Chapter 18: Another implementation
Lahatay nagulat dahil sa higit isang daang opisyal ng bayan ng laveron ngayon ang nakatali sa harap ng mamamayan ng bayan. Nakapalibot sa plaza ang higit sa isang daang bilang ng earth warrior at nagtataka at nakakaramdam ng kaba ang mga ito dahil sa maaaring mangyari. "Na sa inying harapan ang lahat ng opisyal na matagal na naming binabatantay, mga opisyal na kumukuha ng malaking buwis mula sa inyo na kanilang ibinubulsa ngayon na may sapat na kameng ebidemsya para sa kanilang ginawa ay wawakasan namin ang buhay ng mga ito para mabago ang bayan." Sigaw ni echo maraming natuwa at halos mapaiyak dahil sa sinabi nito.
"Sa wakas hindi ko na kailangan pang ibenta ang sarili ko sa kanila upang makapagbayad lang ako sa utang sa gamot para sa aking anak." Rinig nilang sabi ng isang babae, maganda ito at hindi mahahalatng pamilyado na.
"Ako si Echo ang mayor ng laveron ay uumpisahan na nag pagpaslang sa mga ito." At sa hidyat niyang iyon ay isa isang punutulan ng ulo ang mga ito at mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat dahil rito. Matapos nuon ay niligpit din agad ito upang himdi na kumalat pa ang amoy sa buong lugar. "Ngayong tapos na may nais akong sabihin, isa itong usapan sa pagitan namin at ng sect master ng kilalang shadow sect." Maraming narinig na komemto si echo ngunit karamihan sa mga ito ay magaganda naman. "Nais ng sect master na si uno na gawing parte ng sect ang bayan ng laveron at nais din nilang ipaalam na lahat ng naninirahan rito ay magiging parte ng sect at lahat kayo ay bibigyan ng pagkakataon na makapagumpisang subukan na maging isang adventurer." Dahil dito ay mas lalong lumakas ang hiyawan dahil dito.
May isang lalakeng nagtanong at pansin sa mukha nito na hindi siya sang-ayon sa nais na mangyari. "Ano naman ang maaari naming makuhang benepisyo dito? Kame na parte ng black market ay nais na malaman ang inyong plano." Lahat ay agad na napalingon kay echo na ngayon ay nakangiti.
"Black Market? Isa kayo sa binabantayan namin noon pa man at alam kong alam niyo yun. Kung tutuusin hindi ko na dapat ipaalam sa inyo ito dahil ako pa din ang masusunod kahit na anong gawin ninyo pero hindi ko ginawa dahil nais kong marinig ang opinyon ninyo." Lahat ay hindi miwasang mapa yuko dahil totoo naman ang sinasabi nito. "Pedo bilang sahot sa iyong katanungan ang plano ay maganda dahil babaguhin lahat ng estraktura sa bayang ito, maging ang black market ay hindi tatanggalin hahayan pa din ng sect na manatili kayong umiiral at ang tanging maari niyo lang gawin ay bumili ng mga bagay mula sa mga bisita maliban na lamang sa pagbenta ng mga slaves dahil kung hindi niyo susundin ito ay tatapusin kayo agad ng mga elite disciples ng sect na aking kasama ngayon." Dahil sa narinig na ito ay hindimaiwasan ng lalake ang makaramdam ng kaba dahil sa bilang at lakas ng mga ito.
"Paano kame kikita sa bagay na iyon kung ganoon?." Tanong niya sa kabila ng takot na nararamdaman.
"Madali lang ang mga binili niyo ay maaari ninyong ibenta sa auction house. Maaari din ninyong bilhin ang mga slaves na binebenta sa inyo at dalhin sila sa sect at babayaran ito ng sect sa inyo. Nais ng sect na lumakas tayong lahat apdahil alam ninyong paunti ng paunti ang mandirigma natin dahil sa gyera na taon taon nangyayari.Kapag umanib tayo sa kanila ay bibigyan nila tayo ng pagkakataon na pumasok sa cultivating room ng sect na siguradong magbibigay ng malaking tulong mula sa atin." Agad naman na natuwa ang karamihan dito at agad na sumang ayon. "Kung ganoon ay magtutungo na tayong lahat sa sect at upang maumpisahan na ang pagsasaayos nitong bayan." Agad na tumango ang mga ito at sabay sabay na tumungo sa sect habang nakasakay naman sa espada ang mga elite disciples at nakaantabay sa itaas.
Isang oras cin mag lumipas at hindi maiwasan ng mga nakakakita ang magulat dahil sa ganda ng sect at nasa harapan ng mga ito ang ilang elders na ngayon ay nakangiti sa kanila. "Pumasok na kayo at habang pumapasok ay bumuo kayo ng dalawang linya at dadalhin kayo ng mga disciples sa cultivating room ninyo ng makapagsimula na kayo." Agad na tumango ang mga ito. Iniwan sila ni echo at agad na tumungo kay uno nan gayon ay seryosong binabasa ang mga sulat na galimg sa treasury hall.
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...