunod na plano ay aming sasabihin. Una, upang walang balakid sa palno ay patayin amg lahat ng gahaman sa kayamanan dahil ang mga tulad nila ang sisira sa pundasyon ng isang bayan. Ikalawa, ang buong bayan ay bibigyan ng pagkakataon na gumamit ng libre sa loob ng isang buwan sa cultivating room sa gaano kalaki man ang gastos ay kame ang magbabayad nito." Nanlaki ang mata ng lahat dahil sa kanilang narinig, libre? Hidmi biro ang nais na mangayari ng mga ito. "Nakakagulat hindi ba? Pero alam nating lahat na kailangan nilang maging isang adventurer upang maipagtanggol nila ang kanilang sarili sa mga bayang nais na sakupin ang laveron ng makailang ulit."
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...