Chapter 20: Half Done
Sa mga lumipas na mga buwan ay kalahati na ng bayan ang natapos ayusin may ilang establishimento na ang nabuo tulad ng bahay ng mayor na aiya ring kinaroroonan ng kawani ng bayan. Natapos na din ayusin ang magiging auction house na makikita sa gilid na bahagi may dalawang building din itong katabi na wala pang pangalan kung anong meroon sa building na ito.
Natapos na din ang pagaayos sa mga kabahayanan na mira ang upa ngunit maganda at hindi ka na lugi sa halaga, tapos na din gawin ang taniman ng mga halaman at kung ano pa man na pa rerentahan sa mga indibiwal na nakuha ang kakayahan na may kaugnayan sa pagtatanim na isa sa pinakamahalaga sa lahat.
Maraming mga uri ng kakayahan ang lumitaw na hindi akalain ng lahat na meroon tulad ng mga miner, tamer, musician, dancer at marami pang iba.
Dahil dito mas dumami pa ang nabuong trabaho at lahat ng ito ay pasahod ng mayor at ang kalahati ng mga kinikita sa mga trabahong ito ay mapupunta sa sect gaya ng usapan bilang bayad sa mga naitulong at ipinondo nito. "Tama nga ang aking sinabi, nasa ilalim tayo ng hevenly sea. At hindi lang iyon dahil sa sobrang lawak ng sect hindi ko lubos maisip kung gaano karami ang myembro noon ng sect. Paano nila napanatiling nakatayo ang sect sa kabila ng pagaalburoto ng mga nilalang sa ilalim nandito pa lang tayo sa daungan ay nangingilabot na ako sa takot." Ani ni jay habang nakatingin sa napakaraming portal na nakapalibot sa ibat ibang bahagi ng heavenly sea.
"Kung ganoon ang unang sect master ng sect ay talagang isa sa pinakamalaks dahil nagawa nitong itayo ang sect sa ganitong klaseng lugar na ano mang oras kung hindi maaagapan ay siguradong delikado ang buhay ng marami." Ani ni flane. Napatingin din ito sa mga nagtatalunan pang mga nilalang sa portal na para bang tuwang tuwa na nakalabas ang mga ito.
"Kailangan nating maging malakas sa lalong madaling panahon, hindi maaaring manatiling ganito ang parte ng sect." Sumangayon naman sila mungkahi ni carl dahil maging sila ay ito din ang nais na mangyari. "Whale Dreamer, 3rd Ascension realm." Bulaslas ni carl habang nakatingin sa malaking dambuhalang beast. Di maiwasan ng lahat ang magulat dahil sa pangyayaring ito.
"Isa pa lang iyan ngunit malakas pa kesa sa pinakamalakas natin sa sect. Mukhang matatagalan pa ang pagaayos natin sa lugar na ito, ngayon ay magagawa na lamang natin ay tapusin na linisin ang harap na bahagi ng sect." Ani ni bea. Umalis don sila agad doon at bumalik sa mga royal disciples nan gayon ay may kausap na mga bagong dating higit sa tatlong daan ang bagong datimg sa mga ito. "May bagong dating ulit? Parami ata ng parami ang lumalakas ngayon mukhang kailangan na din namin magsanay ng todo." Natatawang sabi ni bea.
"Gaya ng ginawa niyo noon kayo ang magbabantay sa kanila at kayo na din ang bahala na mamili kung sino ang idadagdag nyo sa inyong grupo." Ani ni Jay. Tumango naman ang mga ito sa kaniya at inumpisahan na ipaliwanag ang mga dapat na gawim na gaya ng mga nauna ay ganoon din ang naging reaction ngunit mas mabilis na naka adapt ang mga ito kumpara sa unang grupo.
"Umpisahan natin ulit ang technique na sinusubukan natin." Agad na tumungo sila sa lugar na kanilang pinagsasanayan. Bumuntong hininga muna sila bago nagsimulang magsalita.
Isa isa nilang pinalabas ang kanilang enerhiya at pinatama ito sa kanilang gitna at hindi naman nila napansin na nanonood ang mga royal disciplessa hindi kalayuam sa kanila na nagtataka kung anong balak nilang gawin. "Magtatagumpay kaya sila sa binabalak nila?." Tanomg ni luz.
Mabilis na tumango ang mga kasama niya dahil sa tanomg niyang ito at muling tymingin sa mga ito na ngayon ay unti unti ng naghahalo halo ang kanilang mga enerhiya at ramdam nila ang malakas na ihip ng hangin na nagmumula sa mga ito, unti unting nabalot ng lupa ang buong katawan ng mga ito at may malakas na liwanag na nagpapahirap sa kanilang makakita at ang malakas na apoy na bigla na lamang sumabog na bulkan at sa sordang lakas nito ay maging ang mga tao sa sect ay nagulantang dahil dito at dali daling tinungo ang kinaroroonan ng bagay na ito at lahat sila ay nagulat ng masaksihan amg nangyayari.
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...