Chapter 11: Big plan
Gaya nga ng sabi ni carl ay sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang gimawa kung hindi tutukan ang mga ito sa pagsasanay. "Ben, iyukod mo pa ng kaunti ang tuhod mo." Agad naman itong sinunod ni ben at doon niya naramdaman ang konting kaginhawaan na hindi niya nararamdaman ng una. "Ang nine phantom blade ay hindi madali na maging ako ay tanging 5 techniques pa lang ang na mamastered ko. Kaya huwag ninyong madaliin amg inyong mga sarili at i-relax niyo lang ang sarili ninyo." Dugtong niya.
Ito na ang ikalimang araw mg pagsasanay nila at hanggang ngayon ay hindi pa inuumpisahan ni carl ang pagpapalinis sa mga ito. "Sa huling araw ay uumpisahan na ninyong linisin amg lugar na ito at nais kong makita na gagamitin ninyo ang mga itinuro ko sa inyo." Sabay sabay naman na sumagit ang mga ito.
Makalipas ang ilamg buwan.......
Sa loob ng malaking kwarto ay magkakasama ang lahat ng elders bukod sa mga nasa seclusion pa hanggang ngayon. "May balita na ba kayo kung bakit kumuha ng mga disciples ang mga iyon?." Tanong ni Uno. Sabay sabay naman na tumango ang lahat sa kaniya. "Kung ganoon pakipaliwanag sa lahat." Ani niya.
"Ayon sa core disciples na aking nakausap ay kumuha ng sampong disciplessi carl doon upang tutukan na turuan kung paano tamang gawin ang nine phantom blades." Sagot ni hanna. Napapangiti naman ang lahat dahil sa sinabi nito.
"Ganoon din ang sinabi ng mga disciples sa ibat ibang rank. Tinanong ko kung anong balak gawin ng mga iyon ngunit hindi rin daw alam ng mga ito." Dugtong ni Zane.
"Sa ngayon ay huwag natin muna problemahin ang mga iyan, may mga invitation akong natanggap." Agad niyang inilabas ang mga ito at ibay ibang kulay ang mga sobre at lahat ng ito ay nareceive lamang nila sa loob lamang ng ilang buwan. "Ang letter na ito ay mula sa ibat ibang 9th rate sect na katulad natin, invitation ito sa laban at lahat ng elders ay mayroong invitation." Agad naman nilang hinalukay ang mga sobre at hinanap ang para sa kanila. "Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nalaman mg mga ito kung ilan ang elders natin." Dahil sa sinabi niyang ito ay nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid.
"Malabong magkaroon ng spy dahil si carl na mismo ang may sabi na malabong mangyari iyon." Ani ni Jane. Hawak nito ang sobre. "Phyton Sect?." Basa niya sa liham.
"Di ba isa iyan sa bagomg sect na nabuo at sa loob lamang ng ilang taon ay lumakas ito at isa na din ito sa pinakamayaman sa loob ng maikling panahon." Tumango ang lahat sa sinabi ni tae.
"Tatanggapin mo ba amg inbitasyon?." Tanong ni Uno. Agad na umiling ito.
"Sa ngayon hindi pa dahil alam mo naman na wala pa kong laban sa kahit na sinong elders ng phyton sect dahil higit na mas malakas ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga ito upang marating nila ang kinaroroonan nila ngayon." Sagot niya pa.
Napatango naman silang lahat dahil sa sinabi nito. "Kamusta ang tungkol sa pagbili ng demon beast core?." Tanong ni Uno. Agad naman tumayo ang isang hindi katandaang lalake habang may hawak na scroll ito ang treasury head.
"Sect Master, ang mga demon beast core ay idedeliver na ano mang oras ngayon. Pero may isang seller na nais kang makausap pagkatapos niyang maihatid ang goods." Ani niya. Napakunot ang noo ni uno dahil dito dahil ito ang unang beses na mangyayari ito.
"Sino?." Tanong niya.
"Si mayor echo. Nais ka niyang makausap." Nagakatinginan naman silang lahat bago tumango. "Kung ganoon lalabas na ako upang salubungin ito." Agad na muling tumango ang mga kasama sa kwarto.
"Hindi ko alam kung ano ang nais ma pagusapan ng mayor na iyon ito ang unang beses na nagnais itong kausapin ako mismo." Iling iling na sabi ni uno. "Kamusta ang ibang trabaho?." Isa isa naman na sinabi ng mga ito ang tungkol sa lahat ng nangyayari sa mga proyekto na ginagawa nila. "Sige maaari na kayong bumalik sa mga trabaho ninyo." Tumango ang mga ito at agad na umalis naiwan muli si lea at uno sa loob ng kwarto. "Kanina ka pa tahimik matapos mong mabasa ang inbitasyon na nakuha mo."
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...