Chapter 2: The Meeting
Sa isang hindi kalakihang kwarto naroon ang mga elders at ang sect master kasama ang asawa nito, seryoso ang mga ito at ni buntong hininga ay hindi magawa. Kabilang sa nagaganap na pagpupulong ay ang mga sect disciples na nagpakita ng tapang sa naganap na labanan kabilang dito si carl na ngayon ay hindi pa gaanong magaling ngunit nag-pumilit na makasama sa pagpupulong na magaganap. "Hindi ko man ito sabihin ay alam kong alam ninyo na ito ang unamg pagkakataon na makaranas tayo ng ganitong sitwasyon ngunit ito din ang unang beses na naipakita sa atin ng mga disciples ang kanilang totoong lakas na hindi natin nakikita noon."
"Tama ka sa iyong sinasabi, Uno. Hindi ko din akalain na may itinatagong lakas ang mga iyon, wala tayong kaalam-alam sa lakas na meroon sila dahil hindi natin ito napagtutuunan ng pansin." Napatango silang lahat sa sinabi ni 1st elder Zane, isa na itong 9th qi refinimg realm at ilang buwan o taon na lamang ay maaabot na nito ang foundation realm.
"Simulan na natin ang pinaka topic ng ating pagpupulong upang hindi masayang ang oras natin sa mahabang usapan na hindi naman muna kailangan pagtuunan ng pansin." Napakamot na lamang ang lahat sa kanilang ulo ng marinig ang malamig na boses ni Hanna na siyang ikalawang elder at na sa 7th qi refining realm. "Carl, ikaw mismo ang nais kong magsabi sa amin kung paano mo natalo ang isang three eyed demon spider na nasa foundation realm?." Lahat ay napatingin kay carl na ngayon ay walang buhay na nag-paikot ikot ang tingin sa laaht ng nasa loob ng kwartong kanilang kinalalagyan.
"Mahirap ipaliwanag kaya mas mabuti pang ipakita ko na lang sa inyo." Nakaramdam ng saya ang lahat dahil sa kanilang narinig kahit na hindi nila ito ipahalata sa binata ay alam nito na gustong gusto ng mga ito na malaman ang kakayahan niya.
"Celsstial Gaze: Starlight Vision." Makalipas lamangang ilang sandali ay nakita nilang ang pagbabago sa mata nito may kung anong kakaibang liwanag ang lumabas mula rito at kumakalat ito sa noo ng binata at makalipas lamang ang ilang sandali ay hindi maiwasan ng mga ito ang magulat dahil sa kakayahan niyang ito."Hanna, 7th qi refining realm at isang ice mage." Di naman na sila nagulat dahil sa kung ano ang kakayahan at lakas nito dahil alam nila iyon. "Di ka maka-angat ng iyong antas dahil ayaw mong tuluyang mawala ng pa unti-unti ang emosyon mo dahil hindi mo ma-control ang kakayahan mo." Napahampas ng malakas si hanna sa lamesa dahil sa narinig niyang simabi nito.
Nagtataka naman na napatingin sa oaniya ang lahat kaya dahan dahan muli siyang na upo at tu,ingin mg seryoso sa binata na ngayon ay naghihintay ng tugon mula sa kaniya. "Tama ka, isa nga iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko sinubukan na paangatin ang aking antas sa loob ng ilang taon." Di maiwasan ng lahat na magulat dahil sa kanilang nalaman at lahat ay napatingin kay carl na ngayon ay may ngiti sa kaniyang labi. "Kung ganoon ang kakayahan mong iyan ay kayang makita ang mga bagay na hindi kayang makita ng normal na mga mata." Ito pa nag pahabol niyang sabi na agad ring tinanguhan ni Carl.
"Tama ka sa iyong sinabi elder hanna. Dahil din sa matang ito ay may nalaman akong mahalagang bagay na dapat ninyong pagtuunan ng pansin." Lahat ay napakunot ang noo dahil sa sinabing ito ni carl na ngayon ay seryosong nakasandal ang katawan sa upuan habang ang paa nito ay hinihilot ni jay na katabi lamang niya. "May limang araw na lamang tayo upang patayin ang dungeon master sa portal na nag-bulas at kung hindi natin iyon magagawa ay magkakaroon ng dungeon outbreak na magreresulta ng bagay na ayaw nating mangyari."
"Kung ganoon ito pala ang dahilan kahit na ilang taon na itong paulit ulit na nangyayari ay wala pa ding nagbabago. Nauubos lamang amg desciples natin habang sila ay nagpaparami sa loob at nagpapalakas." Di na maiwasang sabi ni Jane na ikapat na elder at isang 6th qi refining realm. "Isa mga ito sa bagay na dapat natin pagtuunan ng pansin sa ngayon. Dahil kung hindi natin ito magagawang matalo ay siguradong may mga kalapit na sect ang gaga,itin itomg paraan upang tayo ay gipitin o sakupin."
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...