Chapter 23

11 3 0
                                    

Chapter 23: Nirvana Wolrd

Simula ng araw na maghiwa hiwalay sina carl ay paramg mabilis na lumipas ang mga araw at taon dahil ngayon ay ang ikaapat na taon na at ilang araw mula ngayon ay magkikita na muli silang lahat at sa mga taong iyon ay unti inti ng nauumpisahan ang mga towers at hindi maitatanggi na ang ganda na nito kahit hindi pa tapos.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat dahilan upang dali daling naglabasan ang lahat sa kani-kanilang mga tirahan at agad na tumungo sa pinangggalingan ng ingay na ito. Na sa himappawod ang lahat at kitang kota nila ang hondi gaanomg malaking mundong lumulutang sa harap ni Royal elder Jea. Mabilis na humihigop ito ng emerhiya mula sa mundong ito at pinapakalat sam undong kaniyang gawa. Ang kaninang walang kulay ngayon ay unti unti ng nagkakaroon ng buhay.

May isa na din tayong mundong nabuo at ito ang ating kailangan na tutukan. Ayon kay Echo mapapabilis ang pagpapalaks dito kung papasahan ito ng emerhiya mula sa ibat ibang klase o uri ng kakayahan." Sabi ni Uno.

"Kung ganoon anong balak mong gawin?." Tanong ni dos na kakarating lang sa kaniyang tabi. "Nais mo bang araw araw itong lagyan ng enerhiya ng bawat isa? Hindi naman masama kung gagawin natin iyon, sa ngayon bumubuo na ng koneksyon si Royal Elders sa mundong kaniyang binuo." Ani niya habang nakatingin sa nakapikit na elder.

Hindi pa nga lang ito gaanong kasing ganda ng ibang mundo sa ngayon ngunit ang mundo niyang ito ay higit na mas lalalakas pa dahil nagawa nitong makabuo ng mundo sa loob lamang ng ilang taon. Unang bagay pa lang ito at ang pagpapalago rito ay hindi ganoon labilis dahil dekada nga ang inaabot nito bago tuluyang maging tapos ito. "Elders sa ngayon oras na para ibigay ang kalahati ng enerhiyang meroon tayo sa mundong binuo ni royal elder jea." Agad na pumabilog sila at mabilis na ibinogay ang enerhiyang meroon sila na agad naman nitong inabsorb na para bang gutom na gutom at talam na takam sa kinakain.

"Maaari na kayong tumigil." Gaya ni uno ay huminto din ang lahat at pinagmasdan ang pagbabago sa mundong ito ngunit wala silang makitang masyadong pinagbago nito. Iniwan nila ito sa kanilang ginagawa at bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Nakatayo si bea at hindi maikakalang naiinip na ito. Ito na kase ang araw ng pagkikita muli nila at ito na naman siya naghihintay ulit sa mga ito at nasa kaniyang likuran ang higit sa tatlong libong indibidwal mula sa isang maliit na bayan na kaniyang iniligtas na nais na sumama sa oanoya upang maging isang malakas. Mga ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na si Jay at gaya ng dati ay higit na mas marami ang kasama nito dahil libo ang na sa likod nito at karamihan sa mga ito ay qi condesatiom realm at may iilan na foundation realm. "Ano bang ginagawa mo bakit ganyan kalakas na naman ang bitbit mo?."

"Bea, hiwag tayong maglokohan dahil alam kong hindi pa iyan ang pinakamalakas mo. Hindi mo pa lang dinadala dito ang mga iyon dahil may pinaghahandaan kang gawain, hindi ba?." Natatawang sabi ni Jay. Alam nila ang tungkol sa bagay na ito dahil sa isang maliit na guild na kumalaban sa kaniya nam ay malalakas na mga kasali ay hirap silang talunin ito.

Ilang sandali pa ay dumating na din si ann at flane ng halos mag kasabay madaming kasama si flane habang si ann ay higit sa isamg daan lamang ang bitbit at halos lahat ito ay foundation realm. "Ann, saan mo natagpuan ang mga iyan?." Di maiwasang tanong ni flane ng masaksihan ang lakas ng mga ito.

"Sa maliit na bayan sa loob ng bundok na amg tanging pamumuhay ang paggamot kaya lahat ng mga ito ay healer." Nakangiting sabi nito at hindi maiwasan ng mga ito ang magupat dahil sa lakas na meroon ang mga ito bilang isang healer.

"Mukhang nandito naman na kayong lahat." Napalingon sila kay carl na ngayon ay may kasamang libo libong indibidwal ito ang unang beses na nagdala ito ng mga kasama kaya hindi nila akalain na magdadala ito ngayon at malalakas pa ang mga ito at tila ba isang malademonyong pagsasanay ang kanilang ginawa.
"Hindi ba may isang taon pa tayo bago tuluyang bumalik ng sect? Sa mga oras na ito ay lahat mg mga indibwal na naririto ay bibilisan na nag pagsasa ayos nitong mga tower natin ng sa ganoon kahit hindi pa ito gaanong tapos ay maaari na tayong magbukas." Agad na tumango ang mga ito at agad na sinenyasan ang mga kasama na agad namang naintindihan ang nais iparating.

Shadow Sect Where stories live. Discover now