Chapter 5: Renovation
Isang linggo na ang lumipas simula ng pumasok sa seclusion ang sect master kasama ang ilang mga elders at sa mga araw na wala nag mga ito ay nagumpisa na din ang pag rerenovate ng sect na hindi na matapos tapos simula ng magising si carl. "Sa ngayon ay mayroon tayong 358 outer disciples at 30 celstial knights disciples wala pa ito sa kalingkingan ng mga sect sa bansa at isa pa din tayo sa pinakamahina. Marami tayong foundation realm ngunit kaunti pa din ito ng malaki sa ibang mga sect. Wala din tayong kahit isang core realm." Pagsasalaysay ni jay habang hawak ang notebook na lagi niyang dala na naglalaman ng mga information na nakuha niya sa pagiikot.
"Hindi na kataka taka iyon wala pang kalahating taon ng unti unting bumabangon ang sect at isa pa oras na para magsagawa ng mga plano na hindi alam ng iba bukod sa atin. Kamusta ang tungkol kay Elder Anya pumayag ba siya?." Isang tango ang ibinigay ni Flane sa sinabi nito. "Kung ganoon ayon pala ang dahilan ng kaniyang pag-alis."
"Ano pa ba ang dapat nating isagawa? May nakalimutan ba tayo?." Napaisip nag lahat dahil sa tanomg ni Bea. Di naman nila mawari kung ano pero pakiramdam nila ay may mali talaga. "Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may mali. Para bang may bagay tayong nakalimutan." Napatango din sila dito bilang tugon.
"Oras na siguro upang subukan na natin pumasok sa dungeon?." Sa sinabing iyon ni Carl ay agad na sumeryoso ang mga ito at tumango. "Mamayang gabi magkota kita na lamng tayo sa tapat ng gate, isasama ko na rin si ann upang maging healer natin." Tumango ang mga ito bago nagsialisan.
Kinagabihan gaya nga ng sabi nila ay sabay sabay nga sila umalis at tumungo sa pinakamalapit na dungeon na pagmamay ari nila nandoon din amg ilang celsetial knights na bantay ma nakilala naman agad sila at pinapasok. Nang makapasok sila ay ramdam na agad nila ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa loob ng dungeon habang tinatahak ang daan kung saan unang beses nilang masasaksihan ang bagong mundo sa likod nito.
Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ng isa't isa ng sila ay makapasok sa loob dahil ang lugar na kanilang kinaroroonan ay isang forest kung saan ito lamang ang unang beses nilang masaksihan ito. "Magandang paraan ito upang maga,it ko ang aking kakayahan, sigurado akong may mga bagay na maaari nating maiuwe na hindi alam ng iba dahil wala sila ng kakayahang meroon ako." Isang ngiti ang lumabas sa labi ng mga ito habang naririnig na sinabi iyon ng binata.
"Sa ngayon ang dapat nating alamin ay kung ano at gaano karami ang ating makakalaban." Di naman ito tinanggihan ng mga kasama dahil alam nila na kapag si Flane na amg nagsalita ay siguradong walamg kahit na sino ang maaaring kumontra maliban na lamang kung si Carl ito at kung may kabuluhan ang nais niyang mangyari.
"Sa kanang bahagi mayroon akong nakitang mga demon goblin." Agad naman nilang tinungo ang lugar na sinabi ni carl at doon nga nila nasaksiha ang isang grupo ng demon goblin na may hawak na kung ano na para bang isa itong mahalagang gamit kase ingat na ingat ang mga ito sa pagbitbit at may mga nag aabang pa sa likurang bahagi upang masigurong hindi ito masisira.
"First Move: Golden Barrier." Isang kulay gintong haeang ang biglaan na lamang nabuo sa kanilang lahat na siyang ipinagtaka nila dahil wala naman kalaban na papalapit omalapit sa kanila. "Invisble Gecko." Sa sinabing iyon ni jau ay napakunot ang noo nila kung paano niya nakita ito ganoong hindi nga nila napansin iyon.
Isang malakas na tunog mula sa pagtama ng atake sa harang na gawa ni jay. Nababalot ito ng lason at kulay purple ito at isa lang ang ibig sabihin nito na higit na delikado ito dahil na sa paligid nila ang napakaraming mga halaman na maaaring pagtaguan ng mga ito. "Imposible, hindi ko akalain na hindi sila nakikita ng aking paningin. May kung anong bagay ang meroon sila upang maharangan ang aking mata na makita sila." Sa sinabing iyon ni Carl ay napaisip ang lahat kung ano iyon.
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...